CHAPTER 13

68 6 1
                                    

Sanya's POV

'Is he mad?' natanong ko nalang sa sarili kong isipan.

Nag-pauna ng pumasok si Yana at ang boyfriend n'yang si Jake sa loob ng office.

Habang sumunod namang pumasok sina Nicolo at Jacob.

Gayundin ang mga kabarkada nila Yana at Jake na kasalukuyang hawak-hawak nila ng mahigpit sa braso ang apat na matatandang manyak na lalaki para hindi sila makatakas at maisumbong namin sa Office.

Naaawa ako kahit na muntik na nila kaming pagsalamantalahan ni Yana dahil mukhang balak na silang ipakulong ni Pres.

Nakaramdam tuloy ako ng awa pero hindi ko pa rin napigilan na may biglang isang butil ng luha ang pumatak na nanggaling sa mata ko nang alalahanin ko ang nangyari kanina.

Muntik na kaming mapahamak ng kaibigan ko. Pero alam ko namang maliligtas pa rin kami dahil dumating sina Kaizer.

Nauna na silang pumasok lahat sa loob ng office. Si Kaizer naman ay na'ndoon na rin kanina pa.

Habang ako ay ilang segundo pang nag-paiwan sa labas ng office para saglit na huminga ng malalim at damhin ang preskong hangin.

Napaisip tuloy ako at napahawak pa saglit sa dibdib ko nang maramdaman kong kinakabahan ako.

Hindi ko alam pero ninenerbyos ako, siguro dahil ngayon lang ako nakaranas ng muntikan ng pagsamantalahan at kasama pa ang kaibigan ko?

O baka naman kaya ako ninenerbyos dahil ramdam kong galit si Kaizer dahil sa nangyari.
Galit nga ba s'ya?

B-bakit ko ba siya iniisip?

Sana hindi s'ya galit dahil baka hindi s'ya nagbibiro at tuluyan niya ngang ipakulong 'yung mga lokong matatanda. Hindi pa rin kakayanin yun ng presensya ko maaawa lang ako kapag nakulong sila.

Matatanda naman na sila kaya siguro'y hindi na nila iyon uulitin.

Muli akong huminga ng malalim at hahakbang pa lang sana ako para pumasok na sa office nang magtama ang mata namin ni Kaizer dahil sa biglang paglabas niya sa pinto ng opisina.

Agad s'yang lumapit sa'kin habang bahagyang nakakunot ang mga kilay.

Tiningnan niya ako sa mata kaya wala akong nagawa kun'di ang labanan ang mga tingin niya sa'kin.

"What are you doing here? Bakit hindi ka pa pumapasok sa loob, hinihintay ka namin." aniya kaya napatingin ako sa bintana ng office na glass window naman.

Kaya kita ko silang lahat dito sa labas at kinakausap na sila ng Dean.

"N-Nagpahangin lang ako saglit Pres. hindi ko kasi maintindihan pero kinakabahan kasi ako, siguro kasi dahil ngayon ko lang naranasan y-yung nangyaring yun kanina." uutal-utal na saad ko pa.

Nanlaki ang mata ko nang bigla n'yang hawakan ang kamay at pinakiramdaman ang pulso ko.

Hinigpitan niya ang hawak sa pulso ko pero sakto lang para hindi ako masaktan.

Maya-maya'y naramdaman niya sigurong mabilis nga ang pagtibok ng pulso ko at pagkatapos ay tumango-tango siyang tumingin sa'kin na alam niyang kinakabahan nga ako.

Ang lakas ng charisma niya. Simpleng tumango lamang siya sa'kin pero ang lakas ng naging dating no'n sa kan'ya.

Ano ba 'tong naiisip mo, Sanya?

Siguro kung ibang babae ang kaharap niya ngayon ay hindi na magka-kandaugaga dahil sa kilig.

"It's okay. I'm here, and probably I won't let you speak alone. That's why I'm your President and you're my Secretary. Tutulungan kitang ipaliwanag ang nangyari lahat kanina."

Hindi ko alam pero napakagat nalang ako sa ibabang labi ko at hindi ko alam kung bakit pinigilan kong mapangiti.

Pinigilan ko ang ngumiti dahil baka kung anong isipin niya kaya ang ginawa ko tumango nalang ako at napaiwas naman ako ng tingin dahil bumungisngis siya nang makitang kagat ko ang ibabang labi ko.

"That's why we're here in the office to report to them, okay? Don't worry.. i'm here." dagdag niya pa at tumalikod na siya sa'kin para muling bumalik sa loob ng office.

He's too kind, I thought he's mad but apart by being his serious actions, he's very thoughtful.

Maging ang likod n'ya ay napakalakas ng dating.

Umiling-iling ako dahil kung ano-ano na naman ang naiisip ko.

Hahakbang na sana ako nang bigla niya akong nilingon kaya napatigil ako sa pag-iling.

Pero huli na dahil nakita n'ya na kong parang ewan na umiiling mag-isa. Nakakahiya.

Naglakad siya uli papalapit sa'kin kaya napatigil ako sa pag-hakbang at nahihiyang tumingin sa kan'ya.

Baka isipin niyang baliw na'ko dahil mag-isa akonh umiiling-iling dito.

"Sanya.."

"O-Oh?" Gusto kong hampasin ang bibig ko dahil sa pagkautal no'n!

At hindi ko alam kung bakit lumakas na naman ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang kamay niya na humawak sa balikat ko at pihinarap niya 'ko sa kaniya.

"Uhm, I just want to- uhm n-nothing." Nang tumalikod uli s'ya ay kumunot ang noo ko.

Ano 'yun? Lumingon uli siya sa'kin.

"Tara na sa loob." aniya at sabay naman akong napatango.

May gusto ba siyang sabihin?

"Uh, Pres. Kaizer wait..." hinabol ko siya bago makapasok sa office.

Agad niya naman akong nilingon at seryosong tumingin sa'kin.

"I just want to ask you something before we enter in office. Let me ask you."

Gusto ko munang itanong sa kan'ya kung sasabihin niya ba ang nangyari kay Kuya.

Kaibigan niya si Kuya kaya kung may balak s'yang sabihin kay Kuya ang nangyari ay gusto ko sanang pakiusapan na huwag nalang iyon sabihin.

"Sasabihin mo ba kay kuya yung nangyari? Pwede bang w-wag mo nalang sabihin? Kasi paniguradong mag-aalala 'yun." sunod sunod na tanong ko.

Agad naman siyang nabigla sa tanong ko.

"Of course. I have to tell to your brother what just happened. Kahit na mapapagalitan ako no'n" aniya at nakita kong ngumisi siya.

"Dahil ibinilin ka ng Kuya mo sa'kin na ingatan ka dahil madaming masasamang pumapalibot sa kaniya at maaring ikaw ang target-in. Ako ang madalas mong nakakasama kaya pinakiusap ka niya sa'kin na protektahan kita at sabihin sa kan'ya kung anong nangyayari."

HE IS MY SSG PRESIDENTWhere stories live. Discover now