Fall
"A client" tipid nitong sagot.
Mas lalo naman akong napasimangot sa sagot nito.
"A client my ass" bulong ko habang nakahalukipkip dito sa sofa kaharap ng table niya.
Ramdam ko naman ang mga nanunuring tingin nito pero hindi ko ito pinansin, naglibot nalang ng tingin sa kabuoan ng kaniyang office. Minimalist lang ang style nito, malamig sa mata lalo na ang cream na pintura nito.
"Let's eat first before we'll go on the site"
"Okay"
Rinig ko ang kaniyang buntong hininga bago ko marinig na may kausap na ito sa telepono.
"Klare mag dala ka ng lunch namin dito..."
Busy ako sa pag tingin ng mga magazine sa kaniyang lamesa dito sa sofa. Ramdam ko parin ang tingin nito saakin at heto na naman ang puso kong hindi mapakali sa bilis ng pagtibok.
".. Yeah, sge sa office ko nalang" after that ay binaba na nito ang telepono.
Hindi ko namalayang nakarating na pala ito sa tabi ko. Ramdam ko ang katawan nito dahil anlapit niya lang saakin. Pero hindi ko parin ito pinapansin dahil naiirita parin ako sa nadatnan kanina.
Gulat naman akong napatingin sakaniya dahil sa paghablot nito sa magazine na hawak ko.
"What the–"
"Now, what's your problem?" seryoso nitong tanong saakin. Madilim ang kaniyang mukha at alam kong hindi na maganda ang awra nito.
"Wala, amina nga iyan!"
"You're not looking at me, hindi ka namamansin tapos wala?"
Konti nalang ay sasabog na ito dahil sa itsura niyang namumula na halatang nag pipigil. Gusto kong matawa dahil ang cute niya, iyong kaninang inis na nararamdaman ko ay biglang naglaho nalang bigla.
"Bakit ba? Masama bang hindi ka pansinin, wala naman akong dapat sabihin saiyo hindi ba?" masungit kong tanong bago sumandal sa headrest ng sofa saka humalukipkip.
Her jaw clenched. Napalunok ako dahil shit bakit ba ang hot niya doon? Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko na kayang sabayan pa ang kaniyang mga tingin na binibigay saakin. Nakakatiklop.
"Look at me" mariing sabi nito saakin bago hawakan ang baba ko upang iharap ang aking mukha sakaniya pero dahil matigas ako ay hindi ko ito sinunod.
"I said look at me, Renee" pagalit na sabi nito.
"What is your problem?" .
"No, what is your problem? Ayos naman tayo last time bakit ka nagkakaganito?" kita ko sa mga mata nito ang galit.
"Ask your client!" asik ko dito bago padabog na umalis sa tabi niya.
Umupo ako sa kabilang sofa at humalukipkip doon dahil naiinis narin ako sakaniya. Kita ko namang galit itong nakatingin saakin kaya sinamaan ko rin ito ng tingin. Kainis bakit ko ba nararamdaman ito. Ano iyon hinalikan niya ako days ago tapos ngayon makikita ko nakikipaglandian siya sa client niya?
Nakikipag landian nga ba? Ah basta nakita ko hindi niya man lang iniwas mukha niya doon sa babaeng iyon kainis ha? Sa lalim ng iniisip ay hindi ko man lang naramdamang nasa tabi ko na pala ito at nahila na niya ako palapit sakaniya kaya ngayon ay magkatapat na kaming dalawa.
"Ano ba!" sigaw ko rito pero hindi ito natinag bagkos ay mas lalo pa ako nitong kinulong sa yakap niya.
Narealize ko ang pwesto namin ngayon, siya ay naka sandal sa armrest ng sofa habang ako ay nakapatong sa sakaniyang mga hita. Damn damang dama ko ang init ng kaniyang katawan at hindi ito nakakatulong upang kumalma ang aking dugo at buong sistema mas lalo lang akong nafrufrustrate.
YOU ARE READING
Island of Memories
RomanceCOSTA DEL SOL SERIES 1. Days, Weeks, Months and Years had passed. Silent nights are fading while sunshine are starting to shown. The calm ocean seems to have looming rain, heavy rain's falling. The birds seemed unsure of where to take shelter. Heavy...