Chapter 40

37.3K 724 164
                                    

Please expect slow updates. Completed on VIP Group, Spaces, and Patreon. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

EHBI group with complete chapters and 2 special chapters is available for subscription for only PHP 100.  Message WARRANJ NOVELS on Facebook to avail. Paid subscription po ito.

Chapter 40

Hindi ko maintindihan kung bakit tila may galit sa mga mata ni Dice habang nakatingin kay nanay. Sigurado akong hindi naman nila kilala ang isa't isa at ito ang unang beses na nagkita sila.

Taga Masbate kami at Maynila naman ang mga Monasterio. Imposible na ang mga landas nila ay magkrus lalo pa at wala akong naiisip na dahilan para mangyari 'yon.

"'Nay, Monasterio po si Dice. May kilala po ba kayong Monasterio ang apelyido? Baka po kamag-anak po niya," sabi ko habang pinagmamasdan siya.

Hindi natinag si nanay. She was just staring at Dice as if she just saw a monster. Her eyes were filled with fear I couldn't even understand where she was getting.

"W-Wala! Wala akong kilalang Monasterio. Naririnig..." Lumunok si Nanay. "Naririnig ko lang ang a-apelyido nila sa kung saan."

Nilingon ko si Dice. He was smirking at my mother and I admit that I hate how he did it. It was full of cockiness. Para bang hindi ko ina ang taong nginingisian niya.

Oo at wala kaming relasyon pero hindi ba at dapat niya pa rin ito igalang ano pa man an sitwasyon na mayroon kami?

"I thought you wanted to meet my parents, ma'am. They are just one call away. Kung hindi na kayo makapaghintay, puwede namang tayo na lang ang magtungo sa bahay namin."

Nagsalubong ang mga kilay ko lalo pa at mas malinaw kong nahimigan ang pagiging arogante niya sa bawat salitang pinakakawalan ng mga labi niya.

"Dice, may problema ka ba na narito ang nanay ko?" deretsong tanong ko.

Gumalaw ang madidilim niyang mga mata papunta sa akin. For a moment, I thought the warm in those eyes I've seen earlier was now gone. Tila ba bumalik na siya sa dati kung kailan parati siyang galit at iritado sa akin. Mga panahong nalaman niyang nabuntis niya ako.

"None," simpleng sagot ni Dice bago muling ngumisi ngunit hindi nakatakas sa akin ang dilim doon. "I'm even pleased to finally meet her."

Bakit parang hindi ko magawang paniwalaan? Bakit pakiramdam ko, may itinatago siya sa likod ng mga salitang iyon? Bakit parang hindi... totoo?

"Madisson, siya pala ang nakabuntis sa iyo? Aba'y bata pa pero mukhang makapal ang pera sa bulsa-"

"Halika na, Tonette. Umalis na tayo," hila ni Nanay sa kamay ni Nanay.

"Aalis na kaagad tayo, Maricel? Kakarating lang natin. Bakit hindi muna tayo kumain? Sigurado namang maraming pagkain dito..." angil ni Aling Tonette at tiningnan ang gawi ni Dice. "Pogi, pa-meryendahin mo naman kami. Galing pa kaming Masbate."

"Sa labas na lang po tayo kumain. Ililibre ko kayo-"

"Stay..." pigil ni Dice sa akin na ikinatingin ko sa kaniya. "I'll order food for you. You don't need to go out just to eat."

Nagkatitigan kami. He smiled at me but I didn't smile back. Malakas ang pakiramdam ko na may kalakip na kamalian ang ngiti niyang iyon. At kung ako ang tatanungin, hindi ko maiwasan ang mag-alala.

"Iyon naman pala. Dito na tayo kumain-"

"Hindi na. Maraming salamat sa alok mo pero kailangan na rin namin umalis," deretsong sabi ni nanay na ikinatingin ko sa kaniya. She looked at me, her eyes were gripped by fear. "Mag-ingat ka, Madisson."

Monasterio Series 9: Enslaved by Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon