MMP-4

21.4K 623 76
                                    

SERENITY's POV

"Kung bakit ba naman kase hindi mo pa sagotin si Ethan, ang gwapo gwapo kaya non," panunulsol sa'kin ni Shagie.

"Sinabi ko naman sa'yong wala akong oras para sa mga gan'yang bagay," sagot ko naman at inayos na ang mga gamit ko.

"Suss! Pag talaga iyong si Ethan ay nakahanap ng iba dahil sa kakapabebe mo bahala ka," animo'y pananakot nito na ikinatawa ko.

I don't actually mind kung makahanap man si Ethan ng iba. I don't feel any attraction towards him. Kung sakaling makahanap man s'ya ng iba ay sigurado akong magiging masaya pa ako sa kan'ya.

"Mauna na ako dahil may trabaho pa ako," paalam ko kay Shagie at nauna nang lumabas ng room namin.

I'm a working student. Though may scholarship ako dito sa school but still kailangan ko pa rin na magtrabaho para makatulong sa mga gastosin namin. Nagtitinda sa palengke ang mama ko at driver naman ng jeep si papa. Hindi gaanung mataas ang kinikita nila kaya kailangan ko ring tumulong dahil nag aaral din ang kapatid ko. Idagdag mo pa na may sakit si papa kaya kailangan din ng pambili ng maintenance n'yang gamot. Hindi s'ya masyadong nakakapasada dahil don.

"Napaaga ka yata ngayon," bungad sa'kin ng kaibigan kong si Elle.

I'm working as a server/waiter dito sa bar na pinagpasokan sa'kin ni Elle. Elle is my friend since I was in elementary level. Hindi na s'ya nagcollege at dito na nagtrabaho dahil sa hirap ng buhay. Noong sinabi ko sa kan'ya na kailangan ko ng mapapasokan ay hindi s'ya nagdalawang isip na tulungan akong makapasok dito. Pero hindi naman araw araw ang pasok ko dito. Apparently, tatlong araw lang ang pasok ko dito sa isang linggo. Okay na din 'yon atleast meron.

"Maaga kaseng nagdismiss iyong isa sa mga professor namin kaya maaga akong nakapunta dito," sagot ko sa kan'ya at kinuha na ang pamalit ko na uniform dito sa pinagtatrabahoan ko.

"Graduating ka na nga pala next year, hindi ka ba mahihirapang pagsabayin 'yang pag aaral mo t'yaka pagtatrabaho dito?" Tanong nito habang abala sa kung anong hinahanap n'ya sa bag n'ya.

"Halos lahat naman mahirap, Elle, pero hindi naman ako pwedeng tumigil sa pag aaral o pagtatrabaho. Alam mong pangarap kong makapagtapos ng pag aaral pero syempre kailangan ko pa ring tumulong kila mama. Lalo na malapit nang mag highschool si Saffary," sagot ko naman dito.

Nakakapagod talagang pagsabayin ang pag aaral at pagtatrabaho. Pero kung hindi naman ako magtatyaga ay baka habang buhay nalang din kaming mahirap. Marami akong pangarap para sa'kin at sa pamilya ko. Kaya kahit mahirap ay hindi ko pwedeng sumuko.

"Bakit kase hindi ka na lang magmodeling? Maganda ka naman tyaka sexy, mas madali ang pera don," suhestyon nito. Ilang beses n'ya nang sinabi sa'kin yan pero hindi ako sang ayon. Hindi naman kase ako mahilig sa mga ganung klaseng bagay.

"Maganda at sexy ka rin naman, bakit hindi nalang ikaw ang magmodeling?" Tumawa ito sa naging paraan ng pagsagot ko sa kan'ya bago ako mahinang hinampas sa braso.

Apat na oras ang shift ko dito sa bar. Alas otso ako pumapasok tapos alas dose naman ang out ko. Mabuti nalang talaga at hindi ito kalayuan sa bahay namin at pwede ko lang lakarin kaya nakakauwi din ako agad.

"Arya, pakidala naman 'tong vodka and watermelon punch don sa table na 'yon. Bigla kaseng akong nababanyo, pasensya na ha," ang sabi ni Lira, kapwa ko waiter dito sa bar. Kinuha ko naman ang drinks na pinapasuyo nito at dinala sa table na tinuro n'ya.

Marry Me, Professor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon