Chapter 7
"Teka, bakit parang ang ganda yata ng mood mo ngayon? Hindi ka na ba galit, Tita?"
"Of course, Kye, galit ako. Nag-uwi ka ba naman ng babae sa bahay ko---pero hindi na masyado."
"Wow. What changed your mind then?"
"Nakita ko 'yon. Ayieee!" tukso nito na nagpakunot sa noo ko.
"Nakita ang ano?"
"Pumasok ka sa bahay kagabi. Buhat-buhat mo si Kessiah. Ayiee saan kayo galing, huh?"
Umikot ang mata ko. Now I know what's going on.
"Somewhere."
"Saan nga?"
"Sa mall. We just... we just watch cine then go home after. Iyon lang."
"Oh my god. Nag-date kayo? Nagdi-date na kayo ni Kess?"
"Uy hin—"
"Nagdi-date na sila, Merideth!"
Gusto kong sumingit pero puro tili sila sa kabilang linya hanggang sa tuluyan ng namatay iyong tawag. Napailing-iling na lang ako. Dumiretso ako sa cafeteria upang bumili ng makakakain. Nakapila ako nang mawirduhan sa paligid. Normal senaryo na naman sa akin ang pagtinginan ng mga tao. Not because I have an issue, but because I am Kye Villafuerte. Pero iyong tingin nila ngayon iba, hindi paghanga ang nakikita ko sa mga mata nila.
Ano bang nangyayari?
"Siya nga 'yon. Iyong Kye."
"Hindi na yata siya broken."
Dinig kong usapan ng dalawang babaeng dumaan. Pansin ko na may tinitingnan sila sa cellphone nila kaya napatingin na rin ako sa akin. May alam ba sila na hindi ko alam? I opened my social. Hindi na ako nakapagbukas after nung sa mall dahil nakatulog ako agad. The next day naman ay puro ako aral so nag-off ako ng phone. Ngayon pa lang ako makakapagbukas.
"Sh*t!" mura ko sa isipan nang makita ang ginawang meme tungkol sa akin.
It was a photo of me sitting on the floor. Mabuti hindi kita iyong luha, pero still mukha pa rin akong lugmok. Nakakahiya iyong ayos ko sa photo dahil mukha akong batang iniwan sa mall.
@potatoballs: Anyare sa kaniya?
@markiiii_: Kapag gwapo nakalupagi d'yan, "are you lost, baby?" Kapag kami na panget palalabasin. Unfair!
@littlemermaid: Kung ako nand'yan nilapit ko na at inaya umuwi, lol haha.
@vaughnmendez: Kye, sino umapi sa 'yo? Suntukin ko HAHAHAHA.
At talagang nakisali pa itong si Vaughn. Nag-type ako ng reply.
@kyevillafuerte: Si Kess.
@vaughnmendez: Huwag na lang pala HAHAHAHA.
"Tss."
Hindi naman harsh iyong mga comments kaya hinayaan ko lang. Lilipas din naman. Humanap ako ng lamesa pagkabili at sakto namang nandoon din pala iyong tatlo.
"Bro, wazzup?"
"Bakit hindi n'yo man lang ako sinabihan na may kumakalat na pala akong photo?" Inilapag ko ang trey sa lamesa.