One

163K 2.1K 336
                                    

Prologue

"Mama! Mama! Wag kayong umalis please!" sigaw ng apat na taong gulang na batang babae. 

Pumapalahaw na ito ng iyak habang nagwawala sa sahig. 

"Kailangan kong umalis anak, nandito naman ang Tita mo eh. Andyan din sina lolo't lola. Hindi ka nila pababayaan. Magtatrabaho lang si Mama para may pambayad tayo sa school sa pasukan," nangingilid ang luha na sabi ni Louise.

Nilingon ng batang babae ang apat na pinsan na noo’y nagkukubli sa pintuan malapit sa kusina. Mababakas sa mukha ng bata ang pagkaawa sa sarili. Wala na nga siyang Papa heto't iiwan na naman siya ng kanyang Mama. Hindi niya maintindihan kung bakit siya laging iniiwan. Mabait naman siya eh. Alam niyang hindi siya kailanman naging pasaway na anak, pero bakit ganun?

Nahabag si Louise sa bata. Pero alam niyang kailangan niya itong gawin. Kailangan niyang ayusin ang buhay na sinira ng talipandas nitong ama. Kailangan niyang ibangon ang sarili. Pinahid niya ang mga luhang namalisbis sa mata at pinatigas ang anyo. Hindi dapat pairalin ang awa sa ngayon. Masisira lang lahat ng kanyang mga plano.

  

"Sama na lang po ako Ma! Please naman Ma. Ayoko po dito. Ayoko maiwan! Mamaaaa!" Iyak nang iyak na sigaw ng batang babae. Nakahawak na ito sa tuhod ng ina. Halos nakaluhod na din habang gumagapang sa sahig.

Pilit na nilalayo ni Louise ang katawan sa bata bago mabagsik na sininghalan ito. "Hindi nga pwede! Ang kulit kulit mo! Dito ka nga lang sa Tita mo! Sige na! Go to your room! Now!"

Muli nitong kinuha ang kamay na sobrang higpit ang kapit sa laylayan ng damit niya.

"Nooo! I'm not going anywhere! Why do you need to leave ba? Ma, please naman po oh, hindi naman ako bad diba? Bakit niyo ako iiwan?" tanong nito sa pagitan ng mga hikbi. Mababakas ang pagkalito sa maamong mukha.

Muntik nang matawa si Louise sa narinig. Wow spokening dollar, English.

Hindi niya masisisi ang anak. Dalawa't kalahating taon pa lamang ay makikita na ang potensyal at talino nito kaya naman pinag-aral niya agad. Matalino ang kanyang anak. Pero dahil nga apat na taon pa lamang, umulit ito ng kinder 1. Nasa Day Care Center lang din sa kanilang subdivision ito nag-aaral. Mahilig itong mag-english. Impluwensya din siguro ang kaalamang panay mayayaman ang mga kaklase.

"Di ba sinabi ko na kailangan ni Mama magtrabaho para sa future mo? Paano ka magiging doctor niyan kung wala tayong pambayad ng tuition?" paliwanag ni Louise dito.

  

"Hin-di na lang po a-ko mag-aaral. Ayo-ko ko po ma-layo sayo eh. Ka-hit hindi na lang po a-ko magdoc-tor Ma bas-ta magka-sama ta-yo," paputol-putol na sagot ng bata sa pagitan ng mga hikbi habang pinapahid ang mga luha. Halatang pinipilit lang nitong pigilan ang pag-iyak dahil nahihirapan na din ito sa paghinga.

"Hindi nga pwede. Naiinis na talaga ako ha, I said go to your room now!" inis nang pakli ni Louise dito. Alam niyang kapag tumagal pa siyang nakatitig sa anak ay baka hindi na niya matuloy ang pag-alis.

Miss AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon