Chapter 14

13.8K 159 108
                                    


Chapter 14



Dumiretso ako sa klase pagkatapos ng nangyari. Hindi na rin ako kumain ng tanghalian. She fvcking threw the food I cooked for her. Sinong gaganahang kumain?


Wala ako sa focus buong klase. Napagalitan pa ako ng prof. Na-badtrip sa akin dahil ilang beses akong tinawag pero hindi ako umagot. Hinayaan ko na lang, mas badtrip ako ngayon.


"Gigimik kami mamaya. Sama ka?" aya ng isa kong kaklase.


"Kayo na lang." Sinakbit ko na ang bag at nag-marcha na palabas.


Wala ako sa mood p-um-arty ngayon. Ang gusto ko lang ay umuwi na at magkulong sa kuwarto. Pagdating sa parking ay nakita ko si Kessiah. Nakatingin siya sa akin at halatang hinintay ako. I didn't mind her and just slid myself inside. Masama pa rin ang loob ko sa nangyari.


"What the fvck?!" I cursed out when something hit the back of my car.


Napalabas tuloy ako. I saw Kessiah's shoes. Dinampot ko iyon at pigil-galit siyang hinarap.


"What's wrong with you?"


"Really, Kye, you will just leave me here after I wait for you?"


"I didn't tell you to wait for me."


"Yeah, but I still did. Limang minuto na ako rito tapos ganoon lang?"


"Wow ah. Ang big deal sa 'yo ng limang minuto," sarkastikang sambit ko.


"My patience is only one minute. In-extend ko na nga para sa 'yo tapos you're acting like that pa. My god!"


Napahugot na lang ako ng hangin. I was trying really hard to calm myself. "I... I'm done." Itinaas ko lang ang mga kamay ko at naglakad na pabalik sa sasakyan.


Masyadong mainit ang ulo ko sa kaniya para kausapin siya ngayon. Pareho rin kaming galit kaya walang patutunguhan kung mag-uusap kami. Umuwi na lang ako upang doon magsarili. I opened my laptop to watch tutorials and my iPad to take down notes on everything.


I was in the middle of studying when I heard a knock. I know it was Kessiah. Kung sila manang iyon kanina pa sana nagtawag. Hindi ko lang pinansin at nag-focus lang ako sa ginagawa. Ayoko siyang makausap. Pagkaraan ng ilang minuto'y huminto rin ang pagkatakot.


"Finally, umalis din. Aaway-awayin niya ako saka niya kakausapin. Sino siya?"


Minutes have passed. Marami-rami na rin akong page na na-highlight. Nakakalibang talagang mag-aral.


"Pvtang*na!" bulalas ko nang biglang sumulpot si Kessiah sa bintana. Tumalon siya sa loob ng kuwarto ko. "Tang*na dati ka bang akyat bahay?" nawiwindang na tanong ko sa babaeng naka-school uniform pa rin. Halatang dito na siya dumiretso pagkauwi.


Hindi siya sumagot at naglakad lang palapit sa akin. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa kaniya at sa bintana. Tang*na, second floor 'to. Paanong naakyat niya nang ganoon kadali? Sabihin na nating gumamit siya ng lubid pero kahit akong lalake aabutin ng siyam-siyam kung aakyatin. Bakit parang sanay na sanay siya?


"Sabihin mo nga sa akin may lahi ka bang manananggal?"


"If I am, can I eat you, sir?"


"Landi mo namang manananggal ka." Pinaikot ko na ulit ang upuan ko paharap sa aking lamesa at bumalik sa ginagawa.


Nag-aaral ako, nang-iistorbo. Hindi ko alam kung anong trip niya at inakyat pa niya ang bintana ko. Nagawi ang mata ko sa glassdoor ng aking balkonahe. Tss, kaya naman pala hindi siya roon dumaan, naka-lock. Naalala ko iyong araw na nasa basement kami, kung paano kadali niyang nabuksan ang lock. Dati nga sigurong akyat bahay isang 'to.


Ruling the GameWhere stories live. Discover now