Two

110K 1.6K 319
                                    

___________________________________________

Saang school ka ba?

Okay ba dun sa inyo?

Ako kasi naiinis na hindi ko lang masabi-sabi.

Ilang beses na din kasi akong palipat lipat ng schools. Ilang private schools na ba ang napuntahan ko? Halos pangatlong lipat ko na to ata ngayon. Sa Brent International School ako nagpreparatory. Pero bago nun, sa International School sa Manila ako. Wala namang pinagkaiba. Sobrang mahal daw ng tuition dun. Lagi sinasabi ng mga pinsan ko yun kaya daw dapat mag-aral ako ng mabuti. At dahil International, malamang daw makikigaya ako dun na maarte magsalita. Alam ko namang kaya talaga ni Mama yun kahit ganun kamahal. Kaya nga siya nangibang bansa at iniwan ako diba?  Para ibigay lahat ng layaw na gusto ko. Napasimangot na naman ako ng wala sa oras. Tss.

Ang apat na pinsan ko naman, sa UST lahat nag-aaral. Ako lang talaga ang sa Brent. Bakit hindi ba mahal dun? Hindi ba private din naman yun? Naranasan ko na din ang all girl school from grade one to grade three at nadisappoint lang si Tita. Narinig niya kasi sa mga pinsan ko at sa mga yaya ng kaklase ko na kadalasan, nagkakagustuhan ang mga babae dun, natakot tuloy siya. Baka mapollute daw utak ko. Lalo at sila Kuya pa yung barkada ko madalas. Hindi kasi ako masyadong palakaibigan sa school. Pano ang aarte nila. Papansin pa. Ikaw ba naman maririnig mo sa kanila puro kung ano ang paboritong toys? Magkano ang bili? Saan nagbakasyon kasama ng parents? Ano ang bagong uso? Alam mo yun? So vapid. Sarap magbigti minsan. Pero joke lang, sila muna mauna. Hahahaha!

Sumasali din ako sa club sa school ng nasa Assumption ako. Nasa school paper ako. Actually accidentally lang ang pagkakasali ko dito. Wala naman kasing basketball eh. Pano, yung english teacher namin nagpagawa ng activity. Yung parang gagawa ka daw ng last will testament mo. Late na nga akong nagpass eh. Pero natuwa pa siya sa gawa ko. Ang lalim ko daw. After nun pinasali na niya ako sa school paper kasi siya ang adviser ng club. Ewan ko nga bakit natutuwa sila sa mga gawa ko. They look like trash to me. Pero sige lang, kanya kanyang paningin naman yan eh. Ayoko na lang magsalita.

Kaya naman nung nagpasya sina Tita Ayessa na ilipat ako sa UST ng maggrade four ako, kung saan nag-aaral sila Kuya, sobrang saya ko talaga. Co-ed pala ibig sabihin pag my babae at lalaki kang kaklase. Sa Brent co-ed din naman kaso may mga kaklase akong half. Half german, half shepherd, half chinese, half garter, yung ganun? Hahahaha.

Minsan hindi ko na maintindihan mga pinagsasabi, parang maloloka ako. Iba't ibang lahi kasi kung si Tita pa. Puro pa mga hyper. Akala ko nga pag anak ng mayaman may finesse gumalaw, naku, madami din pala ang balahura dun? Dun ko natutunan ang magmura ng sosyal, sabi ni Kuya Justin. Pano isang araw inutusan niya ako. Imagine ha, inutusan. Eh apat naman ang maid sa bahay. Ba't hindi na lang yaya ko? Di ba? Nakakafrustrate lang. Hays.

"Louie," Kuya Justin.

"Po?"

"Kunin mo nga ang charcoal ko sa kwarto, nasa pencil case na blue, nasa ilalim ng bed," sabi nito ng hindi tumitingin. Naglalatag ito ng drawing book.

"Charcoal? As in uling Kuya?"

"Hindi, pencil yun. Magdo-drawing ako dali na," sabi nito.

Miss AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon