21

3.1K 68 4
                                    

Mira:

Akala ko ba hindi mo ako iiwan?

Hi, Atasha. 3rd year college na... Hindi mo pa rin ako pinapansin.

I aced everything. Nag stay sa kwatro lahat ng grades ko. Napasa ki lahat ng projects. Perfect lahat ng tests. Pero iniiwasan mo pa rin ako.

4.0 naman ang final grade ko last year.

Ang bilis ng oras. Pagkatapos nito ay aalis ka na. Sabi ni Steffi, wala ka na raw pahinga. Ako rin eh. Ikaw kasi ang pahinga ko:)

3rd sem sa 2nd year. Lagi kang nag iiba ng daan. Ikaw lagi ang kasama ng mga kaibigan natin kaya kahit papaano ok ako. Nilayuan ko na rin muna sila Jho at Gwy, lahat naman sila. Pero siyempre, ang kapatid-kapatiran ko ayaw pumayag.

Tuwing linggo, nagsisimba pa rin ako:) kakain pa rin ako sa gilid.

Andaming nangyari...andaming beses na gusto kong sumuko, alam mo ba 'yon? Pero pinili kong hindi. Ayaw mong sumusuko ako diba. Nag retired na rin ako sa trabaho.

Paborito mo pa rin ba ang affogato?

Balik ka na...please:(

Gusto man kita lapitan at sabihin na, tuloy pa rin ang pangarap kong maging Summa. Pero bakod ka eh. Daming estudyante ang nagwawala sa'yo.

Hihintayin kita, Adi.

Binaba ko ang ballpen na hawak ko at isinara ang kwaderno.

"Iniisip mo pa rin ba na distraction ka lang sa'kin?" I asked myself.

"Pinakilala na ako ni Lolo sa mga nagtratrabaho sa firm. Malapit ko na maabot pangarap natin. Pero hindi mo pa rin ako pinapansin. Naka blocked pa rin ako sa lahat."

"Ma'am, Mira. Kakain na raw po."

Binuksan ko ang pinto at lumabas na ako.

I was shocked to see Celestia.

"Omg?! Mira!!" Yayakapin niya sana ako pero umiwas ako at dumeretso sa upuan.

"Magkakilala kayo?" My lolo asked.

"Ah, opo! Mag classmate po kami dati." Nakangiting sabi nito. Kadiri naman.

"We're business partner naman po, baka you know pwede." Tanong pa ng ama nito. Pwede ka bang sungalngalin?

"Hahaha! Nako, may iba akong gusto sa apo ko." Nakangiting sabi ni lolo. Bahagya akong napangiti.

"The Atasha girl?" Celestia asked "She's dating the Basketball captain ah."

No, hindi sinabi ni Steffi 'yon. Kaya hindi.

Si Steffi ang madalas na kumakausap sa'kin. Pero hindi nila alam na may connection pa rin kami ni Steffi, ang alam nila. Lahat sila ay iniiwasan ko.

My phone buzzed kaya bahagya kong tinignan.

Stef

Ate Miraaa! Perfect sa quiz si Ate Atasha!

Ate Mira! Favorite pa rin niya ang affogato:)

Ate Mira! Nireject ni Ate Atasha si kuyang basketball player😝

I smiled.

How lucky to have a friend like Steffi na parang kapatid na rin.

Palagi (BOOK 1)Where stories live. Discover now