MMP-14

23.2K 553 47
                                    

SERENITY's POV




Nagising akong wala na si Prof. sa loob ng kwarto ko. Mabilis akong tumayo at inayos ang higaan. Tiningnan  ko din ang itsura ko sa salamin para masigurong hindi s'ya mandidiri sa itsura ko kahit bagong gising ako.

"Good morning." Rinig ko ang boses ni Prof. sa labas ng kwarto ko. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at nakitang sobrang aga pa pala.

"Good morning din po, Ma'am, pasensya na ho kayo sa bahay namin," rinig kong tugon  ni Mama sa sinabi ni Prof.

"There's nothing to be sorry about. Thank you for letting me stay for a night," sagot naman ni Professor Sungit kay mama. Kahit dito sa bahay ay ang professional nya pa ring makipag usap. Pero napairap nalang ako sa isip ko dahil sa sagot nito kay Mama. Parang kailan lang ay tinawag niyang dog house ang bahay namin.

Paglabas ko ng kwarto ay sabay silang napatingin sa'kin.

"Good morning, Arya," bati sa'kin ni Prof. bago bumaba ang tingin n'ya sa katawan ko.

"Mabuti naman at gising ka na, anak. Ikaw na muna ang bahala sa professor mo at maghahanda lang muna ako ng pagkain," Ani mama.

"Hindi na po ako magtatagal. I still have a lot of works to do. Mauna na po ako," magalang na paalam ni Prof. kay mama.

"Ayaw mo bang sumabay munang mag agahan sa'min?" Hindi ako sigurado pero parang nahimigan ko ng lungkot o pagkadismaya ang boses ni mama.

Lumipat naman ang tingin sa'kin ni Prof. na parang hindi alam ang isasagot. Kalaunan ay bumaling ulit ito kay Mama at tipid na ngumiti.

"S-sige po, dito nalang po ako mag aagahan," tila nahihiyang tugon ng professor ko.

Napangiti naman ng malaki si Mama bago nagpaalam na magluluto na sa kusina. Bumaling ulit sa'kin ang professor ko pero ngumiti lang ako sa kan'ya ng tipid bago pumunta ng banyo. Hindi pa kase ako nakakapagtoothbrush o kahit hilamos man lang.

Maagang umalis si papa kaya sigurado akong hindi na s'ya naabotan ni Prof. Maaga kase ang pasada palagi ni papa.

Pagbalik ko sa maliit na sala namin ay naabotan ko si Saffary na seryosong nakatayo sa harap ni Prof. habang nakakrus ang mga braso. Ang professor ko naman ay prenteng nakaupo lang sa upoan habang sinasalubong ang mga tingin ng kapatid ko.

"Anong ginagawa n'yo?" Nagtatakang tanong ko sa kanila. Sabay namang bumaling sakin ang mga ito.

"Your sister is interrogating me as though I did something bad to you last night," deretso at walang reaksyong sagot sa'kin ni Prof.

Bigla namang bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi. Pakiramdam ko ay biglang namula ang mga pisnge ko kaya napaiwas ako sa kan'ya ng tingin.

"S'ya ba yung bumili ng dress mo, Ate?" Tanong naman sa'kin ng kapatid ko kaya tumango ako sa kan'ya.

Muli naman itong humarap sa professor ko at nagsalita. "Bakit mo binigyan ng mamahaling dress ang Ate ko? May gusto ka ba sa kan'ya?"

Bigla akong nasamid ng sarili kong laway dahil sa tanong ng kapatid ko. Sabay ulit silang napalingon sa'kin pero ngayon ay medyo may pag aalala. Napaubo ubo pa ako dahil sa nangyari.

"Are you okay?" Tumayo si Prof. at hinagod ang likod ko.

Ang kapatid ko naman at tumakbo papuntang kusina pero bumalik din agad na may dalang tubig. "Uminom ka, Ate." 

Tinanggap ko ang tubig at uminom doon. Medyo nauubo pa ako pero maayos na kumpara kanina. Ito naman kaseng kapatid ko kung ano ano ang sinasabi.

"Arya?"

Marry Me, Professor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon