chapter 7

337 19 3
                                    

"Anak! sorry Ang traffic po kasi." — Niyakap ako ni yael at Hinalikan sa pisnge.

"Okay lang po mommy! Aantayin po ba natin si ate?"

"hmm, sabi ng daddy mo sya na daw ang susundo kay ate kaya uwi na tayo." — Kinuha ko na ang bag ni yael at hinawakan sya sa kamay.

"mommy i want Jollibee po.." — my darling is so cuuute!

"sure anak.. dadaan tayo mamaya sa Jollibee bago umuwi. good boy ka naman e."

"opo mommy.. tignan mo po kasi yung hand ko may stars." Tinignan ko yung kamay ni yael and may limang stars nga.

"Oh wow baby!! ang galing galing talaga ng anak ko.."

"mommy sa bahay po ba matutulog si Daddy mamaya?" — nakasakay na kami sa kotse dahil hindi naman malayo ang pinag parkingan ko.

"kung hindi sya busy then yes.. kung busy naman si dad maybe next time!" — nilock ko na yung seat belt nya para safe.

"kapag ba mommy big na ako sa house na ulit si daddy and hindi na kayo mag fa-fight?" —

"honey i don't know.. basta lagi mo lang tatandaan na love na love ka namin ni daddy."

"Edi love mo rin si dad?"

"Ofcourse love ko rin si daddy kasi husband ko sya and daddy nyo. bata ka pa baby e.. Hindi mo pa Maiintindihan."

"hmm, okay po mommy. I Love you too!" — Hinalikan nya ako sa pisnge at Niyakap pa.

"I Love you more sweetie.."

nakauwi na kaming mag ina and surprisingly, andito si samuel sa kwarto namin nakahiga.

"Oh anong ginagawa mo dito?" —

"Medyo sumama kasi Yung Pakiramdam ko kaya dito muna ako umuwi."

"Hi daddy!!" — Niyakap ni yael si samuel. "May sakit ikaw dad?"

"anong masakit?" — umupo ako sa kama at hinipo si samuel. "Mainit ka nga.."

"Yung Ulo ko sobrang sakit kanina pa.."

"kukuha lang kita saglit ng gamot at tubig." — bumalik naman ako agad dito sa Kwarto pagtapos kong kumuha ng gamot at tubig. magkayakap na si yael at samuel.

"mommy pano si ate?" — naalala pa rin nya si ate nya kaya mahal ns Mahal ko itong mga anak ko e. kahit hindi kami okay ng daddy nila nakikita ko na nagmamahalan pa rin.

"kaya nga.. baka antayin ako nun.."

"ipapasundo ko nalang kay victor.. don't worry." —

"hindi na selene.. tawagan mo nalang at ipag book mo ng masasakyan." —

"mas safe Kay victor kesa sa pagbu-book ng sasakyan. Inumin mo na itong gamot o at Magpahinga ka na muna dito sa kwarto. anak ikaw kainin mo na yang chicken mo and yung ice cream matutunaw na." —

"opo mommy.. daddy gusto mo po?" —

"Hindi anak. Kainin mo na."

Natawagan ko na si Victor na pakisundo Muna si Sophie sa School and si Sophie rin nasabihan ko na. para di mabigla na andon si victor sa school at sinusundo sya.

"thank you po sir victor." — sabi ni sophie kay victor bago bumaba ng Kotse.

"Anytime Sophie! You're welcome. hi selene!" — sumakay ako ng kotse para bumeso sa kanya.

"Thank you victor and pasensya na."

"Ano ka ba, ayos lang. anytime Basta kayo. ayos na ba si samuel?"

"Hindi pa nga e. Gusto mo ba munang msg coffee or mag merienda?"

"hindi na po.. andami ko pang pendings. next time?"

"yah, next time.. ingat ka."

Dumiretso kami ni sophie sa kwarto namin ni samuel.

"daddy may sakit ka raw po.." — yumakap rin sya kay sam.

"yah pero wala to.. bukas wala na to. magaling ang nurse ko e." — tinignan nya ako at inirapan ko sya.

"si mommy?" —

"wala nang iba."

"Hay nako.. magpahinga ka na muna diba sabi ko? matulog ka na muna. Magluluto ako Ng soup mamaya para pag pawisan ka. ang init mo pa e."

"yael i think halika na sa room natin.. para makapag pahinga si dad."

"No! No anak okay lang na dito kayo.." — sabi ni Samuel sa kanila.

"yah! Dito nalang kayo babies.." — dagdag ko pa.

"Hindi na po.. halika na yael dali! sige mom, dad sa room na po muna kami." — lumabas na sila at ako tinanggal ko na ang buhol ng kurtina para matakpan ang palubog na sikat Ng araw.

"kukulit talaga ng mga anak mo.." — umupo na ako sa kama. "Siguro gusto lang nila tayong magkaron ng private time."

"mana sayo, makulit ka rin e.."

"wow ha, ikaw yun! Alam ba ni grace na andito ka?"

"Oo nag text na ako. thank you selene for taking care of me. Kahit nung mga nakaraan hindi tayo okay.."

"asawa pa rin kita at tatay ka ng mga anak ko. ang sama sama ko naman kung hindi kita aalagaan ngayong kailangan mo ako." Nginitian ko sya at hinawakan nya naman ang kamay ko.

"ilang sapatos at bag ba?" — napatawa ako sa sinabi ni samuel.

"sira! napaka neto. Umusog ka na nga para makahiga na rin ako." Humiga na rin ako at nag cellphone. "Nilalamig ka ba? Pag Pinatay Naman ung Aircon mainit.."

"Okay lang ba kung yumakap nalang ako sayo?" — Tumango lang ako bilang tugon at Niyakap na nya rin ako ng mahigpit. "bango a.."

"kailan ba naman kasi ako hindi Bumango aber?" — Tumawa sya. "magpahinga ka na. Dito lang ako."

"thank you selene.."

"No worries. sigurado Naman ako kung ako ang nagka sakit aalagaan nyo rin ako ng mga bata."

"lagnat lang! Baka kung anong sakit iniisip mo."

"yah lagnat!! ikaw talaga.."

"hindi mo muna pinapasok si victor?"

"Hindi na. Nagmamadali e. buti nga nasundo si sophie.."

"Kelan pa sya nanliligaw?"

"actually matagal na nya akong gustong ligawan. nung nalaman nyang hiwalay na tayo.. pero ayoko nga muna kasi pero dahil he's doing everything naman just to make me happy edi binigyan ko na ng chance.."

"wow.. mukang nagpapasaya ka naman nya."

"yah.. palabiro naman yun pagdating nga lang sa Trabaho serious. Ay oo nga pala, gusto nyang makilala pa sila sophie and yael kaya magdi dinner sana kami bukas."

"dito sa Bahay?"

"hindi.. sa restaurant. May plans ba kayo bukas ng mga bata?" Umiling lang sya at tinanggal Ang yakap sakin. "Oh san ka?"

"cr lang saglit.."

"ah o sige. dito lang ako.."


Ilang minuto na ang nagdaan pero hindi pa rin lumabas si samuel sa cr.. iihi lang naman sya kaya dapat lalabas na rin pagtapos ng ilang minuto.

Mending heartsWhere stories live. Discover now