"Eat more, Arya. You're getting thin," anito nang mapansin na patapos na akong kumain.

"Pero madami na akong nakain. Busog na ako," reklamo ko naman sa kaniya. Marami narin kase iyong nakain ko.

"No, kumain ka pa," aniya at nilagyan pa ang plato ko.

"Aishhh! Busog na nga yung tao, e," pabulong na reklamo ko. Wala akong nagawa kundi kainin na lang ulit ang mga pagkain na inilagay niya sa plato ko.

"I forget to tell you, today's Rhae's birthday. She's throwing a party tonight. I want you to come with me," sabi nito habang nasa pagkain pa rin ang tingin.

"Rhae? You mean si Ma'am Carnell?" Tanong ko sa kan'ya.

"Yeah."

"Pwede ba akong pumunta don? I mean, I'm sure invited din ang ibang professors dito sa school. Makikita nila tayong magkasama."

Huminto siya sa pagkain at nag angat sa akin ng tingin. Nababasa ko sa reaksyon niya na nagdadalawang isip din siya kung isasama pa ba ako.

"..." Ibinuka nito ang bibig niya para itikom lang ulit. Mukang hindi niya alam kung anong sasabihin.

"Ayos lang naman sa akin kung ikaw nalang ang pupunta. Alam ko naman na wala kang gagawing hindi maganda don," sabi ko nalang at ngumiti sa kaniya. Totoo naman iyong sinabi ko. Alam ko na kahit hindi niya ako isama don ay wala namam s'yang gagawin na hindi maganda. May tiwala ako sa kan'ya.

"But I want you to come with me."

"I know. But I can't. Alam mo naman kung anong klaseng relasyon ang meron tayo. We can't be seen together. Pareho tayong mapapahamak," sagot ko sa kaniya.

"I don't care if they will see us together in the party. Hindi naman masama kung makita ang professor at estudyante n'ya na magkasama sa party."

"Pero sigurado akong kahit isa sa kanila ay maghihinala."

"Hindi naman tayo magpapakita ng intimacy sa harap nila."

"Kahit na. Mas mabuti pa rin kung hindi na lang ako sasama. Please understand, gusto ko lang mag ingat. Okay?" Hinintay kong sumagot ito pero hindi ito nagsalita. "Prof?"

"Freen. Call me Freen."

"Okay, Freen. Ikaw nalang ang pumunta sa party ni Ma'am Carnell. H'wag mo na akong isipin, ayos lang naman iyon sa akin. Okay?"

Halata ang hindi pag sang ayon sa mukha niya pero kalaunan ay tumango nalang din ito sa sinabi ko. Gusto ko rin naman sanang samahan siya pero mas gusto kong mag ingat.

Lumipas ang maghapon nang hindi ko nakakausap si Freen. Pag uwi ko sa bahay ay nagtext muna ako sa kan'ya pero hindi s'ya nagreply. Siguro ay busy s'ya o kaya naman ay naghahanda na s'ya para sa pagpunta sa party ni Ma'am Carnell.

Hindi ko maiwasang isipin kung sino ang kasama n'ya ngayon sa party o kung umiinom ba s'ya. Gabi na kase pero wala pa rin akong natatanggap na reply galing sa kaniya. Usually naman ay isang oras lang ang pinakamatagal na hindi s'ya nagrereply. Iyon ay kapag may trabaho o meetings s'ya. Maliban nalang kung tulog na s'ya. Talagang hindi na s'ya makakapagreply. Pero iba naman ngayon, sigurado akong nasa party na s'ya. Kahit isang reply lang sana pero hindi n'ya pa binigay sa'kin.

"Hysst!" Napabuntong hininga nalang ako nang mapansin na maghahating gabi na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Sinulyapan ko ang cellphone ko para tingnan kung may reply na ba sa akin si Freen pero wala pa rin. Ganun ba s'ya ka-enjoy sa party at hindi n'ya na ako magawang replyan?

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko para pilitin ang sariling matulog nalang ng makarinig ako ng busina sa tapat ng bahay namin. Kunot ang noo kong bumangon at lumabas ng kwarto para silipin kung sino iyon.

Ganun ang gulat ko nang makita ang pamilyar na pulang kotse. Galing don ay lumabas si Freen na nakasuot ng fitted dress at mukang lasing. Mabilis akong lumabas ng bahay namin para puntahan ito at alalayan.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko dito habang inaalalayan itong maglakad ng maayos. Namumula na ang mukha nito at susuray suray kung maglakad. Mukang naparami ang inom n'ya.

"I wanted to see you," sagot nito habang nakasampay sa balikat ko ang kanang braso n'ya. Inalalayan ko ito hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay.

"Bakit hindi ka nagsabi na pupunta ka dito? Anong oras na oh? T'yaka tingnan mo nga ang itsura mo. Nagdrive ka pa talaga kahit sobra na ang kalasingan mo?!" Sermon ko dito nang maipasok ko ito sa loob ng kwarto ko. Nakaupo ito sa kama ko habang nakayuko. Mukha s'yang natutulog habang nakaupo. "Paanu nalang kung napahamak ka habang papunta dito ah? Bakit kase uminom ka ng pagkarami-rami?!"

Nag angat naman ito ng tingin sa akin kahit napipikit na Ang mga mata niya. "It's a party, baby. What do you expect me to do? Pray?"

"At talagang pinipilosopo mo pa ako?!" Inis na singhal ko sa kan'ya. "Pwede ka namang uminom pero sana yung tama lang. Yung hindi ka darating dito na susuray suray at halos hirap idilat ang mga mata!" Inis na dagdag ko pa.

Magsasalita pa sana ako pero bigla kong narinig ang boses ni Mama na paparating. "Arya? Sinong kaaway mo?"

Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang dumating si mama. Mukang nagising s'ya dahil sa ingay ko.

"S-si Freen po, Mama. Hindi naman po kami nag aaway, pinagsasabihan ko lang po."

"Freen?" Nagtatakang turan ni Mama nang makita si Freen sa harap ko. "Anong nangyari d'yan?"

"Lasing po."

"Aba'y, bihisan mo muna iyan bago mo patulogin. Punasan mo na rin ang katawan n'ya. T'yaka iyang make up punasan mo. Hubarin mo na rin iyang sapatos at pagkataas-taas naman. Alagaan mo muna iyang nobya mo. Huwag mo nang sermonan at lasing, hindi ka naman n'yan iintindihin," bilin ni Mama bago ito bumalik sa kwarto n'ya.

Ibinalik ko naman ang tingin ko kay Freen na ngayon ay nakangiti nang nakatingin sa akin.

"Anong nginingiti-ngiti mo?" Inis na tanong ko dito pero mas lalo lang lumapad ang mga ngiti n'ya.

"Sit here," anito at tinapik ang lap n'ya.

"Umayos ka, Freen. H'wag mo akong daanin sa gan'yan," hasik ko sa kan'ya pero hindi pa rin nawala ang ngiti sa mga labi n'ya.

"Sit here, baby," ulit pa nito at muling tinapik ang lap n'ya.

"Ayok--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla ako nitong higitin paupo sa kan'ya. "Freen!"

Sinubukan kong tumayo at lumayo sa kan'ya pero niyakap lang ako nito ng mahigpit. Isiniksik nito ang mukha n'ya sa leeg ko na parang bata.

"I love you, baby," bulong nito sa akin.

Naiinis ako sa kan'ya dahil sa ginawa n'yang pagpapakalasing tapos magdadrive papunta dito. Pero ang mga salitang binitawan n'ya ay inalis lahat ng inis ko. My heart suddenly flattered.

"I love you too, love."

Marry Me, Professor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon