Ika-17 Kabanata

41.3K 699 71
                                    

Financial Accounting namin ngayon. Habang hinihintay namin ang professor naming si Mr. Salangkay. Nakapangulambaba lang ako sa upuan ko at kinakagat-kagat ang lapis na hawak ko habang nakatingin sa bintana kung saan tanaw ko ang football field. Nagpapractice doon ang WAU cheering squad.

"Papasok pa ba yon si Mr. Salangkay? Sana wag na para manood nalang tayo ng practice nang Fireballs." Dinig kong sabi ni Heaven na katabi ko. Papasok pa nga kaya ang prof. namin 15 minutes late na kasi siya.

"Gusto kong manood ng practice nila Aries." Dinig kong sabi naman ng isa sa mga kaklase naming babae. "Ako din! Gusto ko makita abs ng HBB!" Sang-ayon ng isa ko pang kaklaseng babae.

Mauuna ang basketball competition na gaganapin dito sa West Adrenea kaya puspusan narin ang practice ng HBB ngayon. Napaka busy nila this past few days, ewan ko nga kung makakaattend sila sa last dance rehearsal para sa mga kasali sa eighteen roses, mamaya sa shangri la hotel. Lagi naman silang umaattend doon nung cotillion de honor ang pinapractice nila, pero ngayon mukhang hindi sila makakaattend dahil masyado silang busy.

"Classmates wala daw si Mr. Salangkay!" Sigaw ng isa sa mga kaklase kong lalaki.

Nagkagulo ang mga classmates ko na para bang nagbubunyi sila dahil sa magandang balita.

"Let's go girls! Let's cheer for our amazing fireballs!" Dinig kong sabi ng isa sa mga kaklase kong babae.

Nakita kong nagretouch muna ang iba kong kaklaseng babae including Heaven at ang binabaeng si Daniel. Ako naman ay nakatingin lang sa kanila.

"Tara na girl!" Hinila ako ni Daniel palabas ng classroom namin. Tamad na tamad naman akong nagpahila sa kanya. Wala talaga akong ganang manood ng practice game nang fireballs kasi nga, kung hindi tilian ang maririnig ko, cold na look naman ni Aries ang makukuha ko.

Wala na talaga. Hindi na kami katulad ng dati. Oo nagtampo ako sa kanya nung sinigawan niya ako, nag sorry siya sa text pero hindi sa personal. Nakakapagtampo talaga, pero nawala agad yung tampo ko kasi di naman ganoon kalalim yon, nasigawan niya 'ko kasi ako din naman ang may kasalanan dahil akala niya, binabalewala ko yung pag eexplain niya sa harap ko dahil panay ang pakikipag text ko kay Michael. Tapos na yon at eto na naman kami ngayon, wala na naman pansinan. Buti nga hindi nagtatanong sa amin ang mga kaibigan namin kung okay na ba kami ni Aries.
Minsan naman okay kami e, minsan hindi. Hindi pala minsan, madalas.

"Go Aries! ARIES-cellaneus is here!" Sigaw ng mga babaeng nasa kabilang dulo ng bleacher. May hawak silang banner na may nakasulat na ARIESCELLANEUS tapos picture ni Aries habang nakangiti siya with his killer smile. Palagay ko pangalan yata ng kanyang lumalaking fansclub yung Ariescellaneus.

Wow ha! Hindi pa nga siya artista may fansclub na agad. Ikaw na talaga Aries.

"Give me A-R-I-E-S. Aries! Go Aries! Go! Go! Go Aries~"

Naihilamos ko ang kamay ko sa aking mukha ng marinig ko ang pamilyar na cheer na'yon. Ayan na naman yung maingay na cheering squad ni Aries na may apat na members. Diba may mga practice ang mga yon? Bakit nandito sila at nanonood sa practice ng fireballs? Mga tumakas pa yata.

Nang magtime out ay naghiyawan ang mga babae ng hubarin ni Aries ang jersey niya. Laglag ang panga ko sa lalong gumandang katawan niya. Dahan-dahang bumaba ang paningin ko mula sa matipuno niyang dibdib hanggang sa kanyang v-line, bumaba pa nga sa nakikitang boxer niya na calvin klein. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko, napakagat nalang ako ng labi at ibinaling ang paningin ko sa iba. Sh*t ka Aries bakit umeepekto na sa akin ngayon ang mala adonis mong katawan? Pwede ba kitang inominate bilang sexiest man in the world?

May nakita akong babaeng kunwaring mahihimatay. Meron namang naiiyak pa. Malala na ang mga to.

"Pag nahawakan ko abs mo Aries, pwede na ako mamatay." Dinig ko na sabi ng kung sino sa mga babaeng naririto.

When She Loved Him [HBB #1 Book 1] (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon