Chapter 20

30 7 0
                                    

"Ms. Madrigal, a successful and beautiful young lady."

Napatingin ako sa taong bigla lang binaggit ang apelyido, bakas sa kanyang boses ang pagkamangha. Hindi ko alam kung paano niya ako nakilala. Alam ko namang successful and famous owner ako, pero hindi naman ako nagpapakita sa media at kung sinong paparazzi kaya paano niya ako nakilala.

Ngumit ako ng matamis at tumingin sa isang matandang babaeng may hawak na shot glass. Nakatayo siya sa isang gilid na para bang pingmamasdan niya ang kung sino mang dumaan dito sa mismong gitna. Hindi ko maipaliwanang kung ano bang kalseng ngumit yun. Nakakainis kasi.

"Yes?" Magalang ang aking boses.

"So, that's you." Sarkastiko siyang tumawa ng mahina.

Hindi ko alam kung anong nakakatawa dun, pero hinayaan ko nalang siya at hindi pinansin. Bakit parang may galit siya sakin? Ako lang ba ang nakapansin o guni-guni ko lang yun? Ah basta, hayaan kona nga lang.

"Yes, that's me," I said with a smile.

"You look like your mother, and I---" She didn't finish what she wanna say. When suddenly, someone spoke from our side.

"Mom..." I can see how dark Sean's face is while looking at the woman in front of me.

"Stop it." Ramdam ko ang lamig sa kanyang boses ng banggitin niya ang bawat salita.

Mom? Hindi ko alam na nanay na pala itong kaharap ko. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Kita ko naman ang isang ngiti sa labi ng nanay ni Sean. Wala akong alam sa kanilang dalawa, kung may pag-aaway pa sa kanilang pamily o wala. At wala na akong pakialam tungkol jan.

"Fine, my son." Natatawang sabi nito at tumingin ulit sakin. Tinitigan niya lang ako saglit at tuluyan ng umaalis.

Bumalik ang tingin ko kay Sean na ganun parin ang kanyang itsura. "What was that?" Hindi ko maiwasang maitanong sa kanya.

"Just some family matters." He said and smiled for a little bit.

Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad nalang ako sa may mine bar dito. Alam kong nakasunod siya sakin, dahil naririnig ko ang yapak ng kanyang mga paa. Hinayaan ko siya at hindi pinansin.

Nang makarating ako sa kanilang mini bar ay umupo ako sa stool. "One glass of martina." Sabi ko dun sa lalaking nasa counter bar.

Tumango naman siya sakin at tumalikod, para gawin ang order ko. Alam kong may mga waiter na nagseserved, pero mas gusto ko dito. Rinig ko ang pag-galaw ng upuan sa aking tabi. Alam kong nakaupo siya dun. Hindi ako nagsalita at nanatiling tahimik na para bang hangin lang siya na dumaan.

Nakatingin lang ako sa waiter sa aking harapan habang ginagawa niya ang aking order.

"I'm sorry about my mom, Bella." He suddenly said. Hindi ko man alam kung bakit ganyan sakin makipag-usap yung nanay niya. Hindi ko alam.

Kasabay ng pag-abot sakin ng isang glass ay ang pagbaling ko ng tingin sa kanya. "It's okay, I don't mind." Sabay inom ng alak.

"My mom doesn't like some people," Sean said.

"Oh, I see. The party hasn't started yet?" I asked him.

"2 minutes more." At tingin sa kanyang mamahaling relo. Tumango nalang ako at hindi nagsalita. Naging tahimik lang kaming dalawa. At tanging ingay't usapan ng mga bisita ang aking naririnig.

Wala pa atang 2 minutes ng biglang namatay ang lahat ng ilaw saglit. At biglang tumapat sa mismong stage ang spot light. Isang lalaking naka black suit ang may hawak ng microphone.

"Good evening, ladies and gentlemen."

Mabilis na nagsipag-tipon ang mga bisita at naagaw ang kanyang attention sa harapan. At ganun din kaming dalawang ni Sean. Tahimik lang akong nakatingin sa lalaking yun at nakikinig sa ano man ang kanyang sasabihin sa harapan.

Amaya Series #2: Her Missing PieceWhere stories live. Discover now