Avian' POV“Good afternoon everyone” panimula ko. Ngumiti muna ako sa mga bata bago ulit nagsimulang magsalita.
“Masaya ako sa inyong lahat completers. You did a great great job because finally you are now moving in senior high. Nasaysayan ko ang mga galing niyo kung paano kayo nagtulungan para sa mga group activity makakuha lamang ng magandang grado. Nalaman ko yung mga problema ng ibang estudyante nong ako pa ang nagtuturo sa kanila, sumaybay po talaga ang ginawa ko makita ko lamang ang pagbabago sa kanila. Sa mga magulang po na naririto ngayon, maraming salamat po sa malugod na pag unawa sa kalagayan ng inyong mga anak, I will gladly thank you all on behalf of them.” ngumiti ako ng pumalakpak ang ilang parents.
"To all of the students here, huwag kayong mawalan ng pag asa, anumang pagsubok ang dumaan sa buhay niyo mahirap man o sobrang hirap na halos hindi niyo na kaya, huwag kayong sumuko. Lahat ay may kapalit. Alam ko na yung iba sa inyo ay mahina ang loob pagdating sa mga challenges sa buhay nila. Pero just go with the flow. Enjoy your teenage life but don't forget your priorities. I hope someday every each one of you will make or chase their dream for your family. Remember that God has a plan for us, so don't forget to thank him for all the blessings that he gave to you." ani ko saka tinitigan ang isa't isa. “Masaya ako dahil ako ang naging guro ninyo kahit sa maiksing panahon lamang. Gaya nga ng lagi kong sinasabi sa inyo huwag niyong madaliin ang lahat para hindi kayo mapahamak. Enjoy lamang okay? Dahil habang tumatanda kayo ay pahirap ng pahirap ang buhay na tatahakin niyo, puro challenges. May mawala man sa inyo keep going lang because that's what we want you all to do, to be matured enough for all the things that will happen. Kapag may problema, you have your family and friends but tell it to the only person you trust the most. Dumating din ako sa stage na ganyan na nagtataka ako kung anong saysay ng sinasalita ng isang guest speaker sa unahan, ito po ay para ibahagi sa inyo na mga estudyante ang journey namin sa buhay. Kung paano kami naging successful at alam kung kaya niyo rin yan. I, stand here today infront of you to be one of your inspiration and motivation to keep going. Chase your dreams and congratulations to all of you. Inaasahan ko na marami sa inyo ang matutupad ang pangarap na inyong minimithi. Salamat" ani ko saka ngumiti na naman. Halos maiyak na ako dahil sa sobrang intense ng paligid.
Napuno ng palakpakan ang buong gymnasium. Kaya naman ibinigay ko na sa MC ang mike at saka ako bumaba ng stage.
"Ma'ammmmmm!" tumatakbong sigaw ni Tessa ng abangan ko siya sa gate. Nasa likuran niya ang parents niya na siya namang malaki ang ngiti habang nakatingin sa anak. Yumakap ng mahigpit sa bewang ko ang bata na siyang ikinatawa ko. Nakaheels kasi ako.
"Ma'ammm...namiss kita ng sobra..bakit?...bakit ngayon ka lang?..akala ko hindi mo na kami naalala." aniya na may pagtatampo sa boses.
"May ginawa lang si ma'am, Tessa. Na miss ko rin kayo" ani ko saka inalis sa yakap ang bata para pantayan siya. Inakay muna siya sa isang upuan. Marami na rin naman akong student na nayakap kanina at karamihan ay umiiyak dahil sa akin.
"Tessa. I have a gift for you here" ani ko saka kinuha ang isang box sa paper na dala ni Mang Tino. Umiyak na naman si Tessa habang hawak iyon kaya naman ang mama na niya ang nagpasalamat.
"Salamat ma'am. Napakabait niyo po. Salamat po sa tulong na pinadala niyo" ani ng mama niya. Ngumiti ako dahil doon.
"Walang anuman po. Kamusta na po kayo?" ani ko. Hindi pa rin makaimik si Tessa, abala sa pagpapatahan sa sarili kaya naman parents muna niya ang kinausap ko.
"Ay okay na okay ma'am. Dahil sa iyo gumanda na ang buhay namin kahit papaano." Ani nito. Nakangiti siya habang sinasabi ang mga iyon. Busilak at galing sa puso kaya naman ngumiti rin ako sa kaniya.
"Anak, magpasalamat ka kay Ma'am Avi", aniya sa anak.
"Sala..mat..po ma'am" ani Tessa kaya naman niyakap ko ulit siya. Sarap sa feeling na meron kang ganitong estudyante.
"Solennn!" Sigaw ni Tessa kaya naman napabitaw ako sa yakap at tumingin sa likuran. Naroon si Solen kasama ang papa niya. Nang makalapit siya sa amin ay bigla na naman siyang nagsalita.
"Tama nga ako" aniya.
Ngumiti ako at tumango.
"Come here Solen" aniko. Lumapit ang bata at saka ko naman ito niyakap. Napahagikhik ako ng mapansin na sumisinghot singhot ito pag bitaw. Binigay ko sa kanya ang paper bag para sa kanyang regalo.
"This is my gift for you" aniko.
"Congratulations to the both of you!" ani ko saka niyakap nila akong dalawa.
This is the best thing that happened into my life. To have a student like them is such a blessing. I have no favoritism but I am comfortable being with this two. Masarap. Masarap magkaroon ng ganitong estudyante pero hindi ko na ulit makakamtan dahil hindi na ako para sa mga estudyante kundi para sa mga employee na.
This is Avian Mercedes a teacher and CEO, signing off.
Anima' POV
"Hoy bruha heto pagkain mo!" sigaw ng isang babae sa kabilang selda. Napatingin ako sa kanya at nakitang may dala itong pagkain.
Napalayo ako ng buksan niya ang gate ng selda ko. Sasaktan niya ko.
"Kumain kana! Huwag kang mag emote at laos kana!" aniya saka sinipa ang tray ng pagkain papunta sa akin.
Nanginginig ang aking kamay na kinuha iyon at saka inilapit sa akin.
Hindi na ako nakaposas dahil nasa loob naman na ako ng selda.
"O anong tinitingin tingin mo dyan? Hindi mo na naman kakainin?" aniya. Nakataas ang isa niyang kilay halatang galit sa akin.
Lumapit agad siya sa akin at hinikit ang buhok ko. Nailapag ko sa tabi ang tray at saka tumayo para hindi masaktan.
"A-Aray!" aniko. Saka pilit na inaalis ang mga kamay niya
"Nagsasayang ka ng pagkain!" gigil na sabi niya. Binatawan niya ang buhok ko at sapilitang iniharap sa kanya.
Nagulat ako ng sampalin niya ako bigla kaya naman napabaling ang mukha ko sa tabi. Nanalatay ang sakit sa aking pisngi.
"Ang arte arte mo! Kainin mo iyan kung ayaw mong ako ang magpakain sa iyo. Naiintindihan mo? Ha?" aniya saka ako dinuro. Tumango na lamang ako pinipigilan na humikbi. Ginulatan niya pa ako bago tumalikod at lumabas.
Napaupo na lamang ako sa isang sulok at umiyak. Ganto pala ang kapalit ng ginawa ko noon. Gusto ko mang mag sisi pero huli na ang lahat. Sinayang ko lang ang lahat.
Ganto palagi ang nangyayari sa akin tuwing lunch, breakfast at dinner time. Karma ko na siguro ito sa lahat ng ginawa ko. Napahawak ako sa mga binti ko at sumuksok sa isang sulok.
Wala na akong magagawa dahil andito na ito. Dito na rin siguro ako mamamatay. Kaya tapusin ko na. Nakita ko na may lubid na tatlo dipa ang haba sa isang sulok.Itinali ko iyon at saka ako umapak sa bangko na narito at isinuot iyon sa leeg ko. Hirap na hirap na ako! Tatapusin ko nalang. Pinagsisisihan ko ang lahat, naging gamahan ako at sunod-sunuran. Kung pagbibigyan man sana ako ng pagkakataon, pipiliin ko na ang tamang landas.
Avian, patawad. Mahal kita.
Kasabay ng pagtulo ng aking luha ay sandaling nagblur ang aking paningin hanggang sa dumulas ang aking paa sa bangko dahilan para matumba ito at lumatang ako sa ire.
This is Anima Reyes, signing off.
YOU ARE READING
MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS
RandomA tragic life of Avian Mercedes, the destroyer of relationship are going to block her way, will she able to face the destroyer?