Hirap na hirap magmulat ng mata si Celine matapos ang ilang oras na tulog. Masakit ang mata niya dahil sa pag-iyak. Consequently, masakit na rin ang ulo niya.
Pinilit niyang bumangon para i-check ang phone. Kagaya ng inaasahan ay may ilang mensahe sa kanya ang ina. Tinatanong nito kung mabibigyan niya ito ng pera para sa pagpapagamot sa tatay niya.
Hindi niya alam kung ano'ng sasabihin dito. A part of her wants to let her father die. He deserves it. Pero paano naman ang nanay niya? Paano naman ang mga kapatid niyang ama pa rin ang turing dito?
She ignored the message and got dressed. Kailangan niya munang kumain at uminom ng gamot. Ayaw niyang mag-desisyon ng galit at gutom.
Hinang-hina siyang kumilos. Kagabi pa siya hindi kumakain. Paniguradong hindi na niya makakain ang biniling pagkain kagabi dahil magdamag na iyon sa ref.
Kumuha siya ng pera at payong at saka lumabas ng bahay. Malakas pa rin pala ang ulan. Umuulan na kaninang pag-uwi niya. At mukhang hindi pa tumitila mula kanina.
With an aching head and empty stomach, she walked to the drug store nearby. Mukhang alas singko na ng hapon dahil sa madilim na kalangitan. Traffic na naman sa may intersection dahil sa ulan. Medyo tumataas na rin ang tubig sa kalsada.
Agad niyang tinawid ang daan para bumili ng gamot, saka siya dumaan sa karinderya para bumili ng pagkain. Puro masarsa at malangis na ulam na lamang ang natira, pero wala siyang choice. Kailangan niyang kumain.
Pagkakain at pagkainom ng gamot ay saka niya inisip kung ano ang isasagot sa ina. Dahil busog na siya at kahit papaano'y umayos ang pakiramdam, napagdesisyunan niyang pahiramin ito ng kahit kaunting pera. Ilang buwan na rin siyang nag-iipon dahil gusto niyang makabili ng lupa na mapagtatayuan ng sarili nilang bahay.
Buong buhay kasi niya, palagi silang rumirenta ng lugar. It would be nice to have their own home. Para kahit iyon man lang, maging permanente sa mga buhay nila.
Pero itong tatay niya, panira ng plano. Kasalanan naman nito kung bakit ito nagka-cancer. Dati pa lang daw ay mahilig na itong manigarilyo. Ayaw nga ng nanay niya rito dati dahil doon.
Hindi niya alam kung ano ang nangyari at nagkatuluyan ang dalawa. Siguro nga, love works in mysterious ways. Twisted na rin at medyo sadistic.
Kinabukasan niya padadalhan ang ina ng pera. Plano sana niyang umuwi, kaso ay nandoon ang tatay niya. Mas gugustuhin niyang magtrabaho na lang.
At least sa trabaho, sa mga kliyente siya mai-stress. Lesser evil iyon kumpara sa problema niya ngayon. And besides, there's Yuan there. Kahit ito man lang ang positibo sa buhay niya, ayos na siya.
Kay pa kahit masama pa rin ang pakiramdam niya at umuulan pa rin sa labas, sinuong niya ang mababaw na baha para magtrabaho. Kaya lamang, sobrang lamig naman sa office. Kahit wala nang aircon, nanunuot pa rin ang lamig sa balat niya.
Mabuti na lamang at nandoon si Yuan. Maaga raw itong pumasok. May tsinelas pa itong dala at extra na damit dahil sa ulan.
"Celine, okay ka lang?" tanong nito nang matitigan siyang mabuti. "Namumutla ka."
"Medyo masama ang pakiramdam ko," pag-amin niya.
"Bakit ka pumasok?" Idinait nito ang likod ng kamay sa noo niya. It felt warm. "Nilalagnat ka."
"Sinat lang."
"Umuwi ka na lang kaya. Wala namang masyadong trabaho since okay na 'yong pending kahapon. Malapit ka lang ba rito?"
"Kaya ko pa naman," pagpupumilit niya, but he already locked her computer.
"Malapit ka lang, di ba? Ihahatid na kita."