Order a copy of Enslaved By Her Innocence at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.
Please expect slow updates. Completed on VIP Group, Spaces, and Patreon. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.
EHBI group with complete chapters and 2 special chapters is available for subscription for only PHP 100. Message WARRANJ NOVELS on Facebook to avail. Paid subscription po ito.
—
Chapter 44
"Saan kita ihahatid?"
Ngumuso ako nang tingnan si Perseus matapos niya itanong iyon. Mariin niya akong pinagmamasdan at naghihintay sa magiging sagot ko.
Sa porma niya, halatang handa na siyang umalis. Masiyado na rin namang malalim ang gabi at literal na delikado na ang magpakalat kalat dito sa Maynila.
"Wala nga akong uuwian. Lumayas ako, hindi ba?"
"Before you lived with Monasterio, where were you staying?"
"Sa boarding house kasama ang mga kaibigan ko. Nag-aaral pa kasi ako ng mga panahon na iyon. Kung babalik pa ako doon sa ganitong sitwasyon ko, nakakahiya dahil magiging pabigat na lang ako."
Tumaas ang kilay niya at pinagkrus ang mga braso sa ibabaw ng kaniyang dibdib.
"So technically, you are homeless now like those street people, huh?"
Nanghaba muli ang nguso ko. "Sabi mo tutulungan mo akong gumanti kay Dice, hindi ba?"
"And that includes a home?"
"Oo naman! Dapat palagi tayong magkasama para alam ko kung ano ang magiging plano mo sa akin-"
"You are the one who's going to decide for that revenge, Madisson. I am just the one who will support you with everything you need..." aniya sa iritadong tono. "And what do you mean we're supposed to be with each other everyday? Bubuntot ako sa'yo palagi?"
"Oo? Buntis ako at malapit na manganak. Kailangan mo ako samahan palagi kasi kapag may nangyari sa akin, ikaw ang tutulong sa akin!" litanya ko. "Sabi mo iyan, hindi ba?"
He shot me an unbelievable gaze before heaving a sigh.
"I'm an instant father now, huh?"
Natawa ako. "Hindi naman. Pero puwede na rin na ninong. Basta malaki ibibigay mong pakimkim sa binyag?"
"Tss. Bigyan ko pa ng sampung condominium 'yan."
Muli akong natawa sa itinuran niya. Mukha namang mabait itong si Perseus pero mas lamang lang rin talaga ang pagiging gago. Sa pananalita at kilos nga lang, walang bakas na mabait siya.
"Pero seryoso, Perseus, kailangan ko ng tulong mo. Kasi aminado naman ako na wala akong malalapitan ngayon dahil kahit ang mga magulang ko ay tinalikuran na rin ako. Kung hindi sana ako buntis, makakaya ko. Pero alang-ala sa anak ko, kakapalan ko na ang mukha ko na lapitan ka kahit pa hindi tayo magkakilala."
He flicked his tongue across his bottom lip and slid his hands inside the pocket of his slacks.
"I won't dare to offer my help if you don't look miserable..." he sighed. "How about I just push you off this bridge so your problems are all done?"
Bumusangot ako. "Kapag nalunod ako at namatay, ikaw ang una kong dadalawin."
He smirked. "Not the asshole Monasterio?"
"Sabay kayo. Salitan."
He made a lopsided grin like a devil now holding his pitchfork.
"You'll be staying in my place first. Pag-iisipan ko kung saan kita ititira..." he said and grabbed my arm like I was a little girl being asked to go home because it was already late. "Kung saang bansa kita itatago."