“Anong ginagawa mo?” bungad sa akin ni Marjury pagdating niya. Maaga akong pumasok kaya nauna akong dumating kay sa kaniya.
Huminga ako ng malalim sabay sandal sa aking inuupuan. “Morning..” nakangiting bati ko pa.
“Aba, ang tamis naman ng ngiti natin, ah. Kahapon lang ay parang absent presence ka. Ano nakain mo?” may panunukso pang usisa niya.
“Hmm, puso.” nakangising tugon ko.
Agad namang napalobo ang bibig niya at nanglaki pa ang mata. Yung tipong OA talaga makareact. P-Puso?“
“Puso ng saging. Gumawa kasi si Manang ng bola-bola na gawa sa puso ng saging. Kaya ang breakfast ko ngayon ay puso ng saging.”
Ang gulat na gulat niyang reaksyon ay biglang napalitan ng naiinis na hitsura kaya hindi ko napigilang humalakhak sa tuwa dahil naisahan ko siya. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Sapagkat matalino ako ngayon dahil sa bola-bolang puso ng saging ay nagamit kong pansagot sa pang-aasar niya. Psh. Akala niya siguro ay matutukso na naman niya ako sa ganito kaaga. No. Never. Ugh!
She raised one eyebrow. “Eh, teka, bakit napakaaga mo na ngayon?” pag-iiba niya saka napatingin sa wristwatch niya. “6:30 A.M. pa, ah!”
Napa-o ako at ginalaw-galaw kunwari ang bibig. “Well, I am beautiful and inspired kaya pabayaan mo na'ko.” nakangising saad ko.
“Bakit, kayo na ba ni Earl? Yieeh!” prangkang tanong niya.
Agad namang umawang ang bibig ko sa gulat. “W-What? Hindi, ah! A-Ano bang pinagsasabi mo d'yan. Psh!”
“Bakit naman nautal ka?”
“Anong nautal. H-Hindi ah!”
“Sus. Nagdeny ka pa.”
“Hindi nga, sabi eh—”
Agad kaming natahimik nang may kumatok sa pinto. Sabay kaming napalingon upang tingnan kung sino ang nasa labas.
“Yieeh! Aga mo, ah!” pansin ni Marjury kay Earl.
Napalunok ako sa gulat nang magtama ang paningin namin.
“Hi. Good morning, Jessh.” bati n'ya. Sumilay pa ang matamis niyang ngiti sa akin.
“Hi, too.” nahihiyang tugon ko naman.
Hindi ko din napigilan ang ngiti at napaiwas nalang kunwari ng tingin pero napasulyap naman sa huli sa kanya.
“Are you busy?” tanong sa akin ni Earl.
Napatingin ako sa kanya. Gosh, bakit na naman kaya? Shocks! I swallowed before speaked. “Why?”
He took a breath before answering. “I would like to invite you to have breakfast.”
“Ehem!” biglang tikhim naman ni Marjury kaya napatingin ako sa kanya. Taas-kilay naman niya kaming pinagmasdan habang palipat-lipat ang kanyang mga mata sa amin.
“Bakit?” takang tanong ko dito.
Peking ngiti ang sumilay sa kanyang pisngi. “I feel something fishy. Hehehe.” bulong niya saka binigyan ako ng nang-eecheos na tingin.
Sinamaan ko naman siya ng tingin saka pasiring na lumingon kay Earl. “Ah, ahm.. actually, tapos na— ”
“Naku, Earl tamang tama. Hindi pa kumain Jesshanna ng breakfast dahil maaga 'yang dumating dito.” putol ni Marjury sa sinabi ko. “May hinahabol kasi 'yang oras since kasali s'ya sa contest!” daldal pa niya.
“Then, good. Let's go, Jesshanna.”
“H-Huh?”
Nakanganga akong napatitig sa kanya. Makikita mo talaga ang tuwa sa hitsura niya animo'y sinagot sa panliligaw. Nilingon ko ang gaga kong kaibigan at nakangisi na ito at tela aliw na aliw sa reaksyon ko. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit talagang mas lalong lumalapit lang ang ngiti niya.
Gayunpaman, nakaramdam na naman ako ng tuwa at kiliti sa loob-loob ko. Yayain ka ba naman ng crush mo na magbreakfast together sa canteen? Kung saan maraming estudyanting makakita sa inyo. Ayuko sanang sumama pero na-excited ako sa posible pang mangyari na kasama siya. Baka, manligaw siya sa'kin, diba? Kyahh! Joke.
“What do you want?” he asked me while looking at the menu.
Wala akong mapili dahil busog na ako. Ngunit kailangan kong samahan siya ngayon na kumain since nandito na kami sa canteen. Sigurado akong hindi pa siya nakakain ng breakfast dahil napuyat siya kagabi. Napangiti tuloy ako dahil sa moment namin kagabi. Magdamag kasi kaming nagchating. Kinulit pa nga niya akong magvideo call kami at hindi naman ako nakatanggi dahil gusto ko rin namn siyang makita.
Sana, ito na ang simula ng love story ko. Love Story namin na nagsimula lang sa unang tinginan hanggang sa umabot sa pagkakagustuhan. Pero ang tanong, gusto niya kaya ako? Shocks!
“Eto nalang sa'kin.” sabi ko sabay turo sa chicken burger.
“Okay.”
Agad na siyang nag-order ng pagkain. Umupo naman ako at nag-cellphone. Napalinga-linga pa ako sa paligid dahil kahit maaga pa ay may mga estudyante nang nakatambay sa loob ng canteen. Karamihan ay kumakain rin. Nakaramdam din ako ng pagkailang dahil baka may makapansin sa amin no Earl na magkasama dito.
“Hi, Jesshanna.” Bigla akong napalingon sa aking gilid at nakangiting mukha naman ni Brian ang sumalubong sa akin.
“H-Hello.” nag-alanganin pang tugon ko.
“Who's with you?” he asked while looking around before looking at me.
“Ah, ahm.. si—”
“Bro?”
Agad akong natigilan nang paglingon ko naman sa kabilang gilid ko ay nakatayo na si Earl habang nakataas ang isang kilay na nakipagtitigan kay Brian.
Palipat-lipat ang mga mata ko sa kanila nang ilang segundo nalang ang lumipas ay hindi pa rin nagbago ang mga reaksyon nila. Tela naghahamonan ng sapakan ang mga ekspresyon ng dalawa.
Anong trip nila? Magsasapakan ba sila sa pagitan ko? Anong akala nila sa'kin, Referee?”, isip-isip ko pa.
“Ehem!” pambabasag ko pa sa katahimikan. Para kasi akong nabibingi sa katahimikan ng dalawa.
“Bro, kayo na pala?” biglang tanong ni Brian na nakangisi na sumulyap pa sa akin.
Nangunot naman ang noo ko saka nilingon si Earl.
“Not yet.” he answered.
Agad akong natigilan sa tugon na iyon ni Earl. Biglang dumagundong ang loob-loob ko na tela may nagtatambulan. Napatitig ako sa kanya habang inulit sa aking isipan ang narinig.
Totoo ba 'yun..?
“But soon, we will be.”
Para akong nabibingi sa sinasabi niya...
~𝑇𝑜 𝐵𝑒 𝐶𝑜𝑛𝑡𝑖𝑛𝑢𝑒𝑑...
YOU ARE READING
Love At First Crush
Teen Fiction𝑇ℎ𝑖𝑠 𝑠𝑡𝑜𝑟𝑦 𝑖𝑠 𝑎 𝑡𝑒𝑒𝑛𝑓𝑖𝑐, 𝑒𝑛𝑡𝑟𝑦 𝑓𝑜𝑟 𝐽𝑢𝑛𝑒 𝑊𝑟𝑖𝑡𝑖𝑛𝑔 𝐶ℎ𝑎𝑙𝑙𝑒𝑛𝑔𝑒 𝑜𝑓 8𝐿𝑒𝑡𝑡𝑒𝑟𝑠... {Blurb...} - Naramdaman mo na bang magkagusto sa isang lalaki? Ano naman ang pakiramdam? Kilig na kilig overload ba? Puno...