KABANATA 9

112 4 0
                                    

Halos manginignginig na ang kamay ko habang ibinababa ang mangkok sa lamesa. Hindi ko na magawang tumingin sa kanilang dalawa, nakakaramdam na ako ng hiya at kaba.

“Sinasabi ko na nga ba’t, may gusto ka sa akin!” Confident na confident na ani Pablito. “Tama nga si Marcelina, hindi nagsisinungaling ang mga mata… lalo na ang mata mo, Ibyang.”

“H-hindi kita gusto!” Nagmamadali akong tumayo at umakyat pabalik ng kwarto ni Marcelina, at doon ay nagpagulong-gulong ako sa kama. “Evi, ano ba ‘tong ginawa mo?!” Kausap ko sa sarili ko, nakaharap na ako ngayon sa salamin. “Nakakahiya!”

“Ngayon ka pa ba mahihiya, Evi?” Halos mapalundag ako sa gulat nang magsalita si Marcelina, nakasandal s’ya sa pintuan at ngingisi-ngisi sa akin. “Hindi naman salita mo ang nakalaglag ng sikreto mo, kundi ang mga mata mo.”

“Hindi… Hindi ko dapat s’ya magustuhan!”

“Hindi mo talaga maamin sa sarili mo ‘no? Hindi mo maamin-amin na gusto mo ang kuyang ko!” Lumapit s’ya sa akin at hinawakan ang balikat ko, ‘tsaka n’ya ‘ko ipinaharap sa kan’ya. “Alam kong mahirap aminin, o baka ayaw mo lang talagang aminin. Pero, Evi… wala kang maitatago sa kan’ya. Malakas ang pakiramdam ng kapatid ko. Lagi n’ya ngang sinasabi na naririnig n’ya raw ang tibok ng puso mo.”

“Eh?” Hindi makapaniwalang ani ko, pakiramdam ko ay gumagawa lang ng kwento ‘tong si Marcelina.

“Alam kong kataka-taka, pero iyon ang sabi n’ya!” Hinawi n’ya ang buhok ko papunta sa aking tenga. “Naririnig n’ya raw ang malakas at mabilis na tibok ng puso mo… sa tuwing malapit kayo sa isa’t isa. Lalo na raw noong isinayaw ka n’ya!”

Bigla akong napaisip. Hindi kaya ito ang sinasabi nilang mahiwaga tungkol kay Pablito?

“H’wag kang magpapalinlang sa hiwaga!”

Napatakip ako sa tenga ko nang marinig ko ang bulong na iyon, tila tumaas ang balahibo ko dahil sa boses ng isang babae, nakakakilabot. Kahit pa takpan ko ang tenga ko, paulit-ulit ko pa ring naririnig ang bulong, binabaliw ‘ata ako ng bulong na ‘to.

“T-tama na!”

“Evi, ayos ka lang ba?” Nakita kong nilapitan ako ni Marcelina, naramdaman ko rin ang pagyakap n’ya. Sa hindi malamang dahilan ay nawala ang bulong. Gumaan ang pakiramdam ko, animo’y pinapatahan ako ng aking ina. “Anong nangyari?” Hindi ko magawang sumagot, hindi ako makapagsalita, natatakot pa rin ako. “Evi?” Lumingon-lingon ako sa paligid, may nararamdaman kasi akong kakaiba. Paglingon ko sa pintuan ay nakita ko ang isang tao, nakatitig ito sa akin at nakangiti, isang nakakatakot na ngiti. Hindi ko mapigilang mapasigaw, nang makita kong nag-iba ang kulay ng mata n’ya. Ang sigaw na iyon ang dahilan ng paggising ko.

Agad akong napaupo at napayakap sa sarili ko, hindi ko makalimutan ang mukha ng babaeng ‘yon, kakaiba s’ya.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako dahil sa takot, hindi ko alam kung anong pakay sa akin ng babaeng ‘yon, hindi ko alam kung sino ba talaga s'ya. Alam kong hindi ‘yon si binibining Paulita. Maamo ang mukha ng binibini, hindi nakakatakot.

“Ate, may bisita ka!” Rinig kong sigaw ni Isabelle, huminga muna ako nang malalalim, bago ko ayusin ang aking sarili. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan, hindi ko alam pero may kaba sa dibdib ko. “Uy ate, kanina ka pa hinihintay ni ate Klaumi!” Nakaramdam ako ng ginahawa nang marinig ko ang pangalan ni Klaumi.

“Yumi!” Halos tumakbo na ako pababa, para lang mayakap s’ya.

“I miss you, ‘te!”

“Upo ka muna!”

Take Me Back To 1971Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon