CHAPTER 31

1 0 0
                                    

Bumili ako kahapon ng tatlong pregnancy test at nasagot na nga ang katanungan ko. Kaba at takot ang siyang nararamdaman ko ngayon dahil hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa pamilya ko lalo na kay Miguel. Hindi ko alam kung mabuting paraan ba itong aking naiisip. Yayayain ko silang mag-family dinner at doon ko na lang sasabihin. Pero pinangungunahan na ako ng takot.

What if hindi nila ito matatanggap? What if gagawa sila ng paraan para mapanagutan itong dinadala ko? What if malalaman na rin nila iyong sitwasyon namin ni Miguel?

"Hazel? Are you there?" Napakunot ang noo ko nang marinig ang katok sa pinto at hindi ko malaman kung kaninong boses ito.

"Sino iyan?" tanong ko rito habang papalapit sa pinto pero bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang mapagbuksan ko na ito. Hindi ko kasi inaasahan ang presensya niya. "Camille?" Nanatili lang akong nakatayo rito sa pinto. "Bakit ka nandito?" tanong ko pero hindi iyong tipong nakaka-offense.

Dumeritso pa siyang pumasok. "Pwede ba 'ko makapag-sleep over dito?" Umupo pa siya sa kama ko at parang chini-check ang kumot saka unan. "Nagalit kasi sa 'kin ang mommy ko and hindi ko alam kung saan ako pupunta."

Hindi ko alam kung anong pumapasok sa kukuti nitong pinsan ko. First time itong nangyari na pupunta rito para tumakas sa mommy niya. Hindi kasi kami close simula pa lang.

"Alam ba ng mommy mo na nandito ka?"

"Syempre hindi. May naglayas bang nagpapaalam?" sarkastikong aniya.

Napailing na lang din ako dahil alam kong ganito na talaga ang ugali niya. "Pwede ba 'kong maki-restroom?"

"Sure," walang nagawang sagot ko dahil hindi pa man ako nakasagot ay naglakad na siya papalapit doon.

"Oh my god! W-What's these?! Positive?!" sigaw niya sa loob ng banyo.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong ang PT na ginamit ko ang nakikita niya. Dali-dali akong tumakbo at binuksan. Tama nga ako dahil bitbit na niya ang tatlong PT.

"A-Akin na iyan, Camille. Huwag kang maingay please?" pabulong na sabi ko saka inilagay sa trashcan ang PT.

"A-Are you pregnant?" aniya at isinara pa niya ang pinto saka binuksan ang gripo para hindi kami marinig. Malalim akong napabuntong-hininga saka tumango bilang sagot. Kita ko sa kanyang mukha ang pagkagulat. "S-Sinong ama ng bata? Si Jayken ba?" sunod-sunod na tanong niya pero umiiling lang ako. "E sino? May boyfriend ka na bang iba?" usisa niya at tumango na lang din ako. "Oh my god!"

"Please, manahahimik ka muna. Huwag mo muna sasabihin sa kanila."

"O-Okay, pero--"

"Mapagkatiwalaan naman kita 'di ba?"

Matunog pa siyang napasinghal. "Of course! Kahit pa tinawag ninyo akong plastic o maarte ay mapagkatiwalaan naman ako. Hindi kagaya ng ibang kaibigan mo na may malalim pa lang sikreto."

Hindi na lang ako sumagot pa at pinatay ko na lang itong gripo saka lumabas nitong banyo. Siguro tama talaga ang desisyon ko na ngayon ko sasabihin sa kanila. Nag-text na rin ako kay mommy at daddy. Si kuya na lang ang hindi ko na inform. Out of coverage area pa talaga siya. Siya nga ang unang tinext ko pero walang reply hanggang ngayon.

"Ang hirap maging tagong preggy, girl. You can't hide that forever. Ano gusto mo? Kapag malaki na saka ka na lang magsasalita?" aniya habang pinapakialaman ang mga gamit kong makeups.

"Sasabihin ko naman sa kanila ngayong gabi," sabi ko habang dina-dial ang number ni AJ. Baka kasi kasama niya si kuya.

"Tsk! Sinabihan pa akong manahimik kanina tapos sasabihin lang pala ngayong gabi." Umiling-iling pa siya. Hindi ko na lang din siya pinatulan pa. Dumistansya ako sa kanya ng kaunti dahil sinagot na ni AJ ang tawag ko.

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now