Max's POV
Naalimpungatan ako. At pagmulat ko ng mga mata ko ang daming tao sa kwarto ko. Pero teka nga! Bakit ako nandito sa kwarto ko?! Kanina lang nasa kotse ako ah?!
"Milady, ok ka na ba?" - lubos na pag aalala ni Ledo
At nung tinanong nya yun lahat ng tao dito sa kwarto ko dumungaw bigla sakin. Nakahiga pa rin kase ako.
"What happened?" - sobrang naguguluhan ako. Teka nga! Wag mong sabihing panaginip lang yung pag-busted ko kay ---
"Nakatulog ka sa sasakyan. Tapos nung bubuhatin na sana kita naramdaman kong nilalagnat ka. Anong nararamdaman mo?" - sa pananalita ni Ledo alam kong naka'tatay mode' sya
Napangiti nalang ako dahil sa inaasal nya ngayon. At dahil na din sa mga taong andito ngayon sa paligid ko -- ang mga kasambahay at iba pang tao dito sa malaking bahay na to -- Ang mga taong nakasama ko na sa matagal na panahon. Wala man akong magulang, alam kong I'm still blessed dahil merong mga taong nag aalaga at nag aalala sakin.
"I'm fine. Thank you." - sabi ko kay Ledo at nagbigay ng ngiti na nagpapahiwatig na ok lang ako
"Sabi ng doktor mo simpleng trangkaso lang daw yan, dahil sa stress at pagod." - Ledo
"Ganun ba." - yan nalang nasabi ko. Wala naman na kong dapat sabihin pa diba?
"May gusto ka ba?" - tanong ni Ledo sakin na halata pa ding natetense sa mga kaganapan. He's not calm as always kaya I know he's tense
"Quit being tense. Be calm as always, Ledo. I'm fine. Kaylangan ko lang magpahinga." - ngumiti ako at mukhang nakuha naman ni Ledo ang gusto kong iparating
"Alright." - matipid na saad nya
Tumayo na sya mula sa pagkakaupo sa upuan dito sa tabi ng kama ko at sumenyas sya sa iba pang andito na lumabas muna dahil magpapahinga ako. Naintindihan naman nila yun kaya naman nagsimula ng lumabas yung iba. Nginingitian ko nalang yung mga taong tumitingin sakin bago lumabas dito sa kwarto ko.
"Call me if you need anything or feel anything bad, got that Maxine?" - sobrang seryoso si Ledo. At ginamit pa talaga nya ang pangalan ko. Ngayon ko lang ulit narinig mula sakanya na banggitin ang pangalan ko. That move symbolizes na seryoso sya, sobra.
"Opo, Dad." - I answered smiling at dahil sa tinawag ko sakanya napangiti din sya at tuluyan na nga syang lumabas ng pinto.
Pag labas nya napatitig nalang ako sa kisame. Hindi ako madaling tablan ng lagnat. Kung tutuusin nga ngayon lang ulit ako nilagnat, last nung mga panahong kamamatay lang ng mga magulang ko dahil hindi ako kumakain tapos ngayon lalagnatin ako dahil daw sa pagod at stress?! Ganito ba talaga kapag pumasok na ang salitang Feelings sa istorya!?
Cav's POV
Ilang araw ko nang di nakikita si Max, mga dalawa't kalahating araw na. Tss. Eto nanaman ako sa pag-aalala. Tinatawagan ko sya pero walang sagot, puro lang ring ng ring ng ring hanggang sa please try again later. Ang saya diba!? (-__-)
BINABASA MO ANG
The White Demon
Acción(Unedited) ( C M P L T D ) "I was born to protect them, not them to protect me." All she wanted was to live an ordinary life. To fall in love like an ordinary girl. To make friends like an ordinary child. To go to school like an ordinary student. Bu...