Chapter 15 PUZZLES

14 14 0
                                    


Kali Marie Ortiz

Hindi ko aaminin na apektado ako sa huling sinabi ni Ronick ng gabing inihatid niya ako pauwi sa bahay ni Lola, mabuti na lang Friday noong prom kaya walang pasok dahil hindi ko alam kung kaya ko siyang harapin at kausapin kinaumagahan. Alam kong kakaiba na rin ang nararamdaman ko sa kanya, simula pa noong sabihin niyang ‘nahuhulog na siya sa akin’ nang aattend kaming practice ng prom. Then  inulit niya pa noong ihatid ako.

Wala sa sariling napaupo ako sa isang waiting shed habang nag-iisip kong tama ba na iwasan ko si Ronick? Halos ilang linggo ko na siyang iniiwasan. Hindi pa ako ready sa isang relasyon dahil sobrang magulo pa ng utak ko, “Again?” hindi makapaniwalang bulalas ko. Alam kong nasa crossing ako sa may paradahan ng trike at naghihintay ng masasakyan ngunit laking gulat ko ng Bus ang dumaan sa harapan ko.

Isang hindi pangkaraniwang Bus na Chinese character ang nakasulat sa headboard. Tamad akong sumandal sa glasswall na katabi ko, ayoko kumilos at walang balak tumayo. Wala akong pera kaya saan naman ako pupunta? Abala akong nagmamasid ng mga taong akyat-baba sa Bus nang may isang pamilyar na mukha ang pumukaw sa akin.

Matamis na ngiti ang pinakawalan niya ng makilala ako, “I’m sorry. Late ako. Dapat 109 ’yong sasakyan ko kaso nagkamali ako. Kanina ka pa?” paumanhin at tanong niya, as if naman may usapan kaming magkikita ngayong oras.

Hibdi ako umimik, tiningnan ko lang siya, “Let's go! May pupuntahan tayo, here's your buscard,” saad niya sabay bigay ng isang card. Ito ’yong ginagamit ng mga pasahero sa bus kanina.

“Careful, Marie,” sambit niya na nilingon pa ako hababg paakyat sa second floor ng Bus. Mangilan-ngilan lang ang pasahero sa taas at mukhang mga young couple pa. Umupo ako sa tabi niya, kahit amazed ako sa ganitong sasakyan ay wala talaga ako sa mood makipag-usap.

“Are you okay,” usisa niya habang nakatingin ako sa labas, napansin niyang wala ako sa mood. Sobrang taas ng bus kaya kita ko ang view na nadadaanan at hindi naman gaanong mabilis ang takbo kaya chill lamg ako kahit first time ko.

Tahimik na lang din siya at may naalala ako, “You told me last time that you blew 496 candle right?” lumingon siya sa akin at tumango lang habang nagtataka sa tanomg ko. “Your age is 31,” palatak ko, ngumiti lang siya at tumango, ibig sabihin halos doble ang tanda niya sa akin.

“Paano mo na-compute?” takang tanong niya.

“I had my own way and it's a secret." Ngiti lang ginawa niya. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bus terminal. Akala ko doon na ang huling destinasyon ngunit lumipat pa kaming train at sumakay.

“Sure ayos ka lang?” Tumabi siya sa akin. “Okay lang ako Kuya,” sagot ko pero lingon ako sa labas ng train. Parang gusto ko na lang umuwi at magpahinga. I’m so bored, kaso hindi ko alam paano bumalik sa reyalidad ko kaya hinayaan ko na lang siya. Ilang minuto pa ay bumaba na kami at naglakad pababa sa hagdan at tumawid sa main road hanggang sa dalawang crossing pa ang narating namin.

“Kuya, nakakapagod, saan ang punta natin? Maglalakad lang talaga tayo?” tamad na tanong ko.

“We’re in Singapore. No trikes here. Cab lang pero mahal ang rent kaya maglakad na lang tayo. Malapit na rin naman. See that building? May bibilhin lang ako saglit.” Itinuro niya ang isang malaking shopping Mall na MUSTAFA ang signage. Ilang segundo pa ay nakapasok na kami sa loob at tumambad sa akin ang mga appliances at gadgets sa loob ng Mall.

Ilang store pa ang nilampasan namin, “Can I try that dark blue camera?” sabi niya sa Indian na nasa counter at agad namang ibinigay sa kasama ko ang hinihingi. “I want this,”

“Sure that’s nice, Sir, you can try it,” giit naman ng tinderong Indian.

“How much?” rinig kong tanong ng kasama ko at sabay dukot sa bulsa ng Jeans niya at ibinigay ang dollar sa tindero. “Eighty Singapore dollar, Sir,” saad ng tindero.

The Secret Of Our Universe | THE PHANTAZEIN SERIES 2 On GoingWhere stories live. Discover now