Chapter 6.1 ❂ Bahay Kubo

228 23 12
                                    

Hindi ako nag-update one month haha! Dami ganap sa life.

Mag dadalawang buwan simula nang maadmit ako sa emergency room, nabigyan na ako sa wakas ng greenlight upang makaalis ng ospital.

I think they made me stay longer than necessary, just to be sure about my condition. But it might also be related to other things, katulad ng media.

Maluwag na shirt at jeans ang suot ko palabas ng ospital. Binigyan din ako ni Yumi ng makapal na sunglasses at malaking sumbrero, pati face mask, upang takpan ang mukha ko. Kung hindi dahil sa mga nakauniporme kong mga apid, pati mga bodyguard, hindi ako maiiba sa mga dumadaan sa hallway ng ospital na ito.

Daig ko pa yung mga K-Pop star sa internet pag pupunta ng airport. Parang parada ng VIP. Maliban sa doctor at nurse na naging responsable sa pagpapagaling sa akin, wala ni isang anino ng ibang tao akong nakita habang dumaan kami.

Medyo nahihiya ako. Gaano kalaking abala kaya ang dinulot ko dahil lang papalabas ako ng kwarto?

But I couldn't really complain about this arrangement. Magdadalawang buwan pa lang since naaksidente ako. At dahil pinaghihinalaan nilang may foul play na ganap, it was a sure thing they wouldn't lax their security anytime soon.

I think the blame had fallen on the opposition, as they called it. Mga anti-royalists at gustong maging demokratiko ang bansa.

"Agila kay Lawin," irit ng radyo.

Tumingin ako kay Lawin habang binubunot niya ang radyo. "Sige, Agila," sagot niya.

"Maayos ba ang biyahe?"

"Papababa pa lang ang tala sa langit. Maayos ba sa lupa?"

Yaks, cheesy.

"Magulo sa lupa," sagot naman ng radyo. "Hindi namin alam sino ang nagbalita, pero maraming bubuyog na umaaligid. Mag-ingat kayo sa daraanan, baka may isang magawi."

"Mukhang maraming mga reporters sa baba, Dayang Dayang," sabi niya. Lumingon siya sa 'kin, pero hindi niya sinalubong mga mata ko.

"Makakasalubong ba natin?" tanong ko.

"Sa loob ng ospital, hindi po," sagot niya. "Pero hindi natin masasabi. Masyado silang mautak. Paminsan-minsan may nakakalusot, madalas nagpapanggap bilang janitor o siguro kung ano. Mahigpit naman po kami ngayon, kaya 'wag ho kayo mag-alala."

Tumango ako.

"Pero po baka dumugin ang sasakyan palabas ng ospital," tuloy niya. "Tinted naman po ang mga bintana, pero iiwasan niyo na lang pong lumapit dito upang hindi kayo mapahamak sakali."

Tumango ako ulit habang pumaharap kami sa elevator. Wala naman ako ibang masasabi kaya minabuti ko na lang na tumahimik. Anyway, may tiwala naman ako kina Lawin.

Matiwasay ang lakad namin papalabas. Buti nga hinayaan nila akong maglakad—dahil kulang na lang itali nila ako sa wheelchair upang mahila. They didn't want me to walk at all.

It was a little ridiculous from a certain perspective. Pero kung tutuusin, compared sa mga sinaunang binukot na kinakarga dahil hindi pwedeng tumapak ang mga paa nila sa lupa, buti hinayaan nila akong maglakad mag-isa. Marami na rin kasing pinagdaanan ang mga sinaunang binukot. Marami rito...mahirap masikmura.

Siguro kung sa mas makalumang panahon ako nagising, baka ganoon ang mangyayari...buti na lang nasa isang mas modernong taon ako napadpad.

Paglabas namin ng parking lot, may naghihintay na agad na isang BMW sa may bandang pintuan mismo. Mainit ang singaw sa labas kumpara sa air-conditioned na building. Pinawisan ako agad.

Parallel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon