Three days past and nothing weird happened naman. Iyong sinabi ni Miguel na magpapanggap akong girlfriend niya, I guess, it was just a joke. I feel a little bit relieve kasi hindi niya itinuloy ang sinabi niya. Tatlong araw ako rito sa bahay na hindi lumalabas at parati ko lang siyang kasama rito. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw niyang sumama kahapon kina kuya na naghahang-out. Pansin ko kasing palagi lang siyang tutok sa phone at laptop niya. Ayoko namang mang-usisa kung anong ginagawa niya dahil baka isipin niya na chismosa ako.
"Ano gawa mo?" biglang sulpot ni Aljun.
"Wala naman," sagot ko saka nag-angat ng tingin sa kanya.
"Halika rito."
Sumunod naman ako sa kanya papunta sa balkonahe at nakita kong may hawak siyang gitara. Sinenyasan pa niya ako na umupo at sumunod naman ako. Aaminin ko na ang gwapo niya habang nakahawak ng gitara. Parang nasa kdrama lang ang sitwasyon.
"Have you tried playing this one?" tukoy niya sa gitara.
Umiiling naman ako. "Hindi pa pero kung tuturuan mo ko," nakangiting wika ko.
He smiled at me sweetly. "Sure! Halika ka, tuturuan kita ng basic muna."
Napangiti ako ng sobrang lapad dahil sa wakas may alam na rin ako sa gitara at tatayo na sana ako para lumipat sa tabi niya nang biglang tumunog ang phone ko sa bulsa. Kaagad ko naman itong kinuha at nagdadalawang-isip pa akong sasagutin ang unknown caller.
"H-Hello," sagot ko sa linya pero walang nagsasalita. "Hello? Sino to?" tanong ko rito pero wala pa rin akong nakuhang respond galing sa kabila. "Hello—" Bigla na lang niyang pinatay ang linya kaya mas lalo akong nagtaka. "Pinagti-tripan ba ko nito o ano?"
"Baka wrong call lang iyon. Minsan kasi talaga may mangyayaring ganoon," wika ni Aljun at iniisip ko naman na baka ganoon nga ang nangyari.
"Sige na, turuan mo na lang ako."
Ibibigay na sana ni Aljun sa akin ang gitara nang bigla na namang tumunog ang phone ko at same caller pa rin. Ayoko sanang sagutin kaso sinenyasan naman ako ni Aljun na sagutin ito.
"Hello?" malumanay pa ring sagot ko. "Sino po ba to?"
"Dont you dare try to cheat on me, Bell." Parang ang lamig ng boses niya at sigurado akong kilala ko ito. Napatingin ako kay Aljun na ngayon ay nakatingin lang din sa akin. "Stay away from him, or else—" Kaagad kong pinatay ang linya kaya hindi niya naitapos ang kanyang sasabihin.
"Sino iyon?" tanong sa akin ni Aljun.
"W-Wala," mautal na sagot ko. "Aljun sa susunod na lang siguro. Biglang sumama ang pakiramdam ko eh," sabi ko saka iniwan siya roon sa balkonahe.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at parang pinagpapawisan na rin ang aking mga kamay. Hindi ko kasi inaakala na itutuloy ni Miguel ang sinasabi niyang magpapanggap ako bilang girlfriend niya kahit hindi ako pumayag.
Dali-dali akong uminom ng isang basong tubig at nang maubos ko ito ay bigla ko na lang nabitiwan nang makita ko si Miguel na papunta rito. Basag na basag ang baso at ang mga bubog nito ay napunta pa sa paa ko. Ngunit napasinghap na lang ako nang hangin nang bigla akong buhatin ni Miguel at dinala ako rito sa couch. Tila nanigas ang aking buong katawan nang pinaupo na niya ako saka pa siya bumalik doon sa kusina.
"Bell, are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Aljun at nagsilapitan naman sila AJ at kuya.
"Bell, ano na namang nangyari sa 'yo?" galit na tanong rin ni kuya.
"Sorry, hindi ko sinasadya." Nag-iwas ako ng tingin sa kanila.
Rinig ko pa ang pagbuntong-hininga ni kuya saka umalis. Maya-maya lang ay bumalik siya dala ang medicine kit. Ngayon ko lang napagtanto na may kaunting sugat pala ako sa paa. Habang ginagamot ni kuya ang maliit na sugat sa paa ko ay nanatiling kay Miguel lang ang aking paningin. Mag-isang iniligpit ang mga bubog sa sahig at pagkatapos nito ay winalisan na niya.
"Bell, okay ka lang ba talaga?" tanong sa akin ni Aljun at tumango lang ako bilang sagot. "Kanina kasi sinabi mo sa akin na masama ang pakiramdam mo."
Nakita ko naman si kuya na nag-angat ng tingin sa akin. "Magsabi ka sa akin ng totoo, Bell."
"O-Okay lang talaga ako, kuya." Napanguso na lang ako dahil halata talaga sa mukha ni kuya na galit siya.
"Bell," nagbabantang ani na naman ni kuya
"Kuya, it was just an accident. Nabitiwan ko lang talaga iyong baso."
Iniligpit pa niya ang mga gamot at saka tumayo. "O baka takot ka na tatawagan ko si mommy para pauwiin ka?"
"Kuya naman eh! Aksidente nga lang," pangangatuwiran ko pa at sininghalan niya lang ako saka umalis.
Aaminin ko, takot talaga ako kay kuya kapag galit siya. Parang mas naging istrikto pa kasi siya kay daddy. Si kuya kasi kapag galit ang hirap ng lapitan, iyong tipong hindi ka na niya kakausapin hanggang sa hindi ka magso-sorry mismo sa kanya.
"Be careful next time," biglang sabi ni Miguel at kaagad ring nagtungo sa kwarto nila.
Narinig ko pang tumikhim si AJ kaya napaangat ako ng tingin. "Bell, okay lang iyon. Bad mood kasi iyon kanina pa."
Pilit lang akong ngumiti sa kanila. "Excuse me," sabi ko saka tumayo at pumasok dito sa kwarto ko.
Twenty two years old na nga ako pero ganito pa rin ang trato sa akin ni kuya kapag nagkamali ako. Sanay naman na ako sa ugali niya pero sa tuwing magagalit siya sa akin ay hindi ko maiwasang magtampo o maiyak. Pumunta nga ako rito para mawala iyong pagkabagot ko. Hindi ko rin naman alam na pupunta rin pala rito ang mga kaibigan niya. Lalo na iyang Miguel na yan, kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. I really want to kick his ass so hard. Iyong tipong mapapaisip siya na lumayas na lang dito.
YOU ARE READING
Bloom After The Dark
RandomCOMPLETED Ysabella Hazel Castro. A.K.A The Love Explorer. Nabigo, umasa, umibig muli. Hoping for an endless love. She's a woman who always choose to be strong. Madaming beses siyang nadapa, binigo, pero still wants to stand again and fight the battl...