Kagaya nang sinabi ni mommy't daddy ay inimbitahan ko rin si Miguel na rito na lang maghahapunan. At dahil nga may pagka-chef itong boyfriend ko, nagpresenta talaga siyang magluto. Unang niluluto niya ay itong Braised Chicken, kasunod ay ang 20-Minutes Spaghetti Carbonara tapos ang last naman Thai Red Curry Shrimp. Ginawa ko na tuloy siyang taga-luto rito samantalang ako, ito sitting pretty lang at tagatikim sa niluluto niya. Si yaya naman ang kanyang taga-assist. Tutulong sana ako kaso hindi talaga ako papayagan ni Miguel. Tinutukso pa nga kami ni yaya kaya nahihiya na ako.
"We're home!" sigaw ni mommy at napalingon naman kaming tatlo.
Kaagad naman akong lumapit sa kanila. "Hi mommy!" bati ko sabay halik. "Hi daddy!" bati ko rin at bumeso.
"Hello po, tita, tito!" bati rin ni Miguel kasabay ang pagmano.
"Magandang gabi po, madam, sir!" ani yaya naman.
Naagaw naman kaagad ang atensyon nila nang maamoy ang niluluto ni Miguel. Hindi pa nakatiis si mommy at lumapit talaga siya ro'n para tikman. "Ate, ang sarap naman nitong luto mo! Ba't ngayon mo lang 'to ginawa?" sabi ni mommy at tumikim pa ulit.
"Hindi po ako nagluto niyan, madam. Si sir Miguel po ang nagluto lahat ng iyan po," pagsasabi ng totoo ni yaya at bakas naman sa mukha ni mommy ang pagkagulat at the same time parang namangha siyang lumingon kay Miguel.
"Really?" Nanlaki pa ang mga mata ni mommy.
"Opo tita," sagot naman ni Miguel.
"See? 'Di ka kasi naniniwala sa akin, Dane. Miguel is a good chef!" papuri pa ni daddy kay Miguel sabay akbay sa kanya.
Natawa naman kaunti si Miguel. "Honestly wala naman po talaga akong alam sa pagluluto. I'm always relying on internet recipes lang po."
"But you did it so good, Miguel! I'm so impressed!"
"Thank you, tita." Tiningnan pa niya ako sabay taas-baba ng kilay.
"Now I think you got 30 points from me. Feeling ko magkakasundo tayo when it comes to cooking," sabi pa ni mommy at natawa naman kami.
Hindi na nagbihis sila mommy't daddy kasi excited na raw silang kumain. Nang mai-serve na ang lahat ay si daddy naman ang nag-lead sa prayer namin. Pagkatapos ay masaya na kaming kumakain lahat. Sobrang sarap sa pakiramdam na magkasabay kami tapos puno ng tawanan at ang saya rin kasi sobrang wini-welcome nila si Miguel.
Sana ganito na lang palagi. Sana habambuhay na lang ganito.
"This is the first time na nabubusog talaga ako. As in full stomach talaga." Hinihimas-himas pa ni mommy ang tiyan niya. "Si tito Carlos mo kasi, bihira lang akong ipagluto. Hindi rin ganito kasarap ang luto niya to be honest lang," dagdag pa ni mommy at palihim naman akong natawa.
"Wow! Seriously, Dane? How come that you don't like my dishes? As far as I remember, you always asked me to cooked lalo na iyong time na pinagbubuntis mo si Jensie."
"Carlos, naglihi ako no'n and that is why it tasted delicious. Pero no'ng nanganak na 'ko? I don't think so," sabi naman ni mommy na sinabayan pa niya ng tawa. "But don't worry, honey. It's really appreciated naman."
Pinagsabay namin ang kain at kwentuhan. Hanggang sa natapos na kaming kumain ng desserts at napagpasiyahan kong pauwiin na si Miguel kasi nga gabi na. Delikado sa daan kapag gabi na. Sabi kasi niya ay sa kanila siya uuwi at hindi muna sa condo unit ni kuya.
"Babe, ang aga pa. Please give me 5 hours more." Para pa siyang bata na nakanguso at nagmamakaawang pagbibigyan ko.
"5 hours? Hindi pwede iyon kasi ayokong gabihin ka. Ang layo pa ng bahay ninyo."
YOU ARE READING
Bloom After The Dark
RandomCOMPLETED Ysabella Hazel Castro. A.K.A The Love Explorer. Nabigo, umasa, umibig muli. Hoping for an endless love. She's a woman who always choose to be strong. Madaming beses siyang nadapa, binigo, pero still wants to stand again and fight the battl...