renjun's pov
at morgue...
"renjun, calm down. huminga ka ng malalim. mahihilo ka." saway sa'kin ni jaehyun habang nakaupo ako rito.
"no! gusto ko nang makita si yangyang!" sigaw ko habang umiiyak.
i want to see yangyang. 'di na'ko makakapaghintay pa.
"i understand, kahit ako rin gusto ko na makita si tol. but we need to wait, binibihisan pa siya. makikita rin natin siya." sabi ni jaehyun.
gusto ko na siyang makita pero 'di kami pinapapasok sa loob kasi binibihisan pa siya. nakakainis! kanina pa siyang nasa loob. gusto ko na siya makita, ang tagal!
napaiyak lang naman ako rito lalo. kanina pa ako iyak nang iyak dito kasi 'di pa rin ako makapaniwala sa nangyari. natatakot ako sa bangkay niya pero gusto ko siya makita.
naramdaman ko lang naman na niyakap ako ng boyfriend ko kaya napayakap nalang ako ng pabalik sa kaniya. napakasakit ng nararamdaman namin ngayon. hanggang ngayon, mahirap pa rin tanggapin na wala na si yangyang.
"hindi ko matanggap na wala na siya." naiiiyak kong sambit sa kaniya.
"alam ko, renjun, naiintindihan ko." jaehyun.
tinignan ko naman siya, pinahiran niya naman yung mga luha sa mata ko. nakikita ko ring naiiyak na siya, "we did never know. napakadaya niya."
nung sinabi niya 'yun, napasandig nalang ako sa dibdib niya at patuloy akong umiyak nang umiyak. hinaplos niya lang naman ang buhok ko. napakadaya niya. napakalaki ng tampo ko sa kaniya.
narinig naman naming bumukas na yung pintuan. napatingin naman kami roon, bumilis naman ang tibok ng puso ko.
may lumapit naman na lalaki sa amin, "pwede niyo na siyang tignan." sabi niya.
nakita ko namang napatayo si jaehyun at huminga siya ng malalim, "tara na."
'di ako makapagsalita kaagad. parang kanina na gusto ko siyang makita pero ngayon, parang gusto kong umatras. parang ayaw ko nalang siya makita.
"ayoko." biglang sabi ko. napaupo naman siya bigla at tinitignan niya ako.
"bakit? parang kanina lang na gusto mo siyang makita ah." kalma niyang sambit sa'kin. "alam kong natatakot ka, pero si yangyang naman 'yan. best friend mo 'yan. best friend natin 'yun."
matagal naman akong napatingin sa mata niya. 'di pa rin ako tumigil sa kakahikbi. hinawakan ko lamang ang kamay ni jaehyun at tumayo na ako.
dahan-dahan kaming papalapit sa loob.. parang ayaw kumilos ng mga paa ko. pero pinilit ko pa rin na makapasok sa loob. mas hinihigpitan ko lang naman ang hawak ko sa kamay ni jaehyun.
at nakita ko na siya.
nakahiga.
nakapikit.
nakabarong.
ang lapsi.
patay.
'di ko mapigilang umiyak na naman at 'di ako nagdalawang isip na lumapit sa bangkay niya para yakapin 'yun. 'di ako mapatigil sa kakaiyak dito. patay na talaga siya. ang sobrang sakit na makita siyang nakahiga riyan. na walang buhay.
"ang daya mo! ba't mo 'to tinago sa amin! ang laki ng tampo ko sa'yo, yangyang! ang daya daya mo!" sigaw ko sa kaniya at nararamdaman ko lang naman inalalayan ako rito ni jaehyun.
"ang gago mo tol, napakagago mo sobra! ba't mo kami iniwan?" jaehyun.
"gumising ka yang, 'di ka patay!" naiiyak kong sambit.
habang tinitignan ko siya nang matagal, mas lalo lang naman akong naiiyak. napakasakit dahil kahit ano mong sigaw sa kaniya rito, 'di ka niya maririnig.
napayakap nalang ako rito kay jaehyun. wala na kaming magagawa. nangyari na ang dapat nangyari. ang masakit lang, wala kaming alam. ang akala namin, walang ipinagdadaanan si yangyang.
sorry yangyang, naging manhid kami.
pero bakit umabot sa point na iniwan mo na kami?
wala kaming choice. kahit masakit.. kailangan namin tanggapin 'to.
patay na siya at 'di na siya babalik pa.
---
BINABASA MO ANG
tulay | jaerenyang
Fanfiction❝ wala akong choice, best friend ko naman sila pareho. ❞ 多 TULAY // jaehyun x renjun x yangyang oneshot au ♡ stand alone au | completed ➳ @doieruto <3