21

47 3 0
                                    

My hands were fidgeting habang tumitingin ako ng flight tickets papuntang Laoag para lang makarating ako kaagad doon, kahit hindi pa man din ako sigurado kung kasya pa 'yung budget ko ay bumaba kaagad ako ng building namin. Rinig ko man 'yung pagtawag ni Sergio sa akin nang paulit-ulit para ipaliwanag sa kaniya kung bakit ako nag-pa-panic ngayon ay pakiramdam ko nawalan ako bigla ng lakas.

"Mads, please." Napatigil lang akong maglakad nang hawakan ni Sergio ang braso ko. Maingat niya akong hinila palapit at pinaharap sa kaniya. "Talk to me."

Napapikit ako. Ni hindi ko na mapigilan 'yung mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo.

"What happened?"

"L-Laoag," bulong ko. "Kailangan kong pumunta ng Laoag."

"Okay... Okay," he whispered. "Please, calm down first. We'll figure this out." Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Napa-buntonghininga naman si Sergio at pinunasan ang pisngi ko.

"It's a 12-hour ride to Laoag, right?"

Tumango ako. "Magbo-book na lang ako ng plane ticket. Hindi ko kaya 'yung 12 hours, Sergio. Baka..." Napapikit ako at napailing. Hindi naman dapat ako nag-iisip nang ganito... Na baka hindi ko maabutan si tita kung ano man ang nangyari. Pero hindi ko maiwasang matakot...

Hindi ko na napigilang humagulgol sa harapan ni Sergio kahit pa nasa labas kami ng building ng Allied Health kaya napatakip na lang ako ng mukha ko. Naramdaman ko na lang ang pagkabig niya sa akin at ang pagyakap niya nang mahigpit dahilan para mas lalo pa'kong maiyak.

I know I shouldn't think of all the worst case scenarios...

Pero ayaw akong takasan ng takot.

Putanginang takot 'to.

"S-sorry," bulong ko nang mahimasmasan na'ko. "Nabasa pa 'yung uniform mo..."

"It's fine, Mads."

I sighed. "Pasok ka na... Baka parating na si dean. Pakisabi na lang may emergency ako sa probinsya."

Napakunot ng noo si Sergio. "What? No," sambit niya. "I'll bring you there. We don't have to pack anything, right?"

"Baliw ka ba? May klase tayo..."

Sergio chuckled, tousling my hair. "But I can't let you travel on your own, Mads," he said. "Besides, I don't think there'd be plane rides at this hour. It's better if we get there as soon as possible."

"Ha?"

Pero imbes na sumagot, ngumiti lang siya at hinila ako papuntang parking lot. Gulong-gulo na 'yung utak ko kaya tumahimik na lang ako. I could barely register in my head what was happening. Punong-puno ng pag-aalala kay tita ang isip ko kaya halos wala na rin akong lakas para makipagtalo pa kay Sergio.

"Sa NAIA tayo, please." Halos magmakaawa na 'yung boses ko pero umiling si Sergio.

"And let you wait for hours, Mads? Not on my watch."

I sighed in defeat. Pakiramdam ko hindi normal 'yung braincells ko ngayon dahil parang halos ayaw gumana ng utak ko. Binuksan ni Sergio 'yung passenger door at inalalayan akong makapasok bago mabilis na sumakay sa driver's seat. Saglit siya nag-type ng kung anuman sa phone niya bago ko napansin na mas nauna sa amin 'yung isang sasakyan na palaging nagbabantay kay Sergio bago niya pinaandar 'yung sasakyan.

"Sergio... Sa'n tayo..." Napapikit ako. "Kailangan kong pumunta sa Laoag, Sergio. 'Yung tita ko..."

"I'll get you to Laoag," he says. "Trust me. We'll get there in no time."

I sighed.

"Hindi mo naman kailangang sumama."

"Mads..." Saglit siyang napatingin sa'kin bago hinawakan 'yung kamay ko nang mahigpit. "I know I shouldn't, but I want to be there for you. Okay? Just trust me."

the stars above usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon