Ika-12 Kabanata

48.8K 819 33
                                    

Katatapos lang ng unang mass sa St. John Bosco Parish at balak ng pamilya namin na mag almusal sa isang buffet restaurant na di kalayuan dito.

"Hiro!" ma-awtoridad na tawag ni daddy kay kuya.

"Dad?"

"Hintayin niyo nalang kami ng mommy niyo sa kotse. Your mom and I will discuss something with Fr. Santiago."

Tumango si kuya at inaya na niya kami ni ate na lumabas ng simbahan.

Papunta na kami sa parking area ng may biglang tumawag sa akin. Agad kong nilingon yon at nakita ko agad si Michael na nasa gilid ng pintuan nang simbahan. Kumakaway sa akin. Pareho namang kunot ang noo ni ate at kuya habang nakatingin sa kanya.

"Who's that?" Tanong ni ate.

Nginitian ko naman siya. "He's Michael Javier. Classmate ng HBB."

"I think I saw him before."

"Baka nga, ate. Nakikita mo siguro siya kapag may laban ang WAU at EMU. Dati kasi siyang player ng EMU."

Nagkibit balikat si ate. "Siguro nga." At naglakad na siya papunta sa sasakyan namin.

"Tara na, Aika." Sabay hawak ni kuya sa kamay ko.

"Wait. Can I talk to him? Saglit lang." Masuyo kong sabi,

"Close ba kayo?" Tinignan ako ni kuya na tila nagtataka.

"Medyo. We're textmate." Matapat kong sabi.

Nakita kong tinitigan ni kuya si Michael mula sa malayo. "Ten minutes." Aniya habang nakatingin parin kay Michael.

Umiling ako at napangiwi. "Fifteen." Nakanguso pa ako at pinagsalikop ang mga palad ko na para bang nagmamakaawa ako sa kanya.

"Okay sige. Pag wala ka pa ng fifteen minutes pupuntahan na kita."

"Yes kuya." I kissed his left cheek at tumakbo na ako palapit kay Michael.

"Hi." Bati ko sa kanya ng makalapit ako.

I like his outfit today. He's wearing a white long sleeve na itiniklop niya hanggang siko yung manggas, tapos naka black skinny jeans siya at naka spike ang buhok niyang clean cut. Lalo siyang gumwapo at ngayon ay mukhang nagkaka-appeal na siya para sa'kin.

"Good Morning." Bati niya. "Mga kapatid mo ba yung kasama mo?" Tanong niya.

"Oo. Hihintayin pa kasi namin si mommy at daddy na kinausap muna si Fr. Santiago, kaya naisip ko munang makipagkwentuhan saglit sayo. Kaysa naman sa nakatunganga lang sa loob ng kotse. O kaya naman naglalaro ng games sa phone. Hindi naman ako mahilig sa mga laro."

"Wow! Nakakatuwa naman at mas pinili mong kausapin ako."

"Oo naman. Magkaibigan na tayo diba?"

Tumango siya sa akin.

"A-Anong oras ka natulog kagabi?" Tanong niya.

"Mga twelve-thirty? Basta pagkapatay ko ng computer at pagkahiga ko ng kama, wala pang ilang minutes. Hindi ko na namalayang nakatulog na ko." Tumatawa kong kwento sa kanya.

Sa loob ng ilang linggong nakakatext ko si Michael at saglit na nakakausap sa school. Mabilis na gumaan ang loob ko sa kanya. Mabait naman kasi siya at may sense of humor. Kaya hindi siya dull kausap.

"Talaga? Akala ko, napuyat ka din. Kasi napuyat ako kakaisip sayo."

Hinampas ko siya ng mahina sa dibdib niya. Ang aga pa kasi nakukuha ng bumanat. "Waley ng banat mo. Laos na kaya yan." Pang-aasar ko sa kanya. Habang tumatawa.

When She Loved Him [HBB #1 Book 1] (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon