Chapter #21

11.5K 176 12
                                    

Senna's P.O.V

"Mommy," Rinig kong tawag sa akin ni Sayner mula sa backseat.

"Hmmm," response ko.

"Aren't you going to ask what me, Kuya, and our father talked about?" he asked.

"No," simpleng tugon ko.

"Why?" curious naman na tanong niya.

Mahinang napatawa ako sa curiousity ni Sayner.

Simula kasi ng mag-usap silang tatlo ay hindi ako nagtatanong sa kung ano ang pinag-usapan nilang mag-aama. I am happy for them kasi okay na silang tatlo. Ang makita silang tatlo na magkakaayos ay sapat na sa akin.

"That's you and your father's privacy. Ano man ang naging usapan ni'yo ay labas ako roon. It's a father and sons talked." I explained.

Kasalukuyan din akong nagmamaneho patungo sa school nila. Ngayong araw ko sila e-enroll at sinama ko na rin sila.

"But I would love to tell you what secret he shared with us." giit ni Sayner.

"Secret?" I asked.

"Yes po," he quickly replied.

"He told us that, when Kuya and I were born, he was also there." Sayner added.

"Really?" I asked calmly.

Mayr'on akong biglang naalala pero hindi ko na muna iyon binigyan ng pansin. It doesn't matter kung naroon nga siya o wala.

Nakapasok na kami sa gate ng Noble Sky Elementary School, at kaagad akong nag-park sa parking lot.

"We're here," I informed them.

Kinuha ko ang susi ng kotse and I grab my bag from the passenger seat and got out. Binuksan ko ang pinto for them.

Unang lumabas ay si Zayan, sumunod si Sayner.

"Our school is really big, Kuya." namamanghang komento ni Sayner habang nakatingin sa paligid nila.

May mga nakikita rin kaming mga ilang parents with their child.

"Let's go," aya ko sa kanila.

Naunang lumakad ay si Sayner na sinundan ng kaniyang Kuya. Bakas sa mukha ni Sayner ang pagka-excited. Naiiling na napasunod na lang ako sa kambal ko.

Tumungo kami sa building kung saan kami mag-e-enroll. Sa grade two level kami tumungo. Tumigil at kumatok ako sa isang pinto.

"Come in," Rinig kong wika mula sa loob.

Marahan kong binuksan ang pinto at pinauna ko ang kambal sa pagpasok saka ako sumunod.

"Hi," bati sa akin ng teacher na e-enrollan namin.

"I am Senna Dominguez. I am here to enroll my children." I said.

"Ow, you are Ms. Dominguez. Sure, have a sit." saad niya.

Nakapag-set naman ako ng appointment bago pumunta rito. Ibinigay ko ang mga requirements na kailangan.

"Sila ba ang papasok?" she asked politely saka tumingin sa kambal ko na behave namang nakaupo sa couch.

Ngumiti ako at tumango.

"Napakaguwapo naman ng mga anak mo, Ms. Dominguez." puri niya sa mga anak ko.

Isang ngiti lang ang isinagot ko.

Mayr'on siya sa aking inabot na form na agad ko namang nilagyan ng information na kailangan nila.

Taming The Mother of My Twins (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon