Chapter 44

646 41 20
                                    


Wise's POV

"Ini-invite kayo ni mama sa birthday nya. Pwede ka ba?" Tanong ko kay Vee. Tila hindi naman sya makapag salita.

"H-hindi ba parang n-nakakahiya Wais?" Utal nyang tanong. Hahaha, ah unang punta nya sa bahay na PARTNER na kami.

"Haha bakit ka naman mahihiya eh mabait naman si mama. Nakilala mo na sya diba? Pati nga rin si papa kilala mo na." Or ako lang nag assume na magkakilala na sila. Eh kasi nung nakaraang buwan nung umuwi ako dun parang kilala na nina mama si Vee eh.

"H-hindi ko pa sila k-kilala Wais. Nakigamit lang ako ng cr nyo nun. Hindi ko pa sila nakakausap." Nakapagtataka naman. Napakunot nalang tuloy ang noo ko. Pero kahit na ganoon ay gusto ko parin silang isama sa bahay.

"Sige na, birthday naman ni mama eh. Masarap magluto yun. Tiyak magugustuhan mo." Pagpipilit ko sakanya.

"Eeehh ikaw naman kasi! Bakit kinalimutan mo. Wala akong naihandang regalo." Hinampas pa nga nya ako. Para na nga syang hindi mapakali at napapakagat na ng labi. Napangiti ako at hinawakan sya sa magkabilang braso nya.

"Hey, kalma lang. Si mama lang naman yun. Kahit wala kang regalo oks lang sakanya. Ang importante sakanya ay yung makakadalo kayo." Sabi ko.

"Anung lang?! Eh mama mo yun, hello. Agad-agad naman kasi, kasalanan mo Wais. Nakaka-kaba. Baka hindi nya ako magustuhan." Nagpipigil na akong matawa talaga. Why so adorable, love.

"Bakit? Gusto mo bang ipakilala na kita kay mama?" Tanong ko. Eh ang nega naman kasi haha. Pupunta lang naman sya kasi kaarawan ni mama. Gusto ko narin naman syang ipakilala kay mama officially kung papayag sya. Kasi diba, dati ayaw pa nga nyang ipaalam dun sa tatlo at kay coach. Baka kasi ayaw pa nya.

"G-gusto na a-ayaw. Eh kasi paano kung ayaw nya saakin para sayo. Paano kung paghiwalayin tayo?..." hindi ko na napigilang yakapin sya. Tumatalon ata sa tuwa yung puso ko kasi gusto na nyang ipaalam.

Kung alam mo lang Vee...

"Haha grabe love, ang advance mo mag-isip. Pero hindi naman ganun si mama. Trust me." I assured her that. Kaya kung kanina ay hindi sya mapakali, ngayon ay nagiging kalmado na sya at niyakap na ako pabalik. Hinalikan ko nga ulo nya, bango kasi nung buhok. Naaadik na ata ako sa amoy.

"Samahan mo'kong mag mall bukas. Hahanap ako ng pwedeng iregalo sa mama mo." Mahina nyang sabi.

"Okay po. Maghahanap din ako. Nagtampo kasi." Sabi ko sabay napakamot sa ulo. Sya naman ay natawa.

Magka-hawak kamay kaming pumanhik. Hinatid sya sa kwarto nya at pumasok narin ako ng kwarto namin.

Nadatnan ko pa yung tatlo na nagtitiktok. Psh! Hindi ako sinasali.

Uy matagal-tagal narin akong hindi nakapag post sa tiktok ko ah... ito na ata yung time na makapag update ako. Kukuhanan ko sila ng video. Sa'kin yung mga behind the scenes nila, yung result ang kanila.

Makapaghiganti lang hahaha.

"Mga pre, birthday ng mama ko sa Mieyerkules punta kayo ha." Natigil sila sa ginagawa.

"Wow! May handaan paps?"

"Basta may shanghai"

"Pwede ba? Papayag kaya si coach?"

"Magpapaalam ako bukas."

"Yown!" Sabay nilang sabi.

"Pero kailangan daw magdala ng regalo." Mapag-tripan nga.

Breaking Free (VeeWise)Where stories live. Discover now