"KAMUSTA KA NA?"

134 4 0
                                    

(NOTE: Please don't steal this poem I just made kasi ito po ang gagamitin namin ng aking partner for our performance task in Filipino tomorrow. I'll edit this once we've finished performing this, upang i-grant ko sainyo ang permission na gamitin ito. THANK YOU!) 



KAMUSTA KA NA?


Kamusta ka na? Congrats dahil sa wakas naka-graduate na tayo ng hayskul

At mga importanteng bagay na rin ang ating hinahabol

Sana naalala mo pa rin ako, pati na rin ang mga pinagdaanan nating dalawa

At huwag mo sanang kalimutan ang matatamis nating mga ala-ala


Kamusta ka na? Ang tagal na diba? Noong huli tayong nagkita

Ngunit, ang pinakahuli at pinakamasakit nating pagkikita

Sa araw na 'yon sinabi mong "pagod na akong mahalin ka, tama na"

Tama, hindi na maibabalik pa ang dating pag-ibig na mayroon tayong dalawa


Kamusta ka na? Balita ko may bago kana raw

Siya'y mabait, maganda, matalino, at palagi mong hinihiling

Siya'y kagaya rin ng isang bulaklak, isang bituin na sa wakas iyong narating

Iyong bagong tahana't mundo, iyong buwan at araw


Kamusta ka na? Sana natandaan mo pa rin ang ating mga pangako

Akala ko, sabay-sabay nating tuparin ang mga iyon

Pero, tingnan mo kung anong nangyari? Iyon ay napako

Natatawa ako, ilusyon lang pala 'yon, at sa iba kana nakipagrelasyon


Kahit masakit, umaasa't nagbabasakaling baka bumalik ka sa akin

Pero malabo nang mangyari 'yon, tiyak puso ko'y iyong wawasakin

Sawa na rin akong pakinggan sa mga salita mong puro kasinungalingan

Lumalamig na ang ating pagmamahalan, hindi na rin tayo nagkakaintindihan


Hindi ko inaasahang ang noo'y matamis nating ngiti

Ay hindi rin inaasahang matatapos sa isang hikbi

Oo, minahal kita ng husto't walang pagsisisi

Pero iniwan mo akong nakalutang sa ere ng walang sabi


Sana ika'y maayos na nagpaalam

Kahit ako'y iyong naiwan, ay klaro't mayroon sana akong alam

At sa lahat ng mga salitang ating binigkas

Rhythm Of Her Emotions: Poems Of ScarletVidiaWhere stories live. Discover now