NAKAPAGTAPOS sa kolehiyo si Ace sa kursong medisina. Itinuloy niya ang Master's Degree dahil sa kagustuhang maging doktor. Mahirap man ay naitataguyod ng kaniyang mga magulang at mga kapatid ang kaniyang pag-aaral.
Pagdating naman sa buhay pag-ibig, masasabing bigo siya. Noong tumuntong siya sa ikaapat na taon sa kolehiyo ay sobrang nalimitahan ang oras niya sa kasintahan niyang si Teresa.
Noong una ay ayos pa sina Ace at Teresa kahit na magkaroon sila ng unibersidad na pinasukan at kurso. Sinusulit nila kapag nagkakaroon sila ng pagkakataong magkita. Ayos na sana si Ace sa ganoong estado subalit kalaunan ay si Theresa ang napagod at nagsawa. Ginawa niya ang makakaya niya para isalba ang relasyon nila ngunit sa kasamaang palad, pinili pa rin nitong sumama sa iba.
Kaya ngayon, nakapokus na lamang si Ace sa pag-aaral. Isa sa mga pinagkakaabalahan niya ngayon ay ang pag-aaral ng medisinal na halaman.
Inagahan ni Ace ang paggagala dala ang maliit niyang kwaderno, panulat, at maliit na pala. Hindi pa man sumisikat ang araw ay naglibot na siya sa mapupunong at masusukal na parte ng bayang tinitirhan niya. Naniniwala siyang kahit saan ay may mahahanap siya kung gugustuhin.
Sa paglalakad ay dinala siya ng kaniyang mga paa sa masukal na damuhan sa gilid ng kalsada. Hinawi niya ang matataas na damong humaharang sa daan. Makalipas lamang ng ilang minuto, noong nasa gitnang parte na siya ng damuhan, tumambad sa kaniya ang kulay gintong dilaw o golden-yellow. Ito ay ang akapulko, na kilala rin sa ibang katawagan.
"Senna... Alata?" usal ni Ace at natigilan. Halos sampung taon na ang nakalipas buhat noong makakita siya ng ganoong klaseng bulaklak ngunit tandang-tanda niya pa kung ano iyon.
Valentines 2020. Ito ang petsa kung kailan dapat magbibigay si Ace ng bulaklak kay Stella. Sa pagkakaalala niya ay iyon ang nakapukaw ng kaniyang atensyon kaya pinitas niya ito. Ayaw niyang magbigay ng rosas, ang karaniwang ibinibigay sa mga kababaihan, dahil nais niyang iparating na walang katulad si Stella.
Noong hindi nito tinanggap ang bulaklak, nanlulumo siyang umuwi. Pagdating ay agad niyang inalam kung anong bulaklak iyon. Napag- alaman niyang Senna Alata ang tawag doon, isang medisinal na halaman.
"Sorry, kukunin ko na kayo. Kailangan ko lang kayong pag-aralan," ani Ace habang kausap ang bulaklak na parang bata. Hinukay niya ang puno nito gamit ang maliit na pala. Sa halip na mahukay ang lupa ay may natamaang isang matigas na bagay ang pala. Sinubukan niya ulit ngunit may tinatamaan talaga itong bagay.
Kumunot ang noo ni Ace. Lumuhod siya sa lupa at kamay na ang ginamit sa paghuhukay. Natigilan siya pagkakita sa ibabaw ng maliit na bagay na gawa sa kahoy. Pamilyar ang itsura nito, lalo na ang nakaukit na orasan.
Ipinagpatuloy niya ang paghuhukay gamit ang kamay hanggang sa makuha na ang gamit. Isa pala itong maliit na baul na gawa sa kahoy.
"This..." Nanlaki ang mga mata ni Ace nang makitang pamilyar ang itsura ng baul, pati ang hugis at laki nito. Ngayon ay isang bagay na lang ang nais niyang kumpirmahin.
Pinagpag niya ito nang kaunti bago buksan. Tumambad sa kaniya ang mga pilas ng papel na puno ng mga sulat. Ito ang mga sulat-kamay niyang liham at tula ng paghanga para kay Stella.
"Hindi niya 'to binasa?"
Kinuha ni Ace ang mga papel at kinilatis. Kung paano niya tinupi ang mga iyon noon ay ganoon pa rin ang itsura ng mga iyon ngayon. Halatang hindi binuklat ng kahit na sino.
Namilipit ang dibdib niya.
Sa ilalim ay nakita niya ang isang maliit na bilog na bagay na kulay ginto. Ang gintong orasan. Sa pagkakaalala niya ay ibinigay niya rin ito noon kay Stella kahit na may sentimental value ito sa angkan nila. Siguradong-sigurado na kasi siya sa dalaga ngunit sa kasamaang palad ay ito pala ang di sigurado sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Golden hour: By your side
Historical FictionThey always say that first love comes only once in a lifetime. But for Stella, it's not just once but thrice-in different eras. ••• Stella Asuncion is a provincial girl who grew up with her grandparents. In every love story they tell, it teaches her...