It's been a week since the "faculty room" scene happened. Isang linggo ko na rin siyang iniiwasan at alam kong napansin niya iyon dahil madalas ko siyang mahuli na nakatitig sa akin sa araw-araw na klase namin sa kanya. Hindi na rin naman siya lumapit o nagtangkang kausapin ako. Kahit sa recitation ay palagi akong nakayuko.
She understood it. She knows it's her fault. She made me so uncomfortable to the point na hindi ko makayang lunukin ang pride ko para sa participation ko sa klase.
"Ang boring ng klase natin kay Miss Vergara. Well, magaling siya magturo pero sa ganitong kaaga na klase ay mas lalong nakaka antok. Antahimik pa naman dahil ni minsan ay hindi ka na nagrecite sa subject niya." sabi niya habang nag uunat.
"Hindi rin kasi ako sigurado sa isasagot kaya hindi na ako nag vo-volunteer." palusot ko.
"Don't fool me, Dani girl. You're the smartest person I know. Hindi mangyayari na hindi mo alam ang sagot." sagot niya at saka ako inirapan. Gagang 'to.
"We have 30 minutes pa naman bago ang next class. I'll buy you snacks. Baka gutom ka lang." sagot niya ulit at hinila na ako papuntang cafeteria.
We bought snacks at kumain saglit bago kami pumasok sa classroom. Puro pahapyaw pa lang ang itinuturo sa amin at hindi nga nagkamali ang teachers ko noong senior high.
Malaking tulong ito para i-ready kami sa college. I hope students from Senior High will realize how important K-12 curriculum is. Kailangan ay piliing mabuti ang strand dahil 'yon na ang magiging daan mo sa college.
I'm an ABM graduate. Malaki ang tulong nito sa college dahil na credit lahat ng accounting subject na naituro na sa amin. Unlike other students na HUMSS ang strand pero business course ang kinuha. They need to undergo bridging programs para makahabol. Plus summer classes. Malaking abala.
Mabilis na natapos ang mga klase dahil wala pang masyadong ganap. Ang kailangan ko lang problemahin ngayon ay ang maghanap ng pwede kong maging mentor sa accounting dahil by September ay regional contest na. Naalala ko ang binanggit na pangalan ni Miss Vergara noon na si Doctor Samaniego. Hindi ko siya kilala kaya kailangan ko na namang magtanong-tanong.
Ayoko talagang nang-aabala ng ibang tao lalo na sa maliliit na bagay pero isa sa itinuro ng Papa ko sa akin no'ng bata pa ako ay ang magtanong kapag hindi ko alam ang isang bagay.
Katulad ng kasabihan, the one who asks is a fool for 5 minutes, but the one who never asks is a fool forever.
"Dani, maiwan muna kita saglit. Pupuntahan ko lang si Kuya. Nagtext siya sakin, eh." paalam ni Alexis sakin nang matapos ang klase namin.
Plano ko pa naman sanang magpatulong sa kanya para hanapin si Doctor Samaniego. Pero 'di bale na, ako na ang hahanap sa kanya.
Bumaba ako ng first floor para maghanap ng professor na mapagtatanungan. Dapat pala ay nagtanong na ako kay Mrs. Gomez kanina. Nakapagtatakang wala ni isa akong mahanap.
Aakyat na sana ako sa hagdan nang mapag desisyunan kong mag elevator nalang. Magbabasa na muna ako sa library. Ako lang mag-isa pagpasok ko pero bago magsara ang pintuan ay biglang may humabol.
Si Miss Vergara.I immediately stepped back. Kinuha ko nalang ang phone ko at pasimpleng nag scroll sa feed ko. Naalala ko bigla ang friend request niya sa akin. Pero nag check ko ay wala na ang kanyang pangalan. Baka napindot niya lang noon.
BINABASA MO ANG
Chasing Stars
RomanceAnthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding Alumna in Law in the University of the Philippines. Anthea has always been an achiever throughout he...