2. Let's Be Friends

42.3K 392 77
                                    

Chapter 2: Let's Be Friends

Prism

When I reached home, hindi na ako nakapag-ayos ng sarili. Nahiga agad ako nang maabutang natutulog pa rin si Mama. I lay down next to her bed, may maliit doon na sofa. Binulungan ako ng antok. I catched a nap dahil pagod na pagod na talaga katawan ko. Dilim noong ako'y magising, gumaan papaano ang pakiramdam ko.

Tulog pa rin si Mama. As I waited for her to wake up, I changed my clothes.

"'Ma, nandito na po ako," sambit ko noong makitang dumilat na siya nang mariin mula sa mahimbing na pagkakatulog. "Gusto niyo na po bang maghapunan na? It's already 8 PM," the next thing I said.

Maliit siyang tumango. She's in the process of recovering, she can't speak and walk.

"Sandali lang po."

I went to kitchen. I prepared our food. Nawala na ang init ng lugaw kung kaya't pinainit ko muna ulit. I came back to her room with a bowl in my hand. Ganito palagi ang routine namin araw-araw, bagay na hindi ko pagsasawaan. Ang pagsilbihan siya batay sa pangangailangan niya.

I've never get tired taking care of her, she's the only one I have at ako na lang din ang meron siya.

Ipinatanong ko muna sa lamesa ang mangkok at tinulungan siyang sumandal sa headboard ng kama. Nilagyan ko ng unan ang kaniyang likuran para komportable ito.

"Kain na po." Kumuha ako ang isang silya at lumapit sa kaniya. Inihanda ko ang pamunas. Itinaas ko ang isang kutsara. Akin muna itong hinipan upang maalis ang kaunting init bago isubo sa kaniyang bibig.

Kahit sino, hindi gugustuhin tumayo sa ganitong klaseng buhay. I don't know where on earth got me here. Ang bilis ng bawat pangyayari. I have a happy and complete family but that was before. Minsan, hindi talaga mapipigilan ang galaw ng mundo kung kailan tatama ang isang mabigat na problema. Mapaglaro ang tadhana and I believe on that. Kahit hindi ka handa, kahit ayaw mo, kahit nasa gitna ka ng saya, you just wake up one day, everything just fades away. Hindi na mababawi. Pinahihirapan ka na.

Two years ago, my father and my lil brother both died in a car accident. They went Sports Arena, Manila to watch a basketball game and just a snap, tapos na lahat. May trahedyang nangyari. Pauwi na sana sila kaso nawalan ng preno ang isang truck at tumama sa kotse ni Papa, kinuha sila ng maykapal. Hirap kami ng Mama ko para tanggapin ang bagay na iyon. I thought that was the last one. Unfortunately, six months ago, na-stroke naman si Mama at sa awa ng Diyos, nagpapagaling na lang siya ngayon. Hindi ganoon kalala kagaya ng inaasahan ko ngunit hindi niya pa nagagawang magsalita nang maayos and she can't able to move half of her body. Sobrang kabado ako. Ayaw kong maiwang mag-isa rito. Akala ko, mawawala na rin siya. Tinutulungan kami ng mga tiyahin ko at ni lola pero naisip ko na hindi puwedeng umasa ako sa pera nila, I decided to find a job kahit bago lang 'yon sa akin. Mga bagay na hindi ako sanay gawin pero kailangang matutuhan. I had to work for her medicine and for my own expenses as well. Hindi biro ang presyo ng mga iniinom niyang gamot at hindi rin biro ang ginagastos ko sa pag-aaral. Minsan naisip ko na rin huminto kaso alam kong maraming aapila.

Hindi ganito kakumplikado ang buhay ko. Tanging nakapokus lang ang isip ko sa pag-aaral ko. Ngayon, ibang-iba na, malayong-malayo sa kung paano ako mamuhay noon, kailangan magdoble kayod dahil kaming dalawa na lang ni Mama ang magkasama.

"Masarap po ba?" tanong ko sa kaniya.

A small warm smile curled her lips.

"Maaga po ako umuwi, wala po ako gagawing project. Hindi po busy." Ayun ang alam ni Mama, she had no idea na meron na akong trabaho. Ayaw kong ipaalam sa kaniya ang pagsasakripisyo ko, only my Tita knows about that. Ayaw ko rin malaman niyang masama ang pakiramdam ko dahil baka ma-stress lang siya.

heaven has gained an angelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon