CHAPTER 4

3 0 0
                                    

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa malaking problema ko. Mabuti na lang at pumayag si Lely na manghihiram ako sa kanya ng pera pangdagdag.

"Good morning, Bell!" bati sa akin ni Aljun.

"Good morning," bati ko rin sa kanya.

Lumapit naman siya sa akin at nakitingin sa niluluto ko. "Amoy pa lang mukhang masarap na."

"Sus! Scrambled eggs lang naman to," sabi ko.

"Kahit na. Alam ko namang masarap talaga yan kasi ikaw nagluto." Inamoy pa niya ulit ang niluluto ko. Ichusero rin ito, eh!

Inihain ko muna itong pang-almusal namin at saka kinuha ang ibang pagkain para ilagay sa mesa. Inihanda ko na rin ang mga plato at kubyertos. Si Aljun na rin ang inutusan kong gigising sa kanila. Maya-maya lang ay nagsilabasan naman ang mga ito. Nauna si AJ at pansin kong bagong gising pa lang talaga siya. Samantalang si kuya at si Miguel ay parang katatapos lang maligo.

"Sigurado akong mabubusog talaga ako ngayon," wika ni Aljun habang sumusubo.

"Bakit naman?" parang wala sa mood na sambit ni kuya.

"Kasi si Bell ang nagluto at sobrang sarap."

Natawa naman ako ng kaunti. "Bolero ka talaga."

"Hindi naman—"

"Huwag kang maniwala riyan kay Aljun, Bell. Lahat ng babae ginaganyan niya," sabat ni kuya dahilan para hindi maituloy ni Aljun ang kanyang sasabihin sa halip ay napanguso na lang ito habang sumusubo.

"Grabe ka naman sa akin, Jensie. Parang hindi naman tayo magkaibigan," pagmamaktol ni Aljun.

"Tigilan mo na kasi itong kapatid ko."

"Friends lang naman kami, Jensie. Ang malisyuso mo talaga," parang nagtatampo pa kunwari si Aljun.

"Basta wag itong kapatid ko." Naging tunog strikto na ang tuno ng pananalita ni kuya.

"Paano kung mafa-fall kami sa isat -isa?" maya-mayang sabi ni Aljun dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Di ba, Bell?" Nakangiting tumingin pa siya sa akin at pilit na lang din akong ngumiti pabalik sa kanya saka nag-iwas ng tingin.

"Kapag sinabi kong hindi. Hindi talaga." Bahid ang seryoso sa mukha ni kuya.

"Joke lang naman, bro. Ikaw naman hindi na mabiro." Kaagad na bawi ni Aljun at tinawanan naman siya ni AJ.

"Wala ka pala kay Jensie, Aljun." Tinapik-tapik pa ni AJ ang balikat niya.

Nag-aasaran lang sila hangang sa matapos kaming kumain. Si Aljun na rin ang nagpresenta na maghuhugas ng mga pinagkainan namin. Maya-maya lang ay napagdesisyunan na namin ni Miguel na umalis. Syempre kotse niya ang ginagamit namin.

"Hintayin mo muna ako rito. May pupuntahan lang ako saglit," sabi ko kay Miguel nang makapasok kami rito sa Mall.

"Bumalik ka kaagad," wika niya at tanging tango lang din ang isinagot ko.

Minsan ko pa siyang liningon habang naglalakad ako papunta sa lugar kung saan si Lely. Ang daming tumitingin sa kanya na mga babae. Iyong iba ay palihim pa siyang kinuhanan ng picture. Tsk! Artista lang ang datingan?

"Bell!"

Napalingon ako sa bandang kanan nang marinig ko ang boses ni Lely na tinatawag ako kaya kaagad naman akong lumapit sa kanya. "Kanina ka pa ba rito?" parang nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now