Chapter Five: Conversations on Rainy Streets

26 8 7
                                    

I'm used to getting whatever I want.

Mula pagkabata, lahat ng natatapunan ko ng tingin ay nagiging akin. May it be toys, the latest gadgets, or people. They landed on my feet like little falling stars and all I had to do was pick them up.

But this girlㅡI thought, as the strands of her hair brushed against my fingersㅡwas so damn hard to want and... have.

This stubborn little star wants to remain high up in the sky, no matter what rope I use to pull her down. It's so frustrating that it makes me yearn for wings. Kasi kung ayaw bumaba ng reyna, pwede naman akong umakyat?

Her hair slipped away from my fingers as I leaned back, slapping a hand over my eyes. Nababaliw na nga yata ako.

Kung ayaw bumaba, ako ang aakyat? Aba, Pierce! Kailan ka pa natutong maghabol? At ano naman ngayon kung ayaw ng babaeng 'to? Why do we care? We shouldn't care!

Manatili siya kung saan niya gusto, damn it!

"De Leon?"

Natigilan ako. Dahan-dahan kong inalis ang kamay. Natagpuan ko siyang nakatitig sa'kin habang nakasimangot. Her eyes fell on our distance. Nakapuwesto ang silyang inuupuan ko malapit at paharap sa kaniya. Fortunately, she didn't wake up earlier or I would have to bury myself alive.

"Kinukuhanan kita ng picture... K-Kasi ang pangit mo pala kapag natutulog," natatawang bawi ko sa naunang sinabi. It sounded so wrong. "Bakit ka nga ba natutulog dito? Wala ka bang bahay? Alam mo bang pinapatagal mo lang trabaho ng mga staff dito kasi ganitong oras na hindi ka pa nakakauwi?"

I said that as if I wasn't staying here so late, too.

Mas lalo siyang napasimangot sa'kin. Hindi niya ako pinansin at niligpit na ang mga gamit. I stood up and grabbed my bag, too. Pero hindi ako umalis hanggang sa mauna siyang lumabas.

The hallway was quiet and the two of us didn't talk. Nakasunod lang ako sa kaniya. Wala namang mali do'n kasi iisa lang naman daanan palabas ng school. And it's not like 'Herrera, the Great Majesty' ever cared.

Umambon kaya kinuha ko ang payong mula sa bag. Nang i-angat ko ang tingin ay tuloy-tuloy lang sa paglalakad ang mahal na reyna.

Kumunot ang noo ko. "Herrera, umuulanㅡ"

There was a sound of ripping... and then her things fell on the ground. Natigilan siya kaya huminto din ako. Bumaba ang tingin naming dalawa sa mga libro at notebook na nasa sahig papunta sa backpack niyang nabutas. May nilagay ata siyang bagong textbook kaya mas lalong nabigatan at bumigay.

Pinanood ko ang gagawin niya. But she didn't even sigh or look concerned. Pinulot lang niya ang mga libro at ibinalik sa backpack. She then held it close to her chest, supporting the tear with her hands, and decided to walk towards the rain.

I was stunned for a few seconds. Ang ambon kanina ay naging malakas na ulan na. Nasa gitna na siya ng school front at malapit sa gate kaya nagmamadali kong binuksan ang payong at tumakbo papunta sa kaniya.

Hinarangan ko si Herrera. At first, she looked annoyed but her eyes slightly widened when she realized it was me.

"Are you stupid?!" I shouted, holding the umbrella towards her so she wouldn't be wet. Naramdaman ko ang bawat pagpatak ng ulan sa likod. "Umuulan at hawak-hawak mo 'yang sira mong bag! Siyempre, hindi ka na makakatakbo kasi importante na hindi mahulog ang mga libro mo! Mas matatagalan ka pauwi sa bahay niyo! Magkakasakit ka sa lagay na 'yan!"

Mas lalo akong nainis nang mapansing hindi siya nakikinig. Her eyes was fixed on my shoulders that was getting wet.

"Herrera!" I barked, stepping closer.

Everything In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon