tiring day.. pagkauwi namin ay nag half bath lang ako and nahiga na. Hindi pa rin ako tinetext ni rome pero Ano naman? Wala akong pakeelam..
si France sa kwarto ni mama natulog kaya mag isa lang ulit ako dito sa kwarto. pag gantong nag iisa talaga mas nakakalungkot and sumasagi talaga sa isip ko yung good memories namin ni rome.. itutulog ko nalang siguro to..
papapikit na ako e konti nalang talaga makakatulog na ako pero biglang nag ring yung phone ko at itong makulit na si rome na naman. kelan ba ako titigilan nito?? ayokong sagutin pero ang kulit talaga nakakailang ilang tawag na kaya sinagot ko na rin para matahimik na.
"rome, ano ba? anong or----"
"mam Goodevening po this is from makati hospital.. wife po ba kayo ni sir rome?? nakita lang po namin yung name nyo and we assumed that you are the wife. mam andito po si sir rome sa hospital ngayon.. na accident po sya around makati ang dinala lang po ng mga rescuers dito.. sa ngayon po wala pa syang malay and mas maganda po pumunta na po Kayo diyo ASAP."
"w-what? oh my god.." binitawan ko na agad yung cellphone ko and kinuha ko nalang yung robe at susi ng Kotse ko at pumunta ako agad sa ospital.
my god.. im so worried ayokong mawalan ulit ng minamahal. hindi na ako nagpa alam sa kahit sino dito sa bahay ang mahalaga makita ko si rome at ang sitwasyon nya.
"nurse, may dinala ba dito na victim ng car accident??"
"ah yes mam.. mr rome po. nasa emergency room pa po sya. ay mam ayan na po pala yung doctor nya."
"doc Goodevening. im sandra, girlfriend ni rome. kamusta po sya?"
"well, i need to be honest. he's not in a good condition. hindi pa rin natin alam kung kelan sya magigising.. yung legs din nya nagkaron ng damage and baka Hindi sya makalakad pero madadaan naman sa therapy yun and andami rin nyang sugat sa muka.. he really need you right now."
"doc, makakalakad pa naman po si rome diba? madadaan pa po sa therapy?" tumulo na ang mga luha ko."
"yes.. makakalad sya pero baka matagalan. ililipat na namin sya sa Kwarto and dun na natin sya aantayin na magising."
"salamat po doc.."
— andito na kami sa kwarto.. wala pa ring malay si rome at sugat sugat pa ang muka at katawan.. awang awa ako kay rome nung nakita kong nasa ganto syang kalagayan. yes galit ako sa kanya pero ayaw ko naman na mawala sya.. mahal ko pa rin si rome kahit niloko nya ako. Ayokong makita sya nang ganito.
"rome please wake up.." hinawakan ko ang kamay nya. "please wake up.. huwag mo naman kaming iwan ni france."
malas ba talaga ako sa araw na ito at yung mga taong mahal ko kinukuha sakin or kukunin?? first, my husband and next, my love! ano ba, mabait naman ako a.. huwag naman sanang kunin sakin si rome.
"hon.. pag nagising ka mapapatawad na kita promise. promise rome.. P-pero give me some time and space pero hindi na ako galit sayo.. magising ka lang rome. hindi na kami sasama kay mama sa ibang bansa. rome please!" — akala ko si lorenzo lang ang kakausapin ko na wala akong makukuhang sagot Hindi ko akalain na darating ang araw na ito na si rome naman. "honey i still love you.. magising ka na rome."
napatigil ako sa pag eemote dahil pumasok si jake.
"jake.." —
"andito ka na pala sandra.. salamat pinuntahan mo si rome."
"ofcourse.. what happened ba?"
"kagabi pa kasi yan umiinom si rome e walang humpay simula nung pagka-galing nya sa inyo. aalis na raw kayo dito sa pilipinas at pati si france galit na rin daw sa kanya.. kaya ayan inom nang inom. Umuwi na ako kasi hindi ko naman Inakala na mag d-drive pa sya.."
"my god.. ang kulit mo talaga rome!"
"mukang malala tama ni rome.. Anong Sabi ng doctor?"
"malaki raw ang damage sa legs nya and hindi sya makakalakad ngayon but madadaan pa sa therapy."
"Tangina? s-sandra please wag mo munang iwan si rome. wag nyo muna syang iwan.. kailangan nya kayo ngayon."
"yes.. hindi ko talaga sya iiwan sa ganyang situation. and pag gising nya napatawad ko na sya. magising lang sya.."
"pinakinggan mo ba si rome nung nag eexplain sya?" Umiling ako. "hindi ka talaga niloko ni rome. Naglihim lang sya sayo. si greta, ex sya ni rome. iniwan nya si rome nung nakakita sya ng ibang lalaki sa ibang bansa pero pag balik nya Dito sa pinas, sinaksaktan lang pala sya nung pinalit nya Kay rome and worse, namatay pa yung bata na anak ni greta.. alam mo naman si rome, mabait yan and hindi kaya na may nasasaktan na babae kahit todo pa yung sakit na binigay ni greta sa Kanya dati.. lahat ng tulong na mao-offer ni rome binigay nya. pero trinaydor din sya ni greta sa huli.. umabot pa nga Diba sa nilapitan ka ni greta. Ayun sinabi nya kay rome na kung hindi makikipag balikan sw Kanya, sasabihin nya lahat sayo yung ginagawa ni rome para sa Kanya.. kaya itong si rome naging sunud-sunuran sa kanya para hindi ka mawala, kayo ni france.. ikaw lang talaga ang mahal nito sandra wala nang iba pa.. k-kaya sana mapatawad mo si rome kung naglihim man sya sayo."
Habang nag ke-kwento si jake ay agusan na pala ang mga luha sa mata ko. bakit ba pinatagal ko pa nang ganito? sana nakinig nalang ako kay rome edi sana hindi kami umabot sa ganito..
"But don't worry naiintindihan kita. valid yang Nararamdaman mo."
"thank you rome for making this thing clear to my mind.. Don't worry hindi ko iiwanan ang kaibigan mo."
"salamat Sandra.. since andito ka na naman, uwi na ako? babalik nalang ako bukas.."
"yah.. yes thank you jake."
— pagka alis ni jake ay agad akong tumabi kay rome at yumakap.. Kahit magalit sakin si mama hindi na kami sasama sa kanya. mas kailangan ako ni rome ngayon.. kung dati tinulungan nya akong mag heal, ngayon ako naman ang tutulong sa kanya.