MMP-45

12.4K 363 52
                                    

SERENITY's POV:


"Pasensya na, Miss, pero hindi ko alam kung saan siya lumipat."

Bagsak ang balikat ko na naglakad pababa ng apartment na 'yon. Akala ko si Freen na ang dumating pero bagong nangungupahan para sa kwartong 'yon. Ang sabi niya ay kahapon lang siya lumipat at hindi niya alam kung nasaan na ang dating nangungupahan sa kwartong 'yon.

Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko pero isang lugar lang ang alam kong pwede kong puntahan ngayon.

Kinakabahan man sa gagawin ay pumara pa rin ako ng taxi para pumunta sa bahay nila Freen. Alam kong maaari akong makita ng mommy niya pero wala na akong pakialam. Gusto kong makausap si Freen.

Hindi ko alam kung ilang beses akong napalunok habang nakatanaw na sa bahay nila. Nang buo na ang loob ko ay t'yaka ko pinindot ang doorbell.

Medyo matagal bago may lumabas na katulong at pinagbuksan ako. Halata pa sa mukha nito na nagtataka siya kung sino ako at bakit ako pumunta ng ganitong oras.

"Ano pong kailangan nila?" Tanong nito nang makalapit sa akin. Napapagitan kami ng gate dahil hindi ito nito binuksan.

"Nandiyan ba si Freen? Gusto ko siyang makausap." Bahagyang natigilan ang katulong matapos ang sinabi ko. Ilang saglit itong tumitig sa akin bago muling nagsalita.

"S-saglit lang," tila nagdadalawang isip pang tugon nito. Naglakad ito pabalik sa loob habang naiwan naman ako sa labas na naghihintay. Akala ko ay tatawagin nito si Freen ngunit nagulat nalang ako nang makita kung sino ang kasama nito nang lumabas.

"Oh, it's you. What are you doing here, hija?" Nakangiting tanong ng mommy ni Freen nang makita ako nito. Kahit nakangiti siya ay alam kong hindi talaga siya natutuwa na makita ako.

"Si Freen po ang pinunta ko dito. Siya po ang gusto kong makausap," matapang na sagot ko dito. Natigilan naman ito saglit pero agad rin na ngumiti.

"Si Freen ba? I'm sorry, but she's no longer living here. She chose you over us, can't you remember that?" Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis sa mommy ni Freen. Masyado siyang plastic. Alam kong ayaw niya sa akin pero kung makangiti siya sa akin ngayon ay akala mo ang bait bait.

"Ayaw ko pong maging bastos pero nakikiusap po ako, gusto ko pang makausap si Freen kahit sandali lang," sabi ko pa. Pinilit kong makipag usap ng maayos dito kahit hindi ko nagugustohan ang paraan ng pagngiti nito sa akin.

"Why are you looking for Freen, anyway? Did she dumped you already?" Naitikom ko ang bibig ko sa galit dahil sa sinabi nito. Nakangiti pa rin ito sa akin pero alam mong nang iinsulto.

"Well, I won't be surprised. I already warned you, but you didn't listen. A girl like you won't make Freen stay in your life. Just like what I've said, a woman is only for a man."

"Pakiusap, ilabas niyo na po si Freen!" Hindi ko napigilan ang sarili ko at napalakas na ang boses ko. Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano naglaho ang mga nakakainsultong ngiti sa mukha ng mommy ni Freen.

"Rude...that's probably the reason why Freen left you."

Naikuyom ko ang mga kamay ko dahil sa muling sinabi nito. Pumikit ako ng mariin para pilitin ang sarili na maging kalmado.

"Pakiusap...gusto ko pong kausapin si Freen," pagpapakumbaba ko. Nakita ko namang muling gumuhit ang ngisi sa mukha niya.

"How much do you need?" Ako naman ang natigilan sa biglang sinabi nito. Napatingin ako dito habang hindi makapaniwala sa sinabi.

Marry Me, Professor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon