22

47 3 0
                                    

Everyone at least had unforgettable senior high school memories.

Mine was something I'd pay a shit ton of money para lang makalimutan... ang problema, wala rin akong pera. Nakakatawa.

Hindi ko rin alam kung bakit, sa totoo lang. I know I wasn't a target that they'd have fun pestering over. Wala rin naman silang mahuhuthot sa'kin. But everyone just treated me so vile I wanted to drop out of SHS. Hindi pa nakabuti na magkaiba kami ng section ni Holly kaya para akong pumapasok sa impyerno araw-araw.

Well at least they didn't do it in front of me.

Pero mas masakit pa rin talaga kapag akala mo mabait sa'yo tapos malalaman mo na lang, sinisiraan ka pala sa iba.

Ang alam ko lang... Hindi kasi kami mayaman.

That was the only answer I could come up with para lang i-justify sa sarili ko na okay lang; na titiisin ko na lang kasi wala naman ako sa wavelength nila.

"Lula. Sure ka na ba? I mean pwede namang kumain na lang tayo sa labas..." Holly asked, suddenly sounding unsure nang makapag-park na 'yung sumasama kay Sergio.

Natawa ako. "Okay lang 'yan," sambit ko. "Andiyan naman kayo."

"If worst comes to worst, I'd pull you out of here, Mads. No buts."

I sighed.

"Wow, sugar baby era ulit natin ah?"

Napaawang ang labi ko nang makasalubong namin 'yung isa kong ka-batch na hindi ko na nga maalala ang pangalan. Tinignan naman siya nang masama ni Holly kaya hinila ko na lang siya palapit sa'kin.

"Sergio," tawag ko nang akmang lalapitan niya. Tumawa lang 'yung ka-batch naming 'yun bago naglakad papalayo. Sergio sighed.

"I should teach that guy a lesson."

Umiling ako. "Hayaan mo na," sambit ko. "Hindi tayo pumunta dito para manggulo, okay?"

He sighed, again. "Okay."

"Kapal ng mukha, kakalaya lang naman sa kulungan."

"Loka marinig ka," bulong ko. "Pero nakulong 'yun?"

Tumango si Holly. "Nagnakaw yata ng vape do'n sa may Aurora Park."

Natawa ako. "Hayop, vape lang ninakaw pa?" Pareho kaming natawa ni Holly habang naglalakad papasok sa Fort Ilocandia. Nakakaloka, ang dami rin palang in-invite no'ng prof namin na 'yun dahil party na rin pala para sa retirement niya this school year. Buti pala 'di na'ko nag-inarte, e 'di hindi kami nakakain sa Red 8?

Medyo nakakainis lang dahil habang papalapit kami sa resto, mas lalong dumadami 'yung mga nakakasalubong naming ka-batch namin. Hindi ko mapigilang hilahin tuloy si Sergio palapit sa'kin dahil 'yung iba kulang na lang hilahin si Sergio at mag-book kaagad ng room dito kung makatingin sa kaniya. Wrong idea pa yata na dinala ko 'tong lalaking 'to, lutang na lutang ba naman ang hitsura kahit simpleng tokong shorts na khaki at floral na polo dahil trip ng adviser namin ng hawaiian outfits dahil do'n pala lilipat si sir.

"Okay ka lang?"

Napatingin sa'kin si Sergio at ngumiti. "I'm fine," bulong niya.

"Huwag ka lang lalayo."

Sergio chuckled. "Oh, Mads. Didn't I tell you I'd stick to you like gum?"

"Kadiri ka naman."

Natawa naman siya lalo. Happy pill talaga ako ng taong 'to.

"Si Sir Rey?"

"He's just around the area, don't worry," Sergio says. "And he already told you to call him by his name and drop the sir."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

the stars above usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon