Pahina 25

51.2K 1.2K 25
                                    

Dwayne's POV

"Welcome home!" yan ang bumungad samin sa pagbukas ko ng ilaw ng bahay namin.

Yes, may sarili kaming bahay ni Klaire, which is dinesign ng kaibigan ni Klaire na si Aisha at Jiezle.

Pagdating namin mula sa airport ay dito na kami dumiretso and it's already 9pm kaya nagulat kami ng salubungin pa nila kami dito ng ganitong oras.

Agad agad kaming yumakap sa mga magulang at kapamilya namin.

"So how's the honeymoon my dear daughter-in-law" sabi ni Mommy kay Klaire.

"Okay naman po. Masaya naman po! Ang dami po naming napuntahan ni Dwayne" Klaire

"Nag enjoy ba kayo Dwayne?" Papa asked.

"Oo naman po papa! The landmarks there are breath taking" sagot ko rito.

"Eh yung ano, nagawa nyo ba ng maayos?" tanong ni Daddy.

Kita kong naghagikgikan ng bahagya ang mga kapamilya namin.

Nakakunot ang noo naming dalawa ni Klaire. Obviously hindi namin sya nagegets.

"Epektibo ba ang tea na ininom nyo? Nakailang rounds ba?" mama told us that na para bang normal lang iyon.

Okay! Okay! Mukhang nagegets ko na sila.

Geez, planado nila yung tea na ininom namin. Our parents are very clever! Tiningnan ko si Klaire, mukhang hindi pa rin nya nakukuha ang sinasabi ng mga magulang namin.

"Hija, sinisigurado ko na nasa sinapupunan mo na ang magiging apo namin. Sa galing ba naman nitong anak ko" sabi ni Daddy sabay tapik sa balikat ko.

Pinamulahan naman ng mukha si Klaire.

Finally, my cute little wife got it.

Hiyang hiya sya katulad ko ang daming tao tapos dito namin ito pinag uusapan.

"W-wala pong nangyari samin. Ano po bang iniisip nyo?!" sigaw ni Klaire bago umalis papuntang kusina.

"Klaire" balak ko sana syang habulin pero anong sasabihin ko?

"Back to the topic. Anak, nakailang rounds nga kayo?" Mommy bugged me again.

"Sure ball na ba ang apo namin?" Papa is so excited, sa tingin pa lang.

Natatawa ako sa kanila habang umiiling iling ako. Makukulit talaga sila.

"You got it all wrong po, wala pa pong nangyayari samin ni Klaire. Hindi pa po kami ready, give us more time po" yun na lang ang sinabi ko

Nakita ko namang medyo na disappoint ang looks nila. Pero maya maya ay ngumiti na din sila.

"Basta gagawin mong kambal yung magiging apo namin" Mama told me.

Napakamot ako sa ulo ko. They badly want to have a grandchild.
Kung alam lang nila ang tunay na status naman ni Klaire.

Malayo at malabo ang makabuo kami ng isang masayang pamilya.

Annulment nga agad ang kababagsakan namin.

But I can't tell them that.


Mga past midnight na ng magsi alis silang lahat.

Kinulit kulit pa kami ng mga magulang namin at parang sasabog na ang mukha ni Klaire sa sobrang pula dahil sa inis at hiya.

Hinatid namin ang bawat isa sa labas at sa kanya-kanya nilang kotse.

Nang makauwi na ang lahat ay pumasok na kami ni Klaire sa loob ng bahay.

"Nagugutom ka ba? Pwede kong iinit tong mga dinala nilang pagkain" tanong sakin ni Klaire.

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon