Kabanata 14
Mine
-"Nox, tigilan mo nga yang ginagawa mo. Kanina ka pa ikot ng ikot. Ako ang nahihilo sayo eh"
Huminto ako at ipinantay ang mukha kay Skylar. "Sky... I'm going crazy"
"Matagal kanang baliw" pagtatama niya sa sinabi ko.
"No, you don't understand..." i protested.
"Then make me understand. Ano bang problema?"
Huminga ako ng malalim bago tuluyang nagsalita. "Medium Class. Nilipat ako sa Medium Class"
Nanlaki ang mata niya.
"What?! Really?! Oemjiii!!! Congrats Nox! I'm so proud of youuuu" sabay hampas sa balikat ko.
I rolled my eyes heavenwards. "And to let you know, I'm in a big trouble."
"H-huh? But why?" yung kaninang ngiti sa mukha niya ay napaltan ng pagtataka.
Napasapo ako sa noo ko. "God. I can't believe na ako pa ang magpapaalala sayo. C'mon Skylar. Think."
Her brows furrowed. "Wait...don't tell me..." napatapik siya sa bibig niya. "Oh.. my.. gosh.."
"Now, tell me. Masasabi mo pa bang congratulation ang mga nangyayari sakin ngayon?"
Umiling siya.
"E-eh ano nang balak mong gawin ngayon?"
"Maghihintay ng milagro" tuluyan na akong napaupo sa sahig. Nai-istress na anh buong lamang lupa ko. Hindi ko alam yung dapat kong gawin.
This is not happening right?
"Wala ka parin bang natutuklasan na kahit anong kapangyarihan mo? As in wala talaga?" aniya.
"Wala talaga, wala akong maalala" iniuntog-untog ko yung ulo ko sa gilid ng bed. Gusto ko nang maiyak. "How come na malilipat ako sa isang Medium Class nang hindi ko manlang nalalaman ang totoong kapangyarihan ko? I'm a mess. "
To think na pagkalipat na pagkalipat ko pala sa medium class, eh ang sya namang pagkakaroon ng practical examination which is iba-base yung grades mo sa kapangyarihan mo. Like..hello?! Wala po akong kapangyarihan! Tsamba lang lahat nang nangyayari sakin.
"Don't worry, gagawan natin yan ng paraan. Magagawan yan nang paraan"
Sana nga. Sana...
Nandito ako ngayon sa dining hall. And yea, napapadalas nga ang pagpunta ko dito. Masarap kasing kumain. Magandang maging hobby.
Umupo ako sa isang malaking bakanteng table. At dahil nag-iisa lang naman ako at walang kasabay, pinuno ko ang hapag nang iba't-ibang klase ng pagkain. Karamihan ay sweets. Sobrang paborito ko kasi ang mga iyon, lalo na kung solo ko itong kinakain. Mas ginaganahan kasi ako. Walang istorbo.
Kalahati na nang nakalapag ang nakain ko. Siguro para sa normal na tao ay kabag ang abot ng ganito kadami, pero hindi kasi ako normal-i mean yung tiyan ko ang hindi normal. Kahit yata hainan mo ako ng tambak-tambak na pagkain ay hindi parin ako mabubusog.
Habang busy ako sa ginagawa kong paglamon ay naramdaman ko ang presensya ng isang lalaki sa harapan ko. Hindi ko lang siya pinansin, pero maya-maya lang ay tuluyan na niyang naagaw ang atensyon ko nang bigla siyang umupo sa bangkuan sa harap ko.
Bumungad sakin ang mapupungay na kulay berde niyang mata. Nangungusap ang mga ito. Hindi ko mapigilang mapalunok ng sunod-sunod.
Inilapag ko sa plato ang kutsara't tinidor na hawak-hawak ko. Sinuklian ko siya ng matatalim na tingin.
"Candic" paunang bati ko.
"Continue" utos niya sa isang baritonong boses. He's referring to what I am doing earlier.
"A-ayokong may nakatingin sakin habang nakain" totoo iyon.
"Deal with it, Equinox. You have no choice. Kapag gusto kong gawin, gagawin ko" he bragged.
Tinaasan ko siya ng kilay "W-what do you want? Sabihin mo na, nang hindi ka nakakaabala sa pagkain ko."
A smile crawled into his face. "I want you"
My jaw drop to what he just said. "Y-you want who?"
"you"
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Gumawa nalang ako ng palusot para di niya mahalata na bigla akong na-awkward. "U-umalis ka nga diyan sa harapan ko. Nawawalan ako nang gana kumain nang dahil sayo eh" sinenyasan ko siya nang alis! sign.
"Uh.. sure. Besides, gusto ko ding umupo sa tabi mo."
What the?
"Landi eh" i mumbled.
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain habang siya naman ay nasa tabi ko na at parang wiling-wili sa pagmamasid na ginagawa niya sakin.
"Kapag ako natunaw sa-"
"Nauna na yung puso ko"
Muntikan na akong mabilaukan sa sinabi niya. Ano ba 'tong lalaking eto? Banat ng banat. Feeling ko tuloy namula ako sa sinabi niya.
"Tapos na? May sasabihin ka pa?" someone said in an arrogant tone.
Teka... Kilala ko ang boses na iyon!
Nilingon ko siya na kasalukuyang nakikipag-sukatan ng tingin sa katabi ko.
"Back out Candic." mariin na sabi niya. Tila nagbabanta. Hindi pa ako nakakapag-react ng bigla na niya akong hinigit palayo. Sinulyapan ko si Candic habang hatak-hatak ako ni Vladd. Huli kong nasilayan ang pagngisi na ginawa ni Griffren.
"H-hey..Bitawan mo'ko!" i protested. Binitawan naman niya 'ko kaagad.
"ANO BANG PROBLEMA MO?!" i shouted. Wala akong pakealam kung may makapansin man sa amin. Ang mahalaga ngayon ay ang mailabas ko yung inis ko.
Humakbang siya papalapit sa akin. Halatang mainit parin ang ulo niya. "I don't like how he looks at you. Layuan mo siya."
Biglang kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya.
"N-no Vladd! He's just being frien-"
"I said layuan mo siya and that's final!" kitang-kita ang pagdilim ng kanyang aura. God! He's crazy!
Tumalikod na siya mula sa akin at nag-umpisang maglakad palayo, pero hindi ko inaasahang magsasalita pa siyang muli.
"I don't share Nox. What's mine, is mine. Tandaan mo yan"
*
BINABASA MO ANG
Morfienn Academy (Under Revision)
FantasyThe past hidden in darkness. Her present cloaked in secrets. The future holds the only truth that cannot be escaped.