Chapter 30: The Accomplice

47 4 0
                                    

THE KILLER

THAT'S it. Raven lost and I won. Fiction-minded people like her always believe that bad people are bound to lose at the end of every story. But this time, the bad guy wins. They say villains aren't born but made. I believe that. They all made me a villain they wouldn't be able to take down.

"Can you take more than that, Raven?" Detective Danica chuckled. "Because there's still more. Marami pa kaming surpresa para sa 'yo."

Raven didn't even dare to talk. She was out of system. She's literally breaking down into pieces right now. So, I think it's time to fuel her more. I want to see her suffer.

"There's something we were looking forward to telling you, you know?" Danica knelt in front of Raven.

"What?" Nanlilisik ang mga mata ni Raven. Kung nakamamatay lang ang tingin, baka kanina pa niya kami napatay.

"Do you still remember Wilsean and Vangie?" She waited for Raven's response but she got nothing but a rageful stare. "The killer did not kill them."

***

VANGIE | 3 minutes before her death

"SA tingin mo, nasaan na kaya sila?" Tiningnan ko si Sejean at naghintay ng sagot habang palakad-lakad sa classroom.

"Huwag kang mag-alala, babalik din sila, basta maghintay ka lang."

Nakaramdam ako ng kakaibang kilabot nang marinig ko ang sagot niya, hindi ko alam kung bakit. "Oo naman." Napalunok ako. "Mabuti na lang at nandito ka na makakasama ko dahil natatakot akong sumama sa kanila sa labas."

"Akong bahala sa 'yo, Vangie. Tama lang na hindi ka sumama sa kanila dahil nasa tamang kamay ka na," mahinahong sabi niya kaya nagdulot ito ng takot sa akin.

Parang may malamig na hangin ang dumampi sa balat ko. "Sejean, huwag mo naman akong takutin. Bakit ganiyan ang sinasabi mo?"

Naestatwa na lang ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang hininga niya sa tainga ko. "Huwag kang maingay. . ."

"Sejean. . ."

"Shush. . ." Naramdaman kong nasa leeg ko na ang isang kamay niya.

"Please, huwag mong gawin 'to, Sejean." Nanlambot na ang magkabilang tuhod ko, parang babagsak na ako sa sahig.

"Medyo masakit lang 'to, pero alam kong kaya mong tiisin."

Dahan-dahan, napatingin ako sa isa niyang kamay, may hawak na kutsilyo. "Sejean, please." Nanginginig ako sa takot, kasabay ng pagtulo ng luha ko. "Please, Sejean, hindi ko sasabihin sa kanila, basta huwag mo lang akong papatayin. Maawa ka sa 'kin. . ."

"Kaya nga tayo naiwan dito, para mapatay kita."

Napasinghap na lang ako nang biglang may bumaon sa leeg ko. Hindi ako makahinga. Unti-unti, bumagsak ang katawan ko habang hawak pa rin niya ako. Hindi na ako makahinga. Sobrang sakit. Napatingin ako sa kaniya habang naghahabol ako nang hininga, saka niya pinihit ang kutsilyong nakatarak sa leeg ko. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Gusto kong makawala pero wala akong lakas.

"Tell Wilsean. . ." Kahit hirap na hirap ay pinilit kong magsalita. "I love him—"

***

SEJEAN

"THE floor is yours." Ngumiti si Detective Danica at tumango, nakatingin sa akin.

"Finally." Ngumiti rin ako pabalik at tumayo na. "I'm tired of pretending to be the good guy."

Murder of the YearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon