Emery's P.O.V"Sabihin mo nga sa akin Zayaner. Si Senna ba ang dahilan kung bakit ka bumalik dito?" Rinig kong wika habang pababa ako ng hagdan.
Mukhang nag-aaway na naman sina Zayaner at Dulcie. Naging marahan ang pagbaba ko sa hagdan.
Tumingin ako sa wristwatch ko. Napakunot-noo ako, twelve thirty pa lang pero nakauwi na sila.
Nasa iisang bahay lang kami nakatirang apat. Kahit kasal na kami ni Zannix ay hindi kami nagbukod ng bahay. Gusto pa rin kasi naming na kasama sila. Kaya kahit bumalik na kami rito sa pilipinas ay pinili pa rin na iisang bahay lang kami.
"Sagutin mo ang tanong ko, Zayaner!" malakas na wika ni Dulcie.
"Kaya ba binili mo ang kompanyang iyon dahil alam mong naroon si Senna." saad pa nito.
Alin ba ang tinutukoy ni Dulcie? Ang tinutukoy niya ba ay ang pang-anim na kompanya ni Zayaner? Pero anong kinalaman doon ni Senna? Bakit galit na galit si Dulcie?
Tatlong hakbang na lang ay makararating na ako sa dulo ng hagdan pero tumigil ako at pinakinggan ang away ng dalawa sa living room.
"Ano pa ba ang kailangan mo sa babaeng iyon?" tanong ulit ni Dulcie.
"Bakit ang laki ng pinagbago mo simula ng magkasama tayo? Anong ginawa sa'yo ni Senna? Hanggang ngayon ba ay pinarurusahan mo ako dahil iniwan kita noon? Hindi ba, alam mo na ang dahilan?" patuloy na wika ni Dulcie sa tahimik na Zayaner.
Napabuntong hininga na lang ako. Matagal ng ganiyan ang dalawa. Nagkasama nga sila pero hindi na bumalik sa dati ang relationship nila. Lagi na silang nag-aaway.
"Zayaner! Bumalik ka rito! Hindi pa tayo tapos mag-usap." malakas na sigaw ni Dulcie.
Napaayos ako ng tayo sa gilid ng hagdan nang makita ko ang malamig na aura ni Zayaner. Napalunok ako ng laway ng dinaanan niya lang ako. Sinundan ko siya ng tingin habang paakyat siya.
"Arghhhh!" Mabilis na bumaling ang tingin ko sa living room ng may marinig ako na nabasag.
"Dulcie?" Agad akong bumaba ng hagdan at patakbong pinuntahan siya.
Nagulat ako ng mayr'on na siyang hawak na galing sa binasag niyang flower vase. Lumapit kaagad ako sa kaniya at pinigilan siya sa balak niyang gawin.
"Dulcie, please, calm down." saad ko sabay kuha ng hawak niya at itinapon ito.
"Emery," umiiyak siyang yumakap sa akin.
Agad ko siyang inilayo sa mga bubog. Pinunta ko siya sa couch at marahang pinaupo. Tumakbo ako sa kusina at kumuha ng tubig na maiinom niya.
Bumalik kaagad ako sa kaniya at ibinigay ang baso na may tubig. Nanginginig na kinuha niya naman ito sa akin.
"Ano ba ang naging pagkukulang ko, Emery? Ginawa ko naman ang lahat para makabawi ako, e. Pero parang kulang pa rin sa kaniya. Paulit-ulit akong humingi ng tawad sa kaniya sa pang-iiwan ko." lumuluhang saad niya sa akin.
"Ano ba ang problema?" hindi ko napigilang tanong sa kaniya.
Uminom muna siya ng tubig bago ako sagutin.
"Pumunta ako sa bagong bili niyang kompanya para bisitahin ang lugar na iyon, at siyempre, makita siya." Tumigil siya sandali.
"Pero hindi ko inaasahan na makikita ko si Senna roon. Mukhang nagtratrabaho siya roon." tuloy niya.
Inilapag ni Dulcie ang baso sa mesa at humarap sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Natakot ako, Emery. Natakot ako na agawin sa akin ulit ni Senna si Zayaner. Ayoko na ulit na mangyari iyon kaya kinausap ko siya nang mahinahon." saad niya sa akin habang patuloy pa rin siyang umiiyak.
BINABASA MO ANG
Taming The Mother of My Twins (COMPLETED)
RandomBago pa masabi ni Senna na siya ay nagdadalang-tao sa kaniyang nobyo ay naunahan na siya nito sa pakikipaghiwalay. Tinanggap niya ang katotohanang hindi siya kayang mahalin ng taong mahal niya kaya maayos siyang nakipaghiwalay. Sa paglipas ng walon...