LAMPONG

18 4 0
                                    

Magandang araw, ako nga pala si Kikay. Labing-pitong taong gulang, ako ay kasalukuyang naninirahan sa Capiz kasama ang aking mga magulang. Narito kami upang magbakasiyon.

Ang probinsiya namin ay kilala bilang isang kinakatakutang lugar. Sapagkat, ang usap-usapan ay dito raw nakatira ang mga aswang. Hindi lamang ang mga iyon, kundi pati na rin ang mga nilalang na hindi nakikita o mas tawag sa salitang lamang-lupa.

Sila ay maaaring mga maligno, kabalang, tiyanak at iba pa. Pamilyar ka ba sa lampong? O mas kilala sa tawag na kapre.

Alam mo ba ang tungkol sa nilalang na ito? Marahil ay hindi ka pa pamilyar dito.

Upang maging pamilyar saiyo ang nilalang na ito ay mayroon akong ibabahaging kuwento sainyo galing sa aking naging karanasan dito sa Capiz.

Marso 18, 2024 nang umuwi kami rito sa Capiz, sa probinsiya ng aking lola. Dito namin naisipang magbakasiyon dahil sariwa ang hangin dito, puno pa rin kase rito ng mga puno at kakahuyan.

Ang bahay ng aking lola ay no'ng sinauna pang panahon. Puro mga tabla lamang ang sahig at dingding. Pawid lamang ang bubong at walang kisame. Kaya kahit mainit ay mapresko pa rin sa loob ng bahay.

Ang bahay ni lola ay may 4 na kwarto. Lahat ito nasa taas. Kaming dalawa ng kapatid ko sa iisang kwarto, si mama at papa rin ay sa kabilang kwarto, si lola naman sa isang kwarto at ang isang kwarto naman ay bakante. 'Yon kase ang guest room ni nanny sa bahay niya, sakaling may bisita man na dumating sa kaniyang bahay ay doon niya papapasukin at papatulugin.

Sobrang laki ng bahay ni lola, kahit may kalumaan na ay matitibay pa rin ang mga tabla na nakakabit dito.

Sa gilid ng bahay ni lola ay mayroon ditong napakalaking puno ng balete. Malalagong ang mga dahon at malalaki ang sanga. Kitang-kita rin sa bintana ng kwarto namin ng kapatid ko ang malaking punong ito.

Nang makarating kami sa bahay ng aking lola ay labis ang natuwa na aking naramdaman sapagkat magkakaroon ako ng peace of mind. Masiyado ritong tahimik at walang mga chismosa. Hindi tulad sa Manila na lumabas ka lang ng bahay niyo ay marami ng mapupuna saiyo ang mga tao.

Agad kong sinalubong ng yakap ang aking lola dahil super miss na miss ko na siya. Pitong taong gulang pa lang ako no'ng huli kong punta rito. I love, my nanny.

Super bait niya kase sa 'kin, spoiled ako pagdating sa kaniya. Siya rin ang tagapagtanggol ko kay mama sa tuwing napapagalitan ako. Mahal ako ng lola ko at mahal ko rin siya.

Kinagabihan ay nagsikainan kaming magpapamilya at puno ng kasiyahan ang buong mesa. Mahilig kase kaming magbiro sa isa't isa. Malalapit din kase kami sa isa't isa, masasabi kong swerte na ako sa pagkakaroon ng pamilya na ganito.

Pagkakatapos namin kumain ay hindi kami agad natutulog. Magtitipon-tipon kaming lahat sa sala upang pakinggan ang mga nakakatakot na kuwento ni lola.

Nami-miss ko nang magkuwento si lola kaya naman pagkatapos naming kumain ay agad naming inayos ang aming pinagkainan at dumeretso na sa sala.

Laging patungkol sa mga lamang-lupa ang ikinikwento ni lola sa amin. Paiba-iba ang ikinikuwento niya, kaya hindi nakakasawa na makinig sa kaniyang kuwento dahil hindi ito paulit-ulit.

No'ng huli kong punta rito ang naaalala kong kinuwento niya ay tungkol sa mga aswang. Ngayong gabi naman ay hindi ko alam kung tungkol saan ang ikukwento niya.

Hindi ako natatakot sa mga kuwento ni lola, sa katunayan nga'y naaaliw ako sa mga kuwento niya.

Wala kase ritong kuryente sa probinsiya, tanging gasera lang din ang nagsisilbing liwanag sa malaking bahay ni lola.

Sa Gitna ng Dilim (COMPLETED)Where stories live. Discover now