Foundation
Sobrang busy ngayon ng lahat dahil nag simula na ang foundation, habang sumabay pa ang quarterly exam. Konti palang naman ang activities para sa ngayong araw, may exam ako maghapon, tatlo sa umaga tatlo sa hapon dahil anim lang naman ang subjects namin.
Ting*
From Z:
What time you'll
go to school?
7:59 AMTo Z:
Uhm 9 ig?
I have exam thewhole day,
how about you?
8:01 AMExam day kaya need mag uniform, pag katapos kong mag bihis ay agad tumunog muli iyong mobile ko senyales na nag reply siya.
From Z:
Okay see you later then.
8:01 AMHindi na ako nag reply dahil malapit naring mag 9 excited na ulit akong makita siya, dahil last na kita pa naming dalawa ay noong hinatid niya ako rito sa mansion.
"Manong tara na!"
Gumayak na kami. Napabuntong hininga ako habang nakatanaw sa labas, hindi ko parin alam kung paano aamin sakaniya. Magdamag akong nag prapractice kung paano ako aamin, I don't know how because this is the first time I am doing such things like this.
Nasa sitwasyon akong nakaka isip ng negative thoughts. Dahil wala naman akong kasiguraduhang gusto niya rin ako. Malay ko bang pinapakisamahan niya lang ako diba? I don't know what to think anymore.
"Sierra, narito na tayo"
Doon lang ako napapabalik sa realidad, nang narinig ang boses ni mang Roel. Nagpaalam na ako bago bumaba ng sasakyan.
Sumalubong saakin ang malamig na simoy ng hangin, the month of October is slowly coming. Napapikit ako habang dinadama ang hangging dumadampi saaking balat. This season's really my favorite, it gives me comfort and chill.
Nagmulat na ako saka nag simula ng maglakad papunta sa designated room para sa exam. Abala ang mga estudyante ngayon, may mga busy gumawa ng kaniya kaniya nilang booths, may mga busy mag practice ng kanilang sports na sasalihan at iba pa.
"Nakapag review ka ba? Patabi nga ako hindi ako nakapag review" bungad ni Irish saakin, mukha naman itong sabog sa kaniyang hitsura kaya hindi ko maiwasang matawa.
"Why you look like that?" natatawang tanong ko dito.
"Wala" nakasimangot na sagot nito, nagtatakang nag kibit balikat nalang ako.
Pumasok na kami sa room, ilang minuto pa ay nagsimula na ang examination. Katulad ng sabi ni Irish nangopya nga ito saakin mukhang hindi talaga ito nakapag review. Bakit kaya?
Natapos ang buong araw at nakahinga naman ako ng maluwag dahil halos lahat ng tinake naming exam ay na review ko kaya confident akong makakapasa kami ni Irish. Oo kami dahil halos sa lahat ay nangopya siya, nagtataka nga ako bakit hindi iyan nakapag review. As I remember matalino rin naman siya katulad ng kaniyang ate. Saka ko na ito kukulitin halatang sabog pa ang gaga eh.
Nagliligpit na ako ng gamit nang maramdamang may nag vibrate sa bulsa ko, my phone.
From Z:
Done? Let's grab
some food meet me
at the gate. See you!
4:03 PMNapangiti naman ako dahil doon. Naramdaman ko namang hinampas ako ng katabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Uy nakangiti si ate iyan? Kayo na ba?" namula naman akong napabaling sakanya.
YOU ARE READING
Island of Memories
RomanceCOSTA DEL SOL SERIES 1. Days, Weeks, Months and Years had passed. Silent nights are fading while sunshine are starting to shown. The calm ocean seems to have looming rain, heavy rain's falling. The birds seemed unsure of where to take shelter. Heavy...