Chapter 24: Weapons on the Floor

42 3 0
                                    

RAVEN | October 30, 2023, 9:31 PM

"LET'S wait for another thirty minutes, Raven." Detective Danica took a deep breath, trying to convince me calmly. "Drop the gun, please. You don't want them to hear us, do you?"

"We've been waiting for an hour, detective. Kung wala tayong gagawin, wala tayong mapapala. Kanina pa sila bumaba sa basement. Something's going on down there," I nearly shouted at her but I was able to stifle it. She's so frustrating. Lahat na lang ng gagawin ko, pinigilan niya. Parang nawala na ang tapang sa katawan niya. "Kung sa tingin mo ikaw pa rin ang dapat masunod, ngayon pa lang ay lilinawin ko nang hindi na 'yon mangyayari. Tapos na akong makinig at maging sunod-sunuran lang. Dahil noong nakinig kami at sumunod lang, walang nangyaring mabuti sa amin. Kaya ngayon, gagawin ko na kung ano ang dapat."

"Revenge will never solve your problems."

I smirked at her words while shaking my head. "Believe me, it will—because ending Mayor Gary is also the end of all this."

"Raven—" Hindi na niya ako napigilan dahil tumakbo na ako palabas ng classroom.

Tumakbo lang ako nang tumakbo sa kabilang direksyon. Hindi ako dumeretso sa basement. Umakyat ako sa palapag kung nasaan ang karamihan sa mga kasamahan naming estudyante. Sobrang dilim dito at parang walang mga tao. Dahan-dahan akong humahakbang habang maingat na tinitingnan ang paligid. Napatingin ako sa quadrangle at nagtaka na lang dahil wala na ang katawan ni Wilsean. Pero kahit mahirap, sinubukan ko na lang kalimutan ang nangyari kanina dahil kung hindi, hindi ko magagawa nang maayos ang planong nasa isip ko. I have to get through this.

Kahit alam kong kahit saan ay hindi ako magiging ligtas, may tiwala pa rin ako sa schoolmates. Kami-kami lang din ang magtutulungan dahil pare-pareho kaming biktima rito.

"It's Raven, guys." Luminga-linga ako sa bawat kuwartong nadaraanan ko. "May naisip akong plano para makatakas tayo. Hindi na tayo magpapakontrol sa kanila. Hindi nila tayo pagmamay-ari. Ipakikita natin sa kanila na hindi tayo mahina. Kung lalaban tayo, mawawala ang kapangyarihang tinatamasa nila."

Wala na akong nagawa nang biglang may dumakip sa akin papasok sa isang kuwarto. Ang bilis ng pangyayari kaya hindi ako nakalaban. Madilim ang buong classroom pero alam kong marami kami rito sa loob dahil dinig ko ang bawat kaluskos at paghinga nila.

"Mapagkakatiwalaan ka ba namin?" Hindi ko kilala ang boses na iyon.

Lumiwanag ang paligid dahil sa flashlight ng isang cell phone. Nakita ko silang lahat. Halos twenty students kami rito sa classroom. Tumango ako bilang pagsagot sa tanong niya. "Magtiwala kayo sa akin, tatapusin natin ang lahat ng ito." Tumango sila bilang pagsang-ayon sa akin kaya napangiti ako. "Pero bago ang lahat, nakarinig kami ng putok ng baril kanina. Ano'ng nangyari?"

Tumingin sa mga kasama niya ang lalaking kaharap ko. Lahat sila ay nasa gawing likuran niya. "Si Tina, hindi niya kinaya ang lahat ng nangyayari kaya tinapos niya ang buhay niya."

'Yong babaeng nakabigti. . . "Siya 'yong nakita namin." Napatingin ako sa kaniya. "Boses mo ang narinig ko kanina, may binanggit kang pangalan." Pilit kong inalala ang pangalan na iyon. "Eliza. Tama, ikaw ang sumigaw sa pangalan niya."

"Ako nga, boses ko ang tinutukoy mo. Kaklase namin si Eliza at si Tina. Best friends sila. Nang matagpuan naming nagpakamatay si Tina, hindi matanggap ni Eliza na nagawa 'yon ng kaibigan niya. Pinipilit niya kami na iligtas ang kaibigan niya pero wala na kaming magagawa dahil huli na ang lahat, patay na si Tina. Sinubukan kong pigilan si Eliza pero hindi siya nagpapigil hanggang sa. . . tumalon siya."

"Eliza! Ano'ng ginagawa mo?! Hayaan mo na siya, patay na siya!"

"Kaibigan ko siya!"

Biglang nag-play sa utak ko ang narinig ko kanina. Tugma ang sinasabi niya sa nalalaman ko. Pero may isa pa akong gustong malaman. "Kung gano'n, bakit nagpaputok ka ng baril?"

Murder of the YearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon