Hindi niya naitapos ang sasabihin niya nang masampal ko siya ulit. "Wala na talagang kasing kapal ang mukha mo! Ginamit mo pa talaga si kuya?! Ganyan ka na ba talaga ka disperada, ah?! P*tang-ina ka!"
Sasampalin niya sana ako pero kaagad na sinangga ni Aljun ang kamay niya at nakita ko pa kung paano ito pabatong binitawan. "Marunong kang mahiya. Huwag mo masyadong kapalan iyang mukha mo," wika ni Aljun.
"Fine! Total naman, matagal ko na itong hinihintay. Nahihirapan na rin akong pakisamahan ang mga 'low class'." Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa pabalik. "Better na ipa-abort mo na rin iyang baby mo. Magpapakasal na kami sa ama nang dinadala mo," nakangising aniya na parang kampon talaga ng demonyo saka tinalikuran kami at umalis.
Buong tiwala ay binigay ko kay Lely. Hindi ko siya tinuring na kaibigan lang, kundi para na rin siyang isang kapatid. I can't even imagine na nagagawa niya ito sa akin. Anong nangyari sa kanya? Bakit ba niya ito nagawa sa 'kin?
"Hazel, tahan na. Bawal iyan sa baby mo." Iginaya pa ako ni Camille na makaupo rito sa kama.
"N-Ngayon ko lang nalaman na buntis ka pala."
Napatingin naman ako kay Aljun matapos niya itong sabihin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o ano ang isasagot ko sa kanya.
"H-Hazel, puntahan ko muna sila tito at tita. Inaasikaso kasi nila ang charges mo," aniya at tanging tango na lang ang isinagot ko sa kanya.
Isang nakakabinging katahimikan ang namutawi sa amin ni Aljun sa loob nitong kwarto. Tanging ang paghikbi ko lang ang siyang nagbibigay ng kaunting ingay.
"Hindi pa alam ni Miguel na buntis ka?" tanong niya sa akin at umiling lang din ako.
"I-Iyon sana dapat naming pag-uusapan. A-Akala ko kasi magagawan niya ng paraan iyong engagement niya. Nangako siya, eh. Ito naman akong tanga na umaasa."
Narinig ko naman siyang bumuntong-hininga. "So, anong plano mo?"
Umiiling ako habang pinapahiran ang mga luhang ayaw tumigil sa pagtulo. "H-Hindi ko alam."
Minahal ko siya ng buo. Tinanggap ko siya sa buhay ko. Hindi ko alam kung paano ko kalimutan ito lahat at simulan ang panibagong yugto ng buhay ko. Nahihirapan ako. Nasasaktan ako nang subra-sobra pero bakit pakiramdam ko ang hirap pa rin bumitiw? Bakit ang hirap niyang burahin sa isip at sa puso ko? Nahihirapan ako kasi nasanay akong nandiyan siya palagi sa tabi ko.
"Camille, ba't mo nalaman iyong mga plano ni Lely?" tanong ko nang makauwi na kami rito sa bahay.
"Bestfriend ko ang secretary niya. Hindi alam ni Lely iyon pero alam ng secretary niya na hindi kami in good term." Sumandal pa siya sa railings at humarap sa akin. "One time, nagkayayaan kaming mag-out of town. Ayun na nga, habang nasa byahe kami ay napunta sa usapan namin ang walang-yang amo niya. And then bukingan na."
Nagkwento pa siya nang nagkwento. Nalaman nga niyang may plano si Lely pero hindi naman niya alam na si Miguel pala ang pinagplanuhan niya. Sa isip ko ay may tanong pa rin kung bakit iyon nagawa ni Lely. Bakit niya pinabagsak ang kompanya nila Miguel at pinagplanuhang tulungan lang ito kung magpapakasal sa kanya?
"Ang tanga ko. Hindi ko man lang iyon napansin," dismayadong usal ko na lang.
HINDI ko magawang tumawa at ngumiti man lang kahit na ilang araw na ang nakalilipas. Palagi akong nasa kwarto at wala ibang ginagawa kundi ang humiga at walang tigil na tinatanong ang sarili kung anong nagawa kong mali at pagkukulang. Sa mga nagdaang mga araw ay wala na rin akong balita sa mga taong nakapaligid sa akin. Nalulunod na ako sa mga trahedyang nangyari at hindi ko alam kung paano iahon ang sarili ko.
"Hazel, may gustong kumausap sa iyo," bungad ni Camille nang makapasok siya rito sa kwarto.
"Pagod ako, Camille." Nakapikit ako at tinatamad na imulat ang mga mata. Pero wala akong natanggap na sagot sa halip ay naaamoy ko ang pamilyar na mint scent kaya ako nagmulat. Si Aljun nga talaga.
"I'm sorry dahil pumasok ako kahit hindi pwede," malumanay na sabi niya at huminto sa gilid nitong kama. "Nag-aalala na 'ko. Araw-araw akong pumunta rito kaso palaging sinasabi ng mommy mo na nagkulong ka raw rito sa kwarto mo."
Hindi ako sumagot sa halip ay nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya. Alam kong pumupunta siya rito araw-araw dahil iyon ang sabi ni Camille. "Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko," nawawalang pag-asang sambit ko habang nakatingin pa rin sa bintana.
"Huwag mo kasing ikulong ang sarili mo rito. Baka makasasama pa iyan sa baby mo. Gusto mo pumunta tayo sa isang lugar kung saan makakalimutan mo pansamantala ang mga problema mo?" biglang alok niya sa akin.
Napatingin naman ako sa kanya. Hindi ako makapaniwalang nandito siya ngayon sa tabi ko. Trying to help and trying to find ways para makalimutan ko ang sakit na dinulot sa akin ni Miguel at ni Lely.
YOU ARE READING
Bloom After The Dark
RandomCOMPLETED Ysabella Hazel Castro. A.K.A The Love Explorer. Nabigo, umasa, umibig muli. Hoping for an endless love. She's a woman who always choose to be strong. Madaming beses siyang nadapa, binigo, pero still wants to stand again and fight the battl...
CHAPTER 33
Start from the beginning