Chapter 1

65 24 11
                                    

"Mang, nandito na po ako!" Pumasok ako sa kahoy na pinto saka hinubad ang rubber shoes at medyas at nilagay sa shoe rack sa gilid ng pintuan.

"JM, si Mama?" tanong ko sa nakababata kong kapatid na tumatalon-talong nanonood ng Nick Jr. sa TV.

"Lab selling!" sigaw niya, hindi inaalis ang mata sa TV.

Hindi na ako sumagot at dumiretso na sa taas. Bago makarating sa kuwarto, nadaanan ko muna ang kuwarto ni Mama. Hinawi ko ang kurtinang tumatakip sa bungad ng pinto at sumilip.

"Puro Shein ito mga Mhei! Navy blue, denim short! Size 37, puwede panlakad, puwede pambahay, bahala kayo! 185 pesos! Type niyo lang 'Mine Navy blue denim short'—oh, ayan, may nag-mine na. Yours na, sayo na ito Merryruchel! Paki-ss. Five, four, tree, two, one! Thank you!"

Agad niyang itinabi ang denim short at kumuha ng bagong item. Kitang-kita ko kung paano niya hinihilot ang likod paminsan-minsan, bakas ang pagod sa mga mata niya.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko—5:38 pm na. Alam ko na ala-una siya nagsisimulang mag-live, limang oras na siyang nagbebenta pero tuloy-tuloy pa rin siya.

Hindi ko maintindihan bakit kailangan niyang magtrabaho nang ganito, gayong sapat naman ang kita ni Papa bilang dentista para sa pang-araw-araw namin. Hindi kami nakukulangan sa pagkain, bayarin sa kuryente, tubig, at kahit pa sa mga gusto namin. Pero sa tuwing nakikita ko si Mama na nagla-live, naiisip ko—

Baka hindi ganoon kadali ang buhay katulad ng iniisip ko.

O baka iniisip ko lang masyado. Baka sadyang ganoon lang talaga si Mama; baka hindi naman talaga nakakapagod ang umupo ng limang oras sa harap ng camera, baka gusto lang niyang magbigay ng extra para may sariling ipon na pang-sigurado sa mga pang-araw-araw naming pangangailangan.

Tumango ako at sinang-ayunan ang mga naisip ko.

"Ma!" tawag ko para makuha ang atensyon niya.

"Oh, anak," saglit niya akong tinitigan bago ibinalik ang tingin sa cellphone niya na nakasalpak sa ring light.

"Ikaw na magsaing, ha? May niluto na akong ulam, painitin mo na lang. Tatapusin ko lang ito, at sabay-sabay na tayong kakain."

"Opo," sabi ko, at lumapit ako para magmano. "Pagpalain ka," ngumiti siya sa akin, parang walang pagod.

"Oh, siya, magbihis ka na," sabi niya, kaya tumango ako at lumabas na, tinungo ang kuwarto.

Mabilis akong nagbihis ng maong shorts at pulang oversized na t-shirt saka minissey bun ang buhok. Patakbo akong bumaba ng hagdan at diretso sa kusina. Nagsaing ako ng apat na chupa ng bigas sa rice cooker at pinainit ang sinigang na isda.

Maya-maya ay nakita ko si Mama na bumaba, inu-unanat ang mga braso at likod.

"Wala pa ba si Papa niyo?" tanong niya.

"Wala pa, Mang," sagot ko, at nakita kong dumaan ang isang anino ng lungkot sa mga mata niya—o baka namamalikmata lang ako.

Lumapit siya kay JM na ngayon ay nakadapa sa sofa, nakatutok sa tablet habang nanonood ng cartoons.

"Tama na muna yan, kakain na tayo," kinuha ni Mama ang tablet sa kanya.

"Mamaya naaa!" paiyak-iyak na reklamo ni JM. Napairap ako—kitang pagod na si Mama, pero nagpapasaway pa.

Naglagay ako ng mga plato’t kubyertos sa mesa saka naghain ng kanin at ulam. Kinailangan pang pilitin si JM na pumunta sa hapag-kainan para kumain. Si Mama pa ang nagsandok at naglagay ng ulam sa plato niya, pati nagsusubo para masiguradong kakain siya. Kung hindi, hindi siya talaga kakain.

Bestow Your Affections On (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon