Chapter 25

14.6K 175 108
                                    





Chapter 25








Prente akong sumandal sa pader habang pinapanuod sila. A smirk curved on my lips when I saw how uncomfortable she sat across Enzo. Inayos pa niya ang suot, sinusubukang itago ang markang ginawa ko.



"Problem?" I read Enzo's lip.



Ipinilig ni Kessiah ang ulo habang hinihimas ang parteng sinipsip ko kanina. Itinaas pa niya ang hood niyon upang takpan ngunit mas nagmukha lang siyang kaduda-duda.



"Ano bang mayroon d'yan?" Enzo chuckled.



"N-Nothing." She took a deep breath.



Nang tumayo si Enzo saglit upang sumagot ng tawag ay gumawi sa direksyon ko ang mata ni Kessiah. Agad niya akong pinandilatan nang makita ako, gigil na gigil. I just gave her a wink and walked out.



We resumed our training after half an hour. Nandoon si Kessiah para manuod. Gusto ko na nandito siya pero hindi ko maiwasang hindi mainis dahil hindi naman niya ugaling tumambay dito.



Ano 'yon nandito siya para sa Enzo na iyon? Tangina! Ako kasama niya sa bahay---ilang buwan na rin. Ako dapat sinusuportahan niya rito. Pawisan akong naupo sa bench pagkatapos ng training.



"Gagi, men, dinalhan ng tubig."



Humigpit ang hawak ko sa water bottle habang pinapanuod silang dalawa. Ang lalandi. Nasaan ang hiya? Nasaan ang dignidad? Nasaan ang karapatan ko? F*ck. Inabutan pa talaga niya ng towel. Laki-laki na niyan tinutulungan pa niya.



Masyado silang masakit sa mata kaya um-exit na ako. Pagbalik ko wala na sila. Magkasabay raw na lumabas sabi nila Vaughn. Badtrip tuloy akong umuwi.















"Sir, hindi n'yo po yata kasabay si Ma'am?" salubong sa akin ni Manang matapos akong pagbuksan ng pinto.



"Masaya na siya manang."



"Po?"



"Masaya na siya sa iba." Pasalampak akong naupo sa sofa na para bang pagod na pagod na sa buhay.



"Edi dapat po maging masaya na rin kayo para sa kaniya."



"Ayoko nga. I mean... ano 'yon siya lang masaya?"



"Luh! Si OA!" Itinakip pa nito ang kamay sa bibig. "Hehe sorry po, sir."



"Ipagtimpla mo na lang ako ng juice, Manang. Gusto kong magpalamig."



"Right away, sir!"



Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ng aking bag pagkaalis ni Manang. Mabilis akong nagtipa roon.








To: @itsknauiem




wer are u na??



hey!



are u really just gonna ignore me?







Binura ko ang huli kong tinipa at nagtipa ng bago.








To: itsknauiem



uwi na raw u sabi ni tita.







Inihagis ko lang ang cellphone sa tabi ko at pinaunan ang ulo sa ibabaw ng sandalan ng sofa. I waited for her reply pero wala. Naiinis akong nag-marcha paakyat upang magpalit ng damit. Pauli-uli ako pagkatapos, hindi mapakali dahil wala siyang reply.



Ruling the GameWhere stories live. Discover now