Chapter Seventeen: I'm Your Rival, Notice Me!

54 6 2
                                    

"Are you sick in the head?"

I scowled. "Iniinsulto mo ba ako?"

Napasinghal ako, iritadong-iritado na talaga. Maayos akong nagtatanong tapos sasagutin niya lang nang gano'n!

"I'm asking you seriously!"

She glared at me. "Seryoso din ang sagot ko. Bakit mo tinatanong kung bakit hindi kita pinapansin? Nakalimutan mo na bang sabi mo na hindi tayo kailanman magiging magkaibigan?"

Hindi ako makasagot.

She sighed. "Wala tayong problema, De Leon. Umaakto lang ako na hindi tayo magkaibigan kasi 'yon ang gusto mo."

"Not being friends with me doesn't equate to treating me like air! Magkaklase din naman tayo, e bakit hindi mo man lang ako pinapansin?" singhal ko.

"Hindi ako nakikialam sa ginagawa ng mga kaklase ko. Pinapansin ko lang ang mga kaibiganㅡ"

"So you're friends with Stanley then because you're not just noticing him, you're having long conversations!" I accused.

Umawang ang labi niya, kunot na ang noo.

"Or what, he's your boyfriend? That's why you're having corny little dates here?"

Marami pa akong gustong isumbat. I wanted to take advantage of this lifetime of courage that suddenly possessed me, but I was silenced by Herrera placing a finger on my lips.

"De Leon," rinig na rinig ko ang pagtitimpi sa boses niya. "Ano ba ang sinasabi mo?"

I couldn't speak. The feeling of her skin touching mine was... intoxicating.

"Hindi pwede maging magkaibigan pero sinusugod mo 'ko ngayong tinatrato kitang kaklase. Ano ba ang gusto mo? Sabihin mo at susundin ko."

I could only burn her with my stare. Hindi ko alam ang isasagot dahil hindi ko rin naiintindihan ang sarili ngayon.

I was just telling myself this morning that I wouldn't give a damn about her, and now here I am, standing in front of her to demand her attention. Ni hindi ako umuwi dahil binalikan ko pa siya!

Putangina. Tama nga siguro si Herrera at may sira ako sa utak.

Binawi niya ang kamay kaya nakahinga ako ng maluwag. I pursed my lips, "After I told you that we can't be friends, you still tried to bid me goodbye. Then you disregard my existence," sumbat ko pang muli.

"Dahil nando'n si Ate."

"Tch," iniwas ko ang tingin.

Walang nagsalita sa'min hanggang sa marinig ko ulit ang pagbuntong-hininga niya.

"Ano na ang sagot mo?" naging malumanay na ang boses niya. "Gusto mo bang lagi kitang pansinin na parang isang kaibigan pero... mananatili pa rin tayong magka-klase?"

It still sounded wrong but... it wasn't too bad.

"Dapat naman talaga! We're classmates so we should be close to each other."

"Close ka ba sa lahat ng nasa klase natin?"

"S-Siyempre naman!" sagot ko kahit na hindi ko pa nasubukang kausapin 'yong iba.

Umirap si Herrera kaya gusto ko siyang singhalan ulit. Pero natahimik ako nang napatingin siya sa kamay kong hawak-hawak pa rin pala siya!

"Tapos na ba ang usapan natin?"

She tried to free her hand but I held onto it tighter. "S-Sandali! Huling tanong... so, uh, what's Stanley to you, then? Boyfriend mo ba? Alam mo bang mahilig magbasag-ulo ang lalaking 'yon? Halos matanggal na siya last year because of his absences. He's not a good person! There are rumors of him being in a gangㅡ"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Everything In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon